Chapter 4

24 4 3
                                    

[A/N] Sorry kung medyo magulo, hindi ako nag re-read. Maikli lang 'tong chapter na 'to, kinakabahan ako. Sana magustuhan niyo, ENJOY READING!!

Chapter 4  Double Date

"Masakit?" naka ngisi kong tanong kay Sean na nakasunod ang tingin sa dalawang papalabas ng restaurant.

Bibili lang daw sila ng book habang hinihintay ang mga order namin. Si Alas ang nasa labas ng room namin kanina para ayaing kumain sa labas si Martina. Wala naman kaming lakad ni Sean kaya sumama na kami sa kanila.

"H-ha? what do you mean?" sagot niya at tumingin sa'kin.

"Look oh, yung pinsan mo at yung babaeng mahal mo magkasama" umayos ako nang pagkakaupo "Bakit hinayaan mong maagaw sayo ni Alas si Martina?"

"A-ano bang s-sinasabi mo diyan?!" naiilang niyang tanong at sabay iwas nang tingin.

"Matatago mo sa lahat, pero hindi sa'kin" i said.

"Kailan pa? kailan mo pa alam?" nagtatakang tanong niya.

"Matagal na."

Natahimik siya, pansin kong hindi niya gustong pag usapan kaya nanahimik nalang ako.

Makalipas lang ang ilang minuto ay naka balik na ang dalawa. Katabi ko si Sean, nasa harap niya si Martina, at ang kaharap ko naman ay ang kwago, walang iba kundi si Alas.

Dumating na ang order namin at saka kami kumain. Habang kumakain at nag kukwentuhan ay parang may mga matang naka tingin sa'kin, inilibot ko ang paningin ko.

"Sino hinahanap mo?" tanong ni Alas at kinakabahan akong tumingin sa kaniya "Okay ka lang ba?".

"A-ano...a-ahm.. cr l-lang muna ako" sabi ko at ngumiti sa kanilang tatlo, nag nod muna sila sa'kin bago ako tumayo at pumuntang cr.

Pagkarating ko sa banyo ay humarap ako sa salamin para ayusin ang sarili. Huminga ako nang malalim para mawala ang kaba at panginginig ng mga tuhod ko, dahil sa kaba.

Inayos ko ang magulo kong buhok at ang nalukot kong uniform. Tumayo ako nang tuwid, muling huminga nang malalim bago lumabas, bumalik sa pwesto namin.

"Anong nangyari, bff? okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Martina.

"Okay lang" ngumiti ako ng matamis  "may call of nature lang, yung number 1".

Bumalik na kami sa pagkain at nag kwentuhan.

"Kasalanan ko bang may gwapo kang pinsan? kasalanan ko bang malakas ang karisma ko sa mga babae?" mayabang na sabi ni Alas.

"Wow grabe bait naman ng manager dito, nilakasan yung aircon!" sabat ko.

"Bakit?" tanong sa akin ni Alas "Bakit hindi mo matanggap na may gwapo kang kaharap ngayon?"

"At may gwapo kang katabi ngayon?" nagtaas baba pa ng kilay si Sean habang nag sasalita.

"Ang kapal niyo! nagtataasan ang mga balahibo ko sa mga pinagsasasabi niyo!" sabat ni Martina at binalik sa pagkain ang kanyang atensyon.

Pagkatapos namin kumain ay nagbayad na kami at lumabas ng restaurant. Maaga pa naman, kaya naisipan namin na mamasyal muna dito sa mall.

Napagdesisyunan naming pumunta sa Arcade. Habang naglalakad kami,  parang may mga matang nakasunod samin, kaya inilibot ko ang paningin ko upang hanapin kung sino ang may ari ng mga mapangahas na mata na nakasunod samin.

"Huwag mo silang hanapin." muntik na'ko mapatalon sa gulat ng biglang lumitaw si Alas dito sa tabi ko. "Kung nararamdaman mo sila, hayaan mo lang, wala silang magagawa sayo, kasi nandito ako."

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" naiiritang tanong ko.

"Alam ko nararamdaman mo din na may nakatingin satin ngayon, may sumusunod satin." pagkasabi niya non ay binilisan niya ang lakad para makapantay ulit si Martina sa paglalakad.

Tinignan ko si Sean, nakatingin din siya sa'kin at ngumiti siya ng matamis.

"Makinig ka nalang kay Alas." pagkasabi niya ay huminto na siya sa paglalakad. Nakarating na pala kami sa Arcade ng hindi ko namamalayan.

Hindi namin namalayan ang oras dahil sa mga tawanan at asaran namin habang nag lalaro kami.

Napatingin ako sa orasan ko at nakitang 8:30 na. Alas tres lang ng hapon ang uwian namin, mahigit limang oras na pala kaming magkakasama.

Nagkaayaan na kaming umuwi. Lumabas kami ng mall at dumeretyo sa parking lot. Pagkarating doon ay sumakay kami sa kotse ni Sean.

Iniwan ni Alas ang dala niyang kotse sa condo niya, na nadaanan namin kanina, para daw sama sama nalang kami sa iisang sasakyan.

Wala din naman akong dalang kotse dahil nga sinundo ako ni Sean kanina. Si Martina ay wala ding dalang kotse dahil hinatid siya ng daddy niya kaninang umaga.

Nasa driver seat si Sean at sa tabi niya naman ay si Alas. Nandito kami sa likod ni Martina.

"Ay!!" sigaw ko nang may maalala.

"Okay ka lang?" nagaalalang tanong ni Martina.

"You owe me an explanation!" sabi ko kay Martina.

"Ha?"

"Sinong ka Iloveyouhan mo kanina umaga?" halos umusok ang ilong ko dahil nanlalaki ito.

Umiwas nang tingin si Martin. Nakita ko na namumula nag pisngi niya at hindi makatingin kanino man sa amin. Nakatingin sa amin si Alas at si Sean naman ay deretyo sa daan ang tingin.

"Martina.." nanlalaki ang mata ni Alas at lumingon saglit kay Sean na walang imik. "Sino yon Martina?".

"Omg! so ibig sabihin, hindi ikaw yon?" tanong ko kay Alas.

"Ha? E bakit naman ko naman sasabihin sa kaniya na mahal ko siya?" naguguluhang tanong niya.

"Malamang! girlfriend mo siya!"

Nang sabihin ko iyon ay natahimik ang mga nasa loob at hindi rin nag tagal napuno nang malakas na tawanan ang loob ng sasakyan.

"Ano tinatawa tawa nyo diyan?!" inis na tanong ko.

"Sino naman nagsabi sayong may relasyon sila?" nakatawa paring tanong ni Sea.

"ha ano si ano..." wala akong masabi kasi wala namang nag sabi sa'kin "Akala ko lang kasi, bakit ba!!"

Isinandal ko ang likod ko at mariing ipinikit ang mga mata. Mga damonyong to ayaw tumigil sa kakatawa!!

"So, sino ang ka iloveyouhan mo kanina Martina?"

"Ano, yung boyfrie--"

Hindi natuloy ni Martina ang sasabihin. Sabay sabay kaming nagulat nang biglang may malakas na tunog mula sa likod namin.May bumangga sa amin.

Napakabilis ng mga pangyayari. Naramdaman ako nang hilo dahil sa lakas nang pag tama ng ulo ko sa upuan ni Sean at sa salamin na nasa gilid ko, idagdag pa doon ang paikot ikot na sinaskayan namin.

Nanlalabo na ang mga mata ko, pero bago ako tuluyang mawalan nang malay nakita ko si Sean at Alas na tinatanggal ang seatbelt at may mga dugo sa ulo nila.

Pilit kong idinidilat ang mga mata ko para tignan si Martina. Hindi ko na nakita ang itsura o lagay ng kaibigan ko pero narinig ko pa ang boses niya na sumisigaw sa sakit at tinatawag ang pangalan ko, hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The TruthWhere stories live. Discover now