SIMULA
I was just staring at the blank space when I heard the bell rang, everyone rose up from their seats at excited na lumabas, probably going to the cafeteria.I don't have any friends, well I don't mind being alone, it's not like I'll die if I don't socialize. I am the nerd type of student without glasses, people nowadays calls people a nerd because they're lonely. But loneliness never bother me, it was actually my peace.
I exited from the room like invisible, uh from the very beginning I am just a mere existing specie for them, funny how they're so scared to talk to me even I do nothing to them. When it comes to groupings, hindi ko na kailangan mag exert ng effort, kapag nalalaman nilang kasama ako sa grupo, aakuin nila ang mga gawain at i a assure ako na may grade pa din, ganon din sa pairing.
Tuwing ganoon ang nangyayari sobra sobra ang pagdiriwang ng loob ko. Hindi naman kasi ako mahilig mag aral, I am the average type kung utak ang usapan, sa itsura, ewan ko feeling ko naman sobrang ganda ko, pero kahit isa wala pang nagsasabi sakin non sa school, sina mommy palang ata sa tanang buhay ko. Kapag naman vinoice out ko yon ay baka magtakbuhan sila sa takot, parang mga tanga.
Dumiretso ako sa likod ng architecture building, matalahib ang parteng iyon sa school, dating tambayan ng mga nag cu-cutting pero nang malaman nila na gusto ko ring tambayan 'to ay never na silang bumalik. Anila'y pugad na raw ito ng masamang espirito, sarap lang pagsasakalin.
Third year na'ko sa kursong business ad, isang taon nalang makakapag mura na'ko ng malaya sa mga professor na sobrang daming pinapagawa pero grabe ang baba ng grades.
Naalimpungatan ako sa pag idlip nang dumilim ang maliwanag na paligid, pagmulat ko ay siyang pag gulong ko sa gilid para maiwasan ang taong pabagsak sa akin. Tuluyan siyang bumagsak at pinatungan naman siya ng isa pang lalaki at pinag susuntok ng walang kalaban laban, nakaupo lang ako sa gilid nila habang nanonood ng live action suntukan.
Gusto ko sanang mag bilang ng sampu habang naghahampas sa sahig para magmukhang referee, pero nevermind, wala pa ngang nakaka appreciate sa ganda ko masisira agad. Mukhang seryoso talaga sila sa pagsusuntukan, hayaan na, buhay naman nila yan. Tumayo ako habang patuloy lang sila sa ginagawa, palitan ng suntok at tulakan ang ginagawa nila, nakatayo na rin yung isa.
Nagpapagpag ako ng skirt kong kasing haba ng filipiñana ni Maria Clara nang makarinig ako ng pito, syempre here comes the always late rescuer, the guards and the prefects.
"Grecko! Armani!" sigaw noong sigurang pinakaleader ng mga prefect.
Naawat na sila at aalis na sana ako pero hinawakan ako ng guard sa magkabilang braso.
"Miss! May isa pa dito!" tawag niya sa leader.
"Huh?!" nilingon ko si kuyang guard at sinamaan ng tingin pero umiwas lang ito at tumingin sa harap.
"Ellis? How come you're involved in this kind of trouble?" tanong noong lalaking may salamin, one of the prefect. Hindi na kataka taka na kilala ako sa school, I'm quite popular, tho not in a good way. Napatingin din sakin yung dalawang lalaking nagsusuntukan kanina, yung isa nakakunot noo, yung isa parang pinaglihi sa sama ng inside.
"Nagtataka rin ako," poker face kong sagot.
Binitawan na'ko ng guard pero pinasunod naman ako sa guidance counciling room. Sumunod nalang ako dahil pag tumakbo pa'ko, baka sabihin guilty ako. Kahit naman bobo ako madalas, nakakapag isip pa rin ako ng matino.
YOU ARE READING
Mischievous Sadako
RomanceI am not what you think I am, I'm not perfect enough to stop being possessive of you. -Klio Grecko