CHAPTER 4

4 0 0
                                    

Aelius POV

Pagpasok ko sa bahay nila Heaven si Dawn agad hinanap ko. Syempre bakit ako hahanap ng pangit. JOKE.

Sa bahay talaga nila Heaven gaganapin Birthday ni Devin.

I repeat Birthday ni Devin. Si devin may birthday. Ibig-sabihin may inuman. Duh si Devin yon..

Tapos nandito pa pala Magulang nila

GRABE LAKAS NG LOOB.

"napakagwapo naman ng kaibigan niyo anak"nagulat ako nasa harap ko na pala si heaven pati yung mana niya

"Mas gwapo naman ako ma"tinuro pa ni devin sarili niya

"Nandoon na sila sa loob"sinenyasan ako ni heaven na sumunod sa kanya

"Happy birthday Devin"inabot ko sa kanya yung regalo ko bago sumunod kay Heaven

Andoon nga silang lahat. Pati sila jay. Hindi man lang ako hinintay sa labas, kaibigan ko ba talaga to?Charot

"Late ka nanaman"reklamo ni kayven

May nakaupong babae sa tabi ni Dawn hindi ko alam kung sino Basta kamuka niya si Dawn. Maganda malamang.

"Hi"she smiled at me while waving her hands.

"Ah si Ate Luna"

"Ate ni Dawn"

Ah kaya pala

"Si Luna ina-ate niyo pero kami hindi niyo man lang ma-kuya magkasing edad lang naman kami"reklamo nung isa pang lalaki na hindi ko rin kilala

Parang mag kakakilala na rin naman sila. Baka kilala narin nila Jay dahil kanina pa sila nandito. Ewan

"Hi, my name is yuri"pagpapakilala nung nagsasalita kaninang lalaki.

"Aelius diba?"ngitian ko siya habang tumatango inalok ko kamay ko akala ko hindi niya tatanggapin kaya kinabahan ako pero tinanggap niya naman

"Hi guys sorry i'm late"halos mapatalon naman ako dahil kay kuya Joshua na bigla biglang sumusulpot

Ginala niya mata niya sa mga nakaupo pati sa akin

Umupo na ako sa tabi ni Mimgming dahil wala naman nakaupo sa tabi niya

"Grabe lakas ng loob niyong magkapatid"Sabi ni Dawn habang tinitignan yung alak sa lamesa

"Mahal naman ako ni mama kaya hindi niya ako kayang gawing homeless"proud na sambit ni Heaven

"Oh cake kainin niyo daw"dumating si Devin kasama si kuya Johan sa likod niya

"Wala si chloe pinuntahan niya parents niya"

Nagbago bigla expression ng mukha ni kuya Johan

Parang nung pagpasok niya naka ngiti siya tapos nung makita niya kami biglang nag iba.

"Parang gusto ko nalang umuwi"biro pa niya pero parang kalahati totoo. Ewan may nararamdaman akong hindi maganda.

...

Kinina pa nagiingay sila Heaven syempre pati ako.

"Ohhh!!!!"sigaw ni Heaven

"Kita mo yan kayven hindi mo maabot yan!"pagyayabang niya

Naka-one hundred siya sa videoke

Hays

"Talaga ba Heaven?pakyu"pikon na ata si kayven bago agawin yung mic kay heaven

"Hoy Ae tulungan mo ko dito, di ako marunong magrap-*"natigilan si Kayven nang biglang sumigaw si johan

"TANGINA JOSHUA TAMA NA!"

"Psst patayin mo"rinig kong bulong ni Kyler kay kayven

Pinatay nila yung videoke.

"Pwede ba?tama na"

"Okay na ako eh, ok na ok na ako pero tangina bakit ka naman ganyan?"bigla naman tumulo yung luha ni kuya Johan

"Jo please"tinry ni kuya Joshua hawakan si kuya johan pero tinulak lang siya neto bago mag walk out

"Jo listen to me"hinabol naman siya ni kuya Joshua

"Ate.."narinig ko si Dawn. Hawak niya sa pala-pulsuhan si Ate luna. Nakita ko pag-aalala sa mata ni Dawn pero nginitian lang siya ni Luna

"Kaibigan ko si Johan makikinig siya sa akin"

Hindi ko alam kung ano nangyari pero nagawa nitong patahimikin kaming lahat.

HomeWhere stories live. Discover now