Isang araw naglalakad si Wendy pauwi galing sa trabaho niya. Habang naglalakad siya, may babaeng lumapit sakanya. Sabi ni babae "ate...puwede mo bang kunin itong salamin? Please! Kunin mo na po!". Tanong naman ni Wendy "hah? Bakit ko po kailangang kunin yan? Ano pong meron diyan?" Tapos lumingon yung babae sa likod niya at sumigaw siya "nandito na siya!". Binigay nalang ng babae ang salamin kay Wendy at tumakbo siya ng sobrang bilis paalis. Sabi ni Wendy "hala grabi ang bilis niya, bakit kaya siya takot na takot?". Umuwi nalang siya para makalimutan ang babae.
Habang pauwi siya, may isang lalaki na kumuha ng wallet niya, tapos sumigaw si Wendy "aahh! Tulong! May kumuha ng wallet ko! Tulong-". May nakita siyang hindi kapanipaniwala na ginawa nalang siyang tulala. Habang sumasakay yung lalaki sa motor, may nakita siyang babae na chinese tapos duguan. Tapos nasagasaan yung lalaking kumuha ng wallet ni Wendy kasi may truck na nawalan ng preno. Nakatulala lang si Wendy sa nakita niya. Pero tinawag niya yung ambulansya at yung pulis. Lumapit siya sa lalaki para makitan niya ang kalagayan niya pero kamay nalang at dugo ang natira, pero yung wallet niya ay nasa kamay nung lalaki. Yun nalang natira sakanya kasi nadurog na siya ng gulong. Takot na takot si Wendy sa nakita niya pero kinuha nalang niya ang wallet niya at umuwi na siya.
Nung nakauwi na siya, tinawag niya ang kaibigan niyang si, Bella para pumunta siya sa bahay ni Wendy. Hindi padin makapaniwala si Wendy sa nakita niya kanina, takot na takot padin siya kaya gusto niya sana na may kasama siya. Nung nakapunta na si Bella sa bahay niya, kinuwento ni Wendy kay Bella yung mga nangyari sakanya.
"Hala, grabi naman yon, kamay at dugo nalang talaga natira?" Tanong ni Bella na gulat na gulat. Sagot naman ni Wendy "Oo, natakot talaga ako eh. Kaya, tumawag nalang ako ng tulong. Pero yung masnakakatakot na parti is yung may babaeng duguan na chinese na nakatingin sa lalaki bago siya masagasaan. Tapos nung nasagasaan na yung lalaki, nawala na yung babae".
"Ibigay mo nalang yang salamin sa iba o ibato mo nalang kung saan" ang sabi ni Bella. Pero habang naguusap pa sila, tumingin si Bella sa salamin. Nakita niya sarili niya, duguan at nakatulala kung saan. Tumingin siya kay Wendy at nakita niya sa likod ni Wendy, nakita niya yung chinese na babae. Takot na takot si Bella sa nakita niya. Tanong ni Wendy sakanya "bakit ka nakatingin saakin?". Sumigaw nalang si Bella at tumakbo siya ng paalis para makauwj siya. Habang nasa labas siya, tanong ni Bella sa sarili niya "ano yon?!?". Pero habang tumatakbo siya, may nakita siyang aso na may rabies na nakatingin sakanya. Linapitan siya ng aso at kinagat siya, inalis ang balat niya, ag kinain siya hanggang sa namatay siya. Yung itsura niya ay naging tulad sa nakita niya sa salamin.
Lumabas si Wendy ng bahay para hanapin niya si Bella, pero pagkakita niya kay Bella, natulala lang siya habang umiiyak. Hindi na niya nakita ang aso pero nakita niya yung chinese na babae na nakatingin lang kay Bella. Tinawag ni Wendy ang ambulansya para kay Bella pero nung nakarating na si Bella sa ospital, sabi kay Wendy patay na si Bella. Walang magawa si Wendy kundi umiyak. Tapos nung lumabas nang ospital si Wendy, nakita niya sa salamin sarili niya. Hindi siya makahinga at mukha siyang basang basa. Tapos nakita niya yung chinese na babae nakatingin sakanya. Takot na takot si Wendy sa nakita niya kaya binato niya ang salamin sa ilog para hindi na niya makita ang salamin ulit. Pero nung aalis sana siya, nadulas siya sa isang bato at nahulog siya sa ilog. Masyado malakas ang tubig para takasan niya. Tumama siya sa iba't ibang bato habang tinutulak siya ng tubig tapos nahulog siya dahil may talon. Tapos namatay na siya.
The end! Sana enjoyable.