"Genshin!" patakbong tawag ni Sasuke sa kaibigan niya. As if naman maririnig siya. Actually, nakikita naman siya, at sanay na ang driver nito na doon siya nag-aabang sa may kanto ng street nila. Palabas na ng gate ang sasakyang Montero dahil sa gilid lang nga daanan ang mala-mansiyon na bahay nina Genshin. Sumasabay siya rito paminsan-minsan, tulad ngayon, tulad ng napagkasunduan nila sa chat. Papunta sila sa eskuwelahan. Online ang klase nila, pero gusto nilang pumunta sa St. Ignatius Gangland Academy sa may Kalayaan dahil nami-miss na nila ang mga kaklase nila. Maggo-group review sila para sa nalalapit na exam.
Baka tatambay lang naman sila sa Araneta Center pagkapatapos nilang magkita-kita sa may campus canteen. Sana, kaunti lang ang tao sa Araneta Center. Sabagay, mula noong mauso ang plandemic, hindi na gaanong naglalabas ang mga tao.
Swerte lang dahil me mga sasakyan sila. Lalo na si Genshin. Mataas ang tungkulin ng mommy niya sa CityHall. Parang head of office yata. Basta, madalang lang din pumasok ang mommy niya dahil sa copit19.
Binuksan ni Genshin ang pintuan ng sasakyan para makapasok si Sasuke. "Inaantok pa ako. Pero gusto kong makita si Yuno, kaya sasama ako sa group review!" bungad nito sa kanya.
Crush din niya si Yuno. Di lamang niya ipinapahalata, dahil nga naunang nagsabi si Genshin ng paghanga sa dalagita.
----
Bawat isa sa ating mga Fiipino, ay dapat alamin ang ating Batas at mga Karapatan. Ito ay upang mabantayan natin at maisakatuparan ang ating mga ninanaisa na ikakaunlad ng sarili at ng bayan. Dahil TAYO ang "pamahalaan."
Ang ating pamahalaan ay may sariling Bibliya. Tinatawag itong The 1986 Philippine Constitution o Saligang Batas.
Ayon dito:
Kami, ang mataas na mamamayang Pilipino, na humihingi ng tulong mula sa Makapangyarihang Diyos, upang makabuo ng isang makatarungan at makataong lipunan, at magtatag ng isang Pamahalaan na maglalagay ng aming mga ninanais at mithiin, itaguyod ang kabutihang panlahat, panatilihin at paunlarin ang aming lahi, at iligtas na ang ating sarili at ang ating inapo, ang mga pagpapala ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng batas at isang rehimen ng katotohanan, hustisya, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay, at kapayapaan, ay nagtatalaga at naglalahad ng Konstitusyong ito.
Dito sa Konstitusyon na ito nakapaloob lahat ng ating mga batas, karapatan, at mga dapat nating ipagtanggol mula sa mga mandarambong na nakaupo sa sistema ng pamahalaan.
BINABASA MO ANG
Gangland Academy (The Modules)
ActionAng kwentong ito ay hindi kwento nina Genshin, Yuno, Sasuke, at iba pa. Isa itong bahagi ng pag-aaral para sa mga estudyante ng buhay, na kailangang matuto kung paano ang TUNAY na kalakaran sa mundo, sa Pilipinas. At nang sa gayon ay kakayanin nilan...