Sunshines all over. Proud silang nakausli sa mga kahoy na binaklas ni Tatang mula sa bubong.
"'Kala nyo ha!" Kantsaw ko sa mga pakong tinaghiyawat ng kalawang. Nakatitig sila sa akin. Naglalaway. Nagnanasa, with all due grace and purpose, na maka-chikinini sa 'king balat. "Bleh."
Dalawang taon na ang nakakaraan nang kumalat sa internet ang balita tungkol sa isang Madam Kin, 'sang online fortune teller. Nago-offer siya ng libreng serbisyo through Skype. At ayon sa mga nakasubok, accurate daw ang mga hula. In fact, kukunin sana siyang financial strategist ng Amerika. Ngunit dahil hindi niya kayang ipagpalit ang pag-'reach-out' sa publiko, walang pagdadalawam puso niya itong tinanggihan. 'Sang bagay na pinaniniwalaan niyang magdadala sa kanya sa langit pagdating ng panahon.
Malay ko kung ano'ng ginawa ng industriya ng mga wishing well at hindi ko mapigil-pigilang dumukot ng barya mula sa bulsa at umasang ang papiso-pisong tapon ay balang araw magkaro'n din ng katuturan.
Walang binalitang meteor shower ang hindi ko inabangan. Pinagpapraktisan ko pang i-recite ang aking mga hiling para lang ma-taymingan ang pagbagsak ng mga ilaw.
Masarap maniwala sa swerte. And more than that IT'S FUN, YOU KNOW.
And so, nagkayayaan kami ng aking Tatang, na tulad ko ay mahilig din sa fun, you know.
"Show me your pahm."
Yun ang gabing nag-skype meeting kami ni Madam Kin. Singkit na singkit ang kanyang mga mata, at bilog na bilog ang kanyang mukha na parang nakatitig lang ako sa mascot ng Quickchow. Convincing ang palibot niya na mala-convention hall ng kulto, liban nalang sa get-up niyang parang nagbebenta lang ng ice water.
"Show me your pahm," wika niya.
"Am bastos naman nyan nak," tugon ni Tatang. Kunot noo niyang tinitigan ang mey edad nang babae na nais makita ang aking...
Pahm.
Inilapit ko sa webcam ang mga palad ko. At 'sang kurap lang ay nangisay na siya sa kabilang linya.
Gulat. Panic. At Pagkalito lang ang naramdaman ko, habang pinapanood ang pagyugyog ng screen niya.
Na nadagdagan pa ng more gulat, panic at pagkalito nang sa 'sang kurap lang rin ay nahinto ang pagyugyog at nag-excuse si Madam Kin para mag-CR. Sa tuwing nanghuhula raw siya ay ganito ang nangyayari at ito ay natural lamang.
Sa kanyang pagbalik ay agad niyang inihayag ang mga nakita niya.
"I can see death," relax na sabi niya na parang pinapaalam niya lang sa 'kin na may muta ako. "But don't worry son, not all deaths are sad."
"But how? Where? When?
Whaaaat?!"
Napamura ako sa isip ko at ito ang napala ko sa paghahanap ng fun, you know.
Bente-uno lang ako noon at ang mamatay na hindi nakikita ang tubo ng investment ko in stocks and bonds ay kung hiniling ko, eh di ang loko-loko ko na.
"Pa-ko." Yun ang makahulugang huling mensahe niya bago nagtapos ang meeting.
Ang alam ko ay intsik si Madam Kin, at ang kaya ko lang iproseso ay yung 'Pako' sa 'king linggwahe.
At lumipas ang dalawang taon na tinatawanan ko na lang ang encounter na yun. Magpasahanggang dumating ang araw na ito...
Na napag-utusan akong bitbitin ang mga binaklas na kahoy mula sa bubong, na kasama kong tumambling sa hagdan nang akoy madulas, na matagumpay ko namang naiwasan.
"Bleh," pinamukha ko sa mga pako ang kawalan nila ng talent. Pasa at pilay lang inabot ko. "Bleh."
At kung nakakapagsalita lang pala ang mga pako ay malamang pinakain na nila sa akin lahat ng 'Bleh'...
Dahil huli na nang mapagtanto ko kung anong pako ang ipinahiwatig ni Madam Kin.
Nabubuhay pa sana ako ngayon, at patuloy na nag-aalkansya sa mga wishing well, patuloy na humihiling sa mga bituin at nangangarap pa rin na parang walang katapusan ang buhay.
BINABASA MO ANG
Ang Labintatlong Kamatayan ni Leoncito
AdventureOnce in every while God allows an iimpyernuhin in Heaven...