Chapter 4: "The Promise"

2 0 0
                                    

Flashback:

(8yrs. Ago)

KIEL POV:

Sunday.

Nasa may park kame ngayon kasama sina mama at papa. Every weekend routine na namen ang pumunta dito after mass.

Si mama naglatag ng  color red carpet na may strip. Habang, si papa naman nilabas yung mga gagamitin para sa pag-iihawan ng mga hotdog na may kasamang marshmallow. We toasted marshmallow over the fire.

Naglalaro lang ako sa may tablet ko, nang makaramdam ako ng buryong. Agad akong pumunta kay mama at niyakap ang mga hita nya.

" O, baby anung ginagawa mo? Bored ka na ba?"

Nag puppy eyes ako. Pikit (-.-), dilat (0.0), pikit (-.-). Pinalaki ko pa ng unti yung mga mata ko. Para medyo magmukhang napapaiyak nako. I know mama can't refuse may favor.Sana gumana. ^__^

" ma, can I join to them?"

Sabay turo sa mga batang lalaki at babae na naghahabulan sa may gilad ng swing.

Meron kaseng play area dito. May seesaw, swing, slide-dan, at kung ano anu pang pwedeng maging pastime para sa mga kids and kids at heart.

May mga couple teenager din kase dito. Usually,  mga tambay lang yan dito. Or wala lang talaga silang pang Sine sa Mall? Mga P.K! (PoorKid)

"Ma, please?"

Nag pout na ko nyan aa.:-@

Yumuko ako para kunwari na iiyak-iyak na. At nag cross finger' gamit ang maliit kong mga daliri.

" o, ok. Don't cry! Ssh. Mama will allow you. But bumalik ka dito before mag meryenda ha? Kase yung marshmallow and hotdog mo inaantay ka."

Nagniningning ang aking maliliit na mga mata. At pumalakpak ang aking mga tenga sa aking narinig.

"Yehey, thank you mama."

" Osge. Pumunta kana muna kay papa mo then, magpaalam ka muna ok.?"

"Yes, ma"

Patalikod na ko ng bigla akong tinawag ni mama.

"Kiel?"

"Yes, ma?"

"Anung paalala ni mama kapag nakikipaglaro sa ibang bata?"

"#1 wag po silang aawayin; #2 respect thier decision

And third Wag mag papatuyo ng pawis sa likod. Am I right ma?"

Clap.clap'

Napangiti naman ako ng biglang pumalakpak si mama at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

" hay. Big boy na talaga si baby ko! Osya mag-iingat ka. Iloveyou baby. Where's my kiss? "

" Iloveyou too, ma." Mwahh. Sabay kiss ko sa pinkish cheek ni mama.

Tumalikod na ako kay mama at tinungo si papa.

Ang weird. -.-

Kanila lang masaya ko tapos ngayon parang ang bigat sa feeling. Hms. Yung pakiramdam na parang last conversation na namen yun ni mama. Tss. Mindset lang siguro to. Nevermind na nga lang.

" pa, punta lang po ako dun."

" Go ahead, nak"

"Opo"

Napatingin ako sa mga bata na naglalaro. Gusto ko sana sumali kaso Shy type ako. Tss. Nahihirapan kase akong I-approach at makipag-usap sa ibang tao.

You know, first impression kase nila saken masungit.

Pag singkit suplado agad? Di ba pwedeng Chinito muna.asan ang hustisya?

Nasa kalagitnaan ako ng pagdedesisyon kung kakausapin ko ba sila para makasali ako sa nilalaro nila.

Nang mapagpasyahan kong tumalikod na lang. At wag ng sumali.

Naalala ko lang kase pagpapawisan lang ako dyn. Ayaw ko na maligo mamaya dahil malamig ang tubig.

Naglakad lakad pa ako hanggang sa, dinala ako ng mga paa ko sa may bandang dulo ng park.

Nagulat ako ng may biglang batang babae ang sumigaw.

" waaah. Tulong"

Agad akong kumaripas ng takbo. At sinundan ang pinagmumulan ng boses. Hanggang sa, nakarating ako sa medyo masukal na parte ng park. Teka, may ganito pa palang lugar dito! Tinignan ko ang paligid at di na ako masyadong pamilyar dito. Hala, saan ang daan pabalik? Tanong ko sa sarili ko.

" Tulong"

Narinig ko na naman ang boses ng batang babae. Kaya agad akong tumakbo ulit.

Nabigla ako ng may makita akong malaking aso at nagbabadyak kakainin nya ang batang babae.

Agad akong kumaha ng malaking bato at hinagis sa ulo ng malaking aso. Boom! Sapul. Bull's eye!

Nang makita kong nakatulog na ang malaking aso. Agad akong lumapit sa kanya.

Nakita ko ang takot sa mga mata nya. Siguro, kanina pa sya umiiyak dahil namumugto ang kanyang maliliit na mata. Hinawakan ko ang katawan nya; nagulat ako kase nanginginig sya. Halata sa mukha nya ang sobrang takot.

Kaya naman agad ko syang niyakap para kumalma; ito kasi yung kadalasang ginagawa sakin ni mama pag natatakot ako.

Ilang saglit pa, naramdaman ko ang pag kalma nya. Huminto na rin ang paghikbi nya. Kaya naman unti unti kong niluwagan ang yakap sa kanya at hinarap sya.

" okey ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Agad syang tumungo bilang tugon sa tanong ko sa kanya.

"Anung pangalan mo?"Tanong ko sa kanya.

" ikaw? salamat sa pagligtas mo sa akin. Dahil sayo kaya nakaligtas ako. Bilang kapalit, ibibigay ko sayo ang padlock na to."

Kinuha ko yung padlock na yun. Kulay gold sya. Na hugis puso na may korteng pakpak sa gilid nya. Sa gitna andun yung pasukan ng susi. Sa likod, May details din sya ng dalawa little angel na nakapinky promise na para bang nagpromise sila isa't-isa.

Yung heart  mismo para may laman sya sa loob. Hindi kase, ito yung ordinary na padlock na nakikita ko. Maganda sya, medyo antique lang yung design nya. Siguro inspired by Greek mythology to. Crucial yung bawat design.Parang may meaning.  Halatang pinag-isipan ito ng gumawa. At medyo bigger ito than the usual.

"Itago mo yan ha? Ang susi ay nasa aken. Paglaki naten bubuksan naten ang padlock na yan at titignan kung ano ang laman sa loob."

" osge."

" Pero dapat kang mangako nakapaglaki naten. Hahanapin mo ako at pakakasalan. Pumapayag ka ba?"

"Oo pumapayag ako. Pangako kong hahanapin kita at pakakasalan."

Nang mga sandali yun. Nakaramdam ako ng determinasyon sa buhay. Napaglaki ko pakakasalan ko ang batang babaeng ito.

End of Flashback.

--

#WOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon