01

323 8 1
                                    

Malaki ang ngisi ko habang nakaupo sa likod ng sasakyan. We weren't formally introduced yet. Hindi ko alam kung may plano ba si Keicie na ipakilala ni Keicie.

Kung hindi niya ako ipapakilala ay ako naman mismo ang magpapakilala sa sarili ko. Tinignan ko ulit yung pinsan niya na tinawag niyang kuya Alexus kanina. Tahimik lang ito at tanging malamig na ngiti at tango ang ang binigay nito sa akin kanina.

Wala talaga akong plano na sumama sa kanya sa coffee shop kasi first of all, hindi ako mahilig sa kape at sa mga café café na yan kasi hindi ko naman afford yang mga mamahaling café na brinubrew pa ata.

Tubig lang, okay na! Mukhang laking mayaman ang dalawang to eh. Ako lang ata ang lumaki sa hirap. Hindi ko naman ikakahiya yun. Ano naman kung mahirap ako? Pake ko ba sa pera nila!

Napaigatad ako sa biglaang pagring ng cellphone at agad napairap nang makita na si Lair ito. Ano naman ba ang kailangan ng babaeng to? Nakikisama na nga lang ako sa kanya kasi tinutulungan ako ng mama niya!

"Hello..." sagot ko sa mahinang tono.

"Nasaan ka na raw? Bakit hindi ka pa umuuwi?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ano ba to?! Hawak hawak niya ba ang schedule ko? Tinignan ko ulit ang magpinsan na mukhang wala namang pakialam sa pinagagawa ko.

Umirap ako at sinandal ang likod sa upuan. "Bawal bang gumala-"

"Wala kang pera." napalabi ako sa sinabi niya.

Meron naman pero kaunti lang. Tamang pang allowance lang at pang commute. Syempre magtitipid din ako. Fifty pesos lang ang gagastusin ko sa isang araw at ang natitirang fifty ay iniipon ko kung sakaling may project na gagawin para hindi na ako manghingi kay auntie.

"Oo, wala. Kaya nga uso ang window shopping diba? Bawal ba-"

"Laking-"

"Bakit mo ba ako laging pinuputol?!" tumaas ang tono ng boses ko at ngayon ay naagaw ko na ang atensyon ni Keicie.

Si Alexus naman ay hindi lumingon o kaya wala lang talaga siyang pake. Parang sa sarili niya lang umiikot ang mundo niya.

Lair sighed. "Laking probinsya ka, baka lokohin ka o maligaw ka pa." ngumuso ako ng ilang segundo pero agad ding ngumisi.

"Don't get worried. I got everything right under control, Lair. Makakauwi ako ng safe diyan." nakangising sabi ko.

Hindi ko man siya nakikita pero alam ko na agad na umiirap ito at nakasimangot. I know her too well. She hates me and the feeling is mutual.

"Whatever basta umuwi ka ng buo. Baka ano pang mangyari sayo." akmang sasagot ako ng bigla niyang binaba ang tawag!

Bastos talaga ang babaeng to! Sa akin lang ba siya ganito o pati ba sa mga kaibigan niya?!

"Who were you talking to Erika? Ang pinsan mo ba?" I smirked and shook my head.

I combed my long hair backwards and she just looked at me while I did that. Kumikislap ang mga mata niya na para bang sinasabi na ang ganda ko. Well, I won't deny it. I think I'm really pretty.

"Ah, oo, ang pinsan ko. May tinatanong lang." hindi mawala ang ngisi sa labi ko.

Binalingan ko si Alexus na mukhang wala talagang pakialam! Nagpatuloy lang siya sa pagdradrive! Liningon ko ang gilid ko at agad napangiwi sa mga nakikitang libro roon.

"Ah, yung taga USC gaya ni kuya Alexus?" I hummed in response and slowly traced the thickness of the book beside me.

Kaya ba nilang aralin to? Kaya hindi ako nababagay sa law school eh. Aside from my very thin patience... I'm also stupid and irrational. Wala rin akong logic at madali akong mapikon. Baka matapunan ko lang ng libro ang judge o kaya ang suspect.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Favorite CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon