LOVE AT FIRST WINK

0 0 0
                                    

Love at first wink
Dedicated to : ABCD & RT
Story from: Love at First Read/ Targets of Destiny by chiXnita

Nagsimula lamang ang lahat nang maisipan kitang pagtripan
Nang sa CAT palihim kitang kinindatan
Ngunit tila di ka naapektuhan
Sapagkat ginantihan mo ko ng kaparusahan.

Lumipas ang mga araw — sa t'wing CAT ikaw ang pinagdiskitahan,
Biktima ka ng aking kakulitan
Hanggang isang araw tuluyan ka ng tinamaan ng karupukan
Ikaw na ang naghabol — bumaliktad ang mundo nang biglaan.

Ilang beses na ba kitang tinanggihan?
Harap-harapan kang sinasaktan
Pilit kang iniiwasan
Binato ng masasakit na salita
Baka sakaling ako'y tigilan mo na.

Ilang taon ang lumipas
Nang magtagpo muli ang ating landas
Akala ko sa pagkakataong ito pagmamahal mo sa'kin ay tuluyan nang nagwakas
Ngunit mas pinadama mo lang sa'kin na ako ang nais mong makasama sa mga susunod pang mga bukas.

Pero nilalamon ako ng takot ko
Natatakot na ako magmahal ng taong sobrang mahal ako
Dahil lahat ng minahal ko hindi ako ang nakasama hanggang dulo
Pero pakiusap ko sayo na huwag kang sumuko
Tulungan mo ako hanggang sa muli ako ay mabuo
Hanggang sa maging handa na ulit ako.

****************

  Kasalukuyan kong binabasa ang part 2 ng "LOVE AT FIRST READ" which is yung "TARGETS OF DESTINY" . Wala pa man din ako sa kalagitnaan pero kinikilig talaga ako sa lovestory ni RT at AB. Ang sarap magmahal ni RT. Nakakainggit ka AB. Hahaha sana makatagpo ako ng RT sa realidad. Kadalasan kasi sa mga boys  (di ko nilalahat) ngayon gusto instant relationship. Yung tipong magtatanong kung pwede manligaw tapos kapag pumayag ka yung kasunod na tanong "SO ANO TAYO NA?"  Nasaan yung ligaw dun ? Kaloka di ba?  Kaya please kung may kilala kayong mala-RT paki reto sakin HAHAHA.

PARA SA MGA MAHAL KONG FICTIONAL CHARACTER (Mga alay kong Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon