Prologue

54 0 0
                                    


TW: Foul/Harsh Words

"Kadiri ka! Lumayo ka sakin, walang magmamahal sayo kasi madumi ka. Putangina nandidiri ako sayo! Alis!" Josh exclaimed.

"Just because someone is not perfect, does not make it less worthy of love."  lumabas ako ng kwarto pagkatapos bitawan ako mga salitang iyon. Hindi ko inaasahan ganon ang sasabihin sakin ni Josh, hindi ko naman siya masisisi. Who'd be proud loving someone like me. Sino ba naman ako diba? 

Pumasok ako ng apartment kong para bang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ko, si Josh nalang ang inaasahan kong makakaintindi sakin dahil 2 taon nadin kaming magkarelasyon. Alam kong dapat matagal kong nang sinabi, pero masisisi niya ba ko? Kung ganto ba ko ng nakilala niya ko e magugustuhan niya ko? 

Umupo ako sa gilid ng kama at minasahe ang sentido ko, I still have school tomorrow. Binuksan ko ang bag at kinuha ang cellphone ko. '10 MISSED CALLS FROM MAMA' yan ang bungad sa akin ng buksan ko ang phone ko. Ano nanaman kaya ang kaylangan nila ngayon? Napabuntong hininga nalang ako habang hinihintay ang pagsagot ni Mama sa tawag ko. 

'Anak? Asan ka? Ayos ka lang ba?' tanong ni Mama. 'Ayos lang ako, Ma' tugon ko. 'Eh kasi si Jonjon may kaylangan daw para sa project niya. Nanghihingi sakin ng pera, eh wala pa kong pera nak.' Ani niya. 'Sige po ma, magpapadala ako. Papasok na po ako, ingat po kayo dyan' saad ko at pinatay ang tawag. 

"Eto nanaman tayo." Napabulong nalang ako habang hinihugot ang dress sa aparador ko,  sinuot ko ito at humarap sa salamin. I traced my body using my hands, napaksexy para sa akin ng damit na ito. I shook my head a bit, kaylangan mo gawin to, Veronica. Para sa magulang mo. 

Ako nalang kasi ang kumakayod para sa amin, inampon ako ni Mama nung dalaga siya. Wala naman siyang naging asawa kaya nag ampon ulit siya, lalake naman. Si jonjon. Nung bata pa ko, kahit anong trabaho pinapasukan ni Mama, pero nung nagkasakit siya. Kaylangan kong magtrabaho para sa gamot niya at para narin sa pag aaral ko. Sa manila ako nagaral, scholarship lang ang nagpapaaral sakin simula noon. Kaya talagang dapat kong pag igihan ang pag aaral ko. 

Sabi nila I had wealthy parents, pero aanhin ko naman yung yaman nila kung iniwan lang nila ko diba? Halatang may halo ang lahi ko. Dahil hindi itim ang buhok ko. Brown, minsan iniisip ko kung anong magiging buhay ko kung sakaling di ako pinamigay ng magulang ko, masaya kaya ako ngayon? 

Hinila ko ang pinto ng bar, at pumasok sa loob. "Bakla! loka ka, kala ko di ka na papasok. Hinahanap ka ni Mama Eya." salubong sakin ni Mitch. Isa sa mga katrabaho ko si Mitch. Siya lang ang kaclose ko dito sa bar. "Sige daan ako doon," at pumasok sa opisina ni Mama Eya. 

"Mama Eya? Hinahanap niyo daw ako?" tanong ko kay Mama Eya. "Oo, may nagpapa home service. Ikaw ang gusto e." saad ni Mama Eya habang hinihit ang kanyang sigarilyo. "Anong oras?" tanong ko sakanya. "Mamayang 12:00 am daw, 2 hours lang binayaran niya. Choosy nga e, pag di daw ikaw di siya magbabayad." tugon ni Mama Eya. "Sige po, bigay niyo nalang yung address sakin mamaya." saad ko at lumabas ng opisina para mag ayos sa dressing room. 

"May raket ka ulit? Suki ka talaga no?" tanong ni Mitch na nagbibihis nadin kasama ko, "Kung ako lang tatanungin, ayoko ng raket Mitch. Lalo lang akong nandidiri sa sarili ko. Pero kaylangan ko ang pera."  sinara ko ang pouch na pinaglalagyan ng make up ko at lumabas. 

Maraming customer ngayong gabi, weekend kasi. Marami sa mga nagiging customer namin e business man at mga bigating politiko. Tago at high quality kasi ang lahat ng mga tao dito. Karamihan saming nagtatrabaho dito may lahi. 

Noong naghahanap ako ng trabaho nadaanan ako ng kotse ni Mama Eya, binigyan niya ko ng calling card bago siya umalis. Akala ko di ko yun magagamit pero ito ako ngayon, isa sa main attractions ng bar. "Veronica, ikaw na." kinalabit ako ni Mama Ely para pumunta ng stage. 

Play : Shakira - Chantaje

Nagsihiyawan ang mga tao sa harap ko. Tumugtog ang kanta at nagsimula akong sumayaw, ramdam ko nadin ang presensya ng alak sa katawan ko habang sumasayaw. Kaylangan ko ng lakas ng loob para sumayaw dahil hindi ako sanay. Sinabayan ko ang bawat kumpas ng tugtog, pikit mata akong gumigiling sa entablado. Nagsimula silang magbato ng pera sa direksyon ko. Madali lang natapos ang kanta at agad akong bumuba sa stage. Eto talaga ang parte ng trabaho kong hindi parin ako sanay. Hindi ata ako masasanay dito. 

"Vaklah! ako na pupulot non, ihahatid ko sa apartment mo mamaya. Alis ka na daw sabi ni Mama Eya, nasa counter daw yung address." saad ni Mitch at agad ding umalis. Nagpunta ako sa counter para basahin ang nasa kapirasong papel na iniwan ni Mama Eya. 'Grand Heights ( Unit 203)' "Bigatin," napabulong ako habang naglalakad palabas ng bar.  

Agad akong pumara ng taxi pagkalabas ko ng bar, gaya ng inaasahan ko napakatayog ng building na yon. Lagi ko tong nadadaanan kapag naglalakad ako pauwi. Bumaba ako pagkatapos magbayad kay manong driver. Pumunta ako ng customer service para ipaalam sa customer na andito na ko, hindi din nagtagal pinaakyat na ko sa unit nito. Pagkababa ng elevator ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. Eto ang pinakaayaw kong parte ng trabaho ko. Ang makipagtalik sa taong hindi ko naman gusto. Napapikit na lamang ako habang inilalapit ang kamay ko sa pinto para kumatok. 

Pagkatapos ng ilang katok sa pinto ay bumukas nadin ito, nanatili ako sa kinatatayuan ko ng maaninag ko ang taong nasa harap ko. "B-blaire?"


a/n: Guys, first time to. Sana magustuhan niyo. Naging sabaw utak ko. huhu




VeronicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon