Chapter 1 - Blaire

39 2 0
                                    


Blaire's POV 

"Blaire, ang dami naman kasing pwedeng maging crush. Yun pa talagang babaeng yun? Di ko rin maintindihan taste mo e, ang losyang kaya nun!" natawa nalang ako sa sinasabi ng kaibigan ko habang hinihintay dumating si Veronica. 

I had been admiring her from afar simula nung makita ko siya sa isang bar na madalas naming pinupuntahan ng mga kaibigan ko. I knew her as a very distant person. Di rin siya napapansin sa school pero I could really see how amazing and hardworking she is. I overheard her conversation with her mom one time nung nagkasabay kami sa bathroom. She was having a hard time earning money pero kumakayod padin siya para sa mama't kapatid niya. 

"Blaire! Hello?! Naririnig mo pa ba ko?" ani ng kaibigan ko na naghihintay akong magsalita. "Andito pa ko, sige na nga mamaya na. I'm waiting for Veronica." I ended the call and patiently waited for someone to knock on the door. 

I was about to fall asleep when I finally heard a knock on my door. I ran towards the door and I saw a beautiful girl standing right in front of me. "B-blaire," nauutal na saad ni Veronica. "Hi," I smiled at her and stared at her. "Ang ganda mo," I said, unconsciously.  "Uhh, pasok ka?"  I showed her the way inside at agad naman niya akong sinundan,  Goodness gracious, that ass.

Napasinghap ako habang tinitignan siya. Damn woman, ang ganda mo, I said to myself. "Ikaw talaga ang nagpapunta sakin dito?" nagtatakang tanong ni Veronica habang inoobserbahan ang lugar. "Yes, can you eat with me?" tanong ko habang nakatitig sa kanya. "P-pinapunta mo ko dito para kumain?" Tanong niya, parang gulat na gulat siya sakin. Ang cute mo, hays.  "Yes, okay lang ba?" I asked, kitang kita sa mukha na niya ang hiya. "O-okay lang, pero nagbayad ka pa. Sana tinawagan mo nalang ako." saad niya. "I don't have your number," tugon ko habang umiinom ng beer. "Bakit gusto mo ko kasama kumain?" tanong niya. Kasi crush kita. "I want to get to know you," binaba ko ang hawak kong beer at lumapit sakanya. "Get to know me?" nagtatakang tanong niya sakin. "Yes, baby. Get to know you." inilapit ko ang mukha ko sakanya at tinignan siya sa mata.

"Blaire...." Kinakabahan saad niya, "I like girls. You in particular," I whispered in her ear. Agad din akong lumayo sa kanya at umusog sa kabilang dulo ng sofa. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya. I'm sorry, honey. I've waited too long. "I have a job for you, sagot ko na yung tuition mo sa school, gamot ng mama mo and your monthly salary." I handed her a contract and made her read it. "Anong kaylangan kong gawin?" tanong niya. I smiled, interesado siya sa offer ko. "You will be my girlfriend," agad kong sabi. "H-ha?" napansin ko ang paglaki ng mata niya. "Di kita pipigilang magtrabaho padin sa bar, basta wag kang sasama sa iba. Akin lang lahat ng services na inooffer mo." I added. "Bakit mo gustong maging tayo?" tanong niya. "I like you, and I'm buying your time to make you fall for me." tinignan ko siya. Ramdam ko ang tensyon sa paghinga niya. 

Veronica's POV 

"I like you, and I'm buying your time to make you fall for me." saad ni Blaire, dahilan para lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Babae siya, di dapat ako nagkakaganito. Huminga ako ng malalim at tinignan siya, pero bumaba lang ulit ang tingin ko. Nanghihina ako sa titig niya, pero hindi mawala sa isip ko ang offer niya. 

"25 thousand, basic salary, Di pa kasama ang bonuses mo. You can tell me kung magkano ang balance mo sa school at ang mga gamot na kaylangan ng nanay mo." napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Blaire. Magkaklase kami pero bakit ganoon na agad kalaki ang kaya niyang ibayad sakin? Hindi ko inaasahan ito. 

"So? Do you agree?" Tanong niya sakin. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko habang nagiisip ng isasagot ko. How bad could it be? Babae naman siya. Wala namang mawawala sakin, tyaka di ko naman sinabing mafafall ako. "S-sige, payag ako." nag aalangan kong tugon sakanya. 

"Nice, sign there." itinuro niya ang bahagi ng papel at inabutan ako ng ballpen. Pinirmahan ko agad ito at ibinalik ang kontrata sakanya. "Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya. Sana naman hindi muna, gusto ko pa magready Lord, huhu. "Kakain lang tayo ngayon, bukas na tayo magsimula. So, are you hungry?" tanong niya sakin. Tumango naman ako, sa totoo lang kanina pa kumakalam ang sikmura ko, hindi lang ako makakain kasi inaalala ko ang ipapadalang pera ko kila mama. 

Inabutan niya ko ng pagkaing mukhang kaluluto lang, "Here, baby. Eat up." saad niya at inabutan ako ng kobyertos. "Baby?" tanong ko. "Yes, baby. Do you have another endearment in mind?" tanong niya sakin, habang sinisimulang kainin ang niluto niya. "Wala naman, I'm fine with baby." tugon ko at kinain nadin ang pagkain ko. "Damn, your accent is so sexy." narinig kong bulong niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ano ka ba Veronica? Babae yan! Maghunos dili ka nga! "Yours too," tugon ko sa sinabi niya. Nakita kong nabilaukan siya, kung magiging nobya lang din naman niya ko, e sasakyan ko na. 

I felt butterflies fighting inside my stomach when I saw her unbutton her polo. This girl will be the death of me, napapikit ako sa nakita ko. "Why baby? makikita mo din naman to." saad niya na lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. "U-uh, di pa lang ako sanay hehe" tugon ko sakanya. "Open your eyes then," nagulat ako sa sinabi niya, wag mo naman akong ganyanin please. "H-ha?" nauutal kong tanong sakanya. Nararamdaman ko na papalapit siya sakin, hanggang sa maramdaman ko ang hininga niyang malapit sa tenga ko. "Open your eyes, baby" bulong niya sa tenga ko. Marahan akong napaatras dahil sa pagkakiliti. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko ng makita ko siyang nakabihis na. Agad naman akong napasimangot. 

"It feels teasing you, you look cute baby." hinawakan niya nag baba ko, at dahan dahang hinaplos ito. "Tara na, iuuwi na kita." aya niya sa akin. At hinatak ako palabas ng unit niya. Pagkapasok namin ng elevator agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Sabay tayong pumasok bukas ha? Susunduin kita." saad niya habang nilalaro ang mga daliri ko. "Sige." ngumiti ako at tinignan siya. 

Ang ganda pala ng mga mata niya, hindi ko alam kung bakit kababae niyang tao e nagagwapuhan ako sakanya. Para siyang babaeng version ng mga lalakeng napapanood ko sa telenovela. Napakasarap titigan ng mukha niya. "Baby? Let's go" agad akong bumalik sa ulirat ng narinig ko ang boses niya. 

Pagkarating namin sa parking ay agad niyang natunton ang kinaroroonan ng kotse niya. "Get in, baby" binuksan niya ang kaliwang pintuan ng kotse at pinapasok ako rito. Naging tahimik ang byahe kaya nagpasya akong basagin ang katahimikan ito. "Paano mo ako nakilala? Di naman ako pansinin sa school?" Tanong ko sakanya. "Oh, I saw you. Doon sa bar na pinagtatrabahuhan mo. I can't get you off my sight. I knew I needed to see you again. Tapos nung nagrecite ka sa klase ni Ms. Frias namukhaan kita. Kaya ayun, tinanong agad kita doon sa manager ng bar niyo." sagot niya sakin. Napatango nalang ako. Muling nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa apartment ko. 

"We're here." Mahinang saad ko, bumaba kami sa tapat ng apartment ko. Inimbitahan ko siya pumasok pero sabi niya sa susunod nalang daw. "Ingat ka," saad ko habang kumakaway sakanya. "Susunduin kita bukas, Sleepwell baby" saad niya at tuluyan nang pumasok sa sasakyan. Isinara ko ang pinto ng apartment ko ata agad na sinapo ang dibdib ko. Nais na ata kumawala ng puso ko. Nagwawala na. "Delikado ka, Veronica. Delikado ka." Napailing nalang ako habang kinakausap ang sarili ko papasok ng kwarto ko. 



VeronicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon