Aling Dela Cruz

55 3 14
                                    

Isang araw, naglalaro sina Chloe, Louise, at Eli ng truth or dare...

"Truth or dare?" Ang tanong ni Eli. "Dare!" Ang sabi naman ni Louise. Tumawa si Eli dahil may binabalak sya para kay Louise. Sabi nya "Sige, punta ka doon sa lumang bahay ni aling Dela Cruz mamayang gabi. Tapos sabihin mo pangalan nya ng paulit ulit! matulog ka na din dun Hahahahaha!"

"Hala, anong nakakatawa dun? aasarin mo yung namatay last year lang?" Ang sabat ni Chloe. "Okey lang, hayaan mo na si Eli. Di naman ako takot kaya okey lang atsaka di naman totoo ang mga multo hahaha" ang sabi ni Louise.

Sabi naman ni Eli "Sige, walang sigawan tapos walang tatakbo. Lahat nalang tayo pumunta dun para walang sisihan". "Ikaw masisisi namin kasi ikaw nag dare, 'di joke lang" ang sabi ni Chloe...

Nung nag alasdose na ng gabi, tahimik silang umalis ng bahay para makapunta sila sa dating bahay ni aling Dela Cruz nang hindi nahuhuli ng magulang nila. Sabi ni Eli na magkita daw sila sa playground...

"Hoy, Chloe, andyan ka ba?" Pabulong na tinanong ni Louise. "Oo, ikaw ba yan Louise?" Ang sagot ni Chloe. sabi naman ni Louise"Oo ako 'to". "Eh, asan na si Eli?" Tanong ni Chloe. "Kinuha na ata ni aling Dela Cruz kasi inaasar nya kanina hahaha." Ang sagot naman ni Louise. Tumawa lang si Chloe. "Hoy narinig ko yun ah" sabi naman ni Eli. "Sawakas, nandito ka na. Chos" ang sabi ni Louise. Sagot naman ni Eli kay Louise "bakit ba, atleast fashionably late, baket umaangal ka? Gold ka ba?" Tapos sagot ni Louise "hindi, diamond ako" tapos nagsitawanan nalang sila.

Nung tapos na sila magchikahan, pumunta na sila sa dating bahay ni aling Dela Cruz para gawin na nila yung dare...

"Hoy, bakit parang maslumamig nung pumasok tayo..." tanong ni Chloe habang nanginginig. "Ewan ko, malay ko ba" sagot ni Louise "tinatakot lang ata tayo ni Chloe eh o baka masyado lang yan matakutin" ang sabi naman ni Eli.

Habang naglalakad sila papunta sa sala para dun nila gawin dare nila, may narinig silang ingay sa kusina, kung saan namatay si aling Dela Cruz...

"Hala, narinig niyo ba yun?!? Parang may nahulog sa kusina!" Tanong ni Louise. "Oo! Di pa nga tayo nagsisimula, may nangyari agad..." sabi ni Chloe. "Manahimik nga kayo, baka pusa lang yon" ang sabi ni Eli para di sila masyado matakot.

Pumunta sila sa kusina para makita ano ang gumawa nung narinig nilang tunog. Narinig nila parang may nahulog. Nung nakapunta na sila sa kusina, wala naman silang nakitang nahulog o sira at wala namang pusa o kahit ano. Ang meron lang ay baso sa counter, yung kalan, yung lababo, at mga kabinet, tiningnan nila yung mga loob ng kabinet pero wala naman silang nahanap.

"Wala naman tayong mahanap na posibleng makagawa nung tunog, edih ano yung narinig natin?" Ang tanong ni Chloe. Sagot naman ni Eli "ewan ko, baka hangin lang tapos baka isa sa mga kabinet naka bukas tapos sinarado lang ng hangin kaya parang may nahulog na tunog". "Sige, gawin na natin yung dare para matapos na 'to, gusto ko na talagang matulog tapos umuwi" sabi ni Louise

Pumunta sila sa sala para magawa na nila yung dare nila. Kumuha sila ng mga onting unan na nahanap nila para pag matutulog sila mamaya, di masasaktan ulo nila. Nung sinimulan nilang sinabi ang pangalan ni aling Dela Cruz ng paulit ulit, may nangyari na nakakabigla...

CREEPY STORIES (tagalog)Where stories live. Discover now