Their Dream

2 0 0
                                    

HINDI ko mapigilang ngumiti nang buksan na ang pinto ng simbahan. Sa may altar, doon ko nakita ang taong ipinalangin ko sa Panginoo, right there I saw the man of my dreams, ang lalaki na kasama ko habang buhay.

Makalipas ang limang minuto, nakalapit na ako sa kaniya. I cannot stop my tears from falling, ang tagal kong hinintay ang araw na ito, ang maikasal sa taong mahal ko.

"I love you, Selene," he said. He held my hand at inalalayan papalapit sa pari.

The ceremony started, everything went well until our exchanging of vows.

"Selene, I know that I am not a perfect boyfriend for you but, I will try my best to be a good husband for you. For the past years of being together, we know that we argue a lot, ang dami nating nalagpasan na problema na magkasama. Mahal kita simula noong araw na nakita kitang nakanta sa music room ng school at hindi nabawasan yon. Being with you was the best thing that ever happened in my life, you are the cause of my happiness, my inspiration, my motivation, my everything." he sadly smiled na ikinataka ko naman. I looked at him with confused eyes. "Selene, may hiling ako sayo bago matapos itong wedding vow ko." hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ko.

"A-ano?" I whispered.

"I want you to wake up, Selene." he smiled.

I was about to ask him but I heard a cry from somewhere. Pinalibot ko ang tingin ko upang hanapin ang iyak na nadidinig ko pero parang hindi nanggagaling ang iyak dito sa loob ng simbahan. I covered my ears para mabawasan ang lakas ng nadidinig kong iyak pero parang walang nangyayari, hindi babawasan ang lakas. Nagulat ako na parang may mabigat na bagay ang yumakap sa akin. Isang sobrang lakas na sigaw ang nagpagising sa aking diwa.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Sa isang iglap nawala ang magarbong kasal, nawala ang simbahan, maging ang mga palamuti ay nawala, purong puti lamang ang nakikita ko.

"Ma! Gising na si ate," nadinig kong saad ng isang babae. Agad akong napatingin dito at napag-alaman na isa siya sa mga kapatid ko.

"S-selena, nasaan si B-brench?" I asked her.

Lumikot ang mata , trying to find the answer for may question. I just looked at here with confused eyes. Napabaling ang tingin ko sa pinto ng hospital nang madinig ko ang pagbukas noon. Doon ko nakita si Mama, her eyes are full of tears, halos mamaga na ito.

"M-ma? Si Brench po?" I asked my mom. Nagtaka ako nang may tumulong luha sa mga mata niya na nasundan ng isa at nagsunod-sunod na.

"Anak." lumapit siya sa akin. "Wala na si Brench. Dead on the spot siya." hindi ko mapigilang lumuha nang madinig ko ang sinabi ng aking ina. Nanumbalik ang aking mga ala-ala bago ako mapunta dito sa ospital.

PAPUNTA na kami sa restaurant para makipag-usap sa wedding coordinator namin. We are on our way to restaurant nang may madinig kaming malalakas na busina ng sasakyan, huli na nang maiwasan namin ang nawalang preno na truck. Agad itong bumangga sa sasakyan namin at doon na ako nawalan ng malay.

"B-BRENCH." yun na lang ang tanging nasabi ko nang manumbalik sa akin ang mga ala-ala ko.

'Yung magarbong simbahan, panaginip lang pala.' Yung magandang gown na suot ko, sa panaginip ko lang. 'Yung kasal, panaginip lang pala. Maging siya, nasa panaginip ko na lang pala. Lahat ng iyon, panaginip ko lang na kahit kailan ay hindi magkakatotoo. Ang sakit isipin na ang pangarap naming dalawa noon ay hanggang panaginip ko na lang ngayon, wala nang pag-asang matupad ang lahat ng iyon dahil wala na siya. Wala na si Brench, wala na ang taong mahal ko.

–End

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Story CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon