Shannyl’s POV
6 months have passed but it still hurts me , kung sana’y pumayag nalang ako sa gusto niya , hindi sana kami nag break , napaluha naman ako ng maalala ko na naman yung nangyari , hanggang ngayon sariwa pa rin ang sugat na binigay niya sa akin .
Napatingin naman ako sa CP ko hoping na itext niya ako , araw araw akong naghihintay na mag text siya , umaasa pa rin ako na magkakabalikan rin kami , lumabas ako sa room namin since recess na rin naman naman , sakto ring papunta na rin siya sa room niya , nang tiningnan ko siya napatingin siya sa akin at umiwas ng tingin at nagpatuloy maglakad .
Habang ako naman ay napayuko nalang dahil nakita ata ako ng mga kaibigan niya , kaya naman nagpatuloy nalang rin ako sa paglalakad ng sinalubong ako ng besfriend kong si Angel Ruiz .
“ Uy , bakit di mo ako hinintay ? gutom ka masyado no ? “ sabi naman niya , tumingin ako sa kanya tas tumango “ Tara na nga gutom na rin ako “ sabi niya tsaka ako hinila at bibili kami ng dalawang ice tea tas dalawang Fish cracker tig isa kami , habang naka pila kami bigla akong sinapak ni Angel sa balikat ko .
“Arayy ! “ sigaw ko naman , tapos ng tiningnan ko siya ng masama kaya naman pala nananapak , ayun nakatingin sa crush niya na si Kenneth Alvarez .
“ Tingnan mo oh , ang pogi niya ! “ hinampas ko naman siya , ang ingay kasi .
“Ang ingay mo , tingnan mo tiningnan ka nila “ sumimangot siya pero di pa rin tumahimik , kasi naman lumapit sa amin yung crush niya , akala ko nga lalapitan siya yun pala pipila lang haha laughtrip , nalugi tuloy ang mukha niya .
“ Akala ko pa naman papansinin niya na ako “ sabi niya ng mahina.
“ Assuming mo kasi masyado “ sabi ko sa kanya na parang nang aasar.
“ Ewan ko sayo , bitter mo ! “ sabi niya tas tumalikod na sa akin.
Dissmisal Time na , kaya naman sabay na naman kaming uuwi ng makulit kong bestfriend.
“ Tagal mo ! “ sabi ko sakanya.
“Pahingi ng pulbo “ pautos niyang sabi sa akin , aish.
“ Oh ayan , kainin mo yan masarap yan “ masungit kong sabi sa kanya.
“ Ewan ko sayo “ sabi niya tas nag pulbo.
Nang matapos na siyang magpaganda ay humarap siya sa akin at tinanong kung hindi ba masyado maputi yung mukha niya , ang kulit nito grabe.
“ Hindi nga ! “ sabi ko naman , tas ayun umalis na kami sa classroom.
Nang pababa na kami sa hagdan ay sakto namang pababa rin ng hagdan sina Luke at ang mga kaibigan niya na sina Lance , Zander at Nishan , napatingin sa akin si Lance kaya naman tumingin rin ako sakanya tas ngumiti.
Si Lance ang naging Bestfriend ko sa cp , siya rin ang naging tulay para maging kami ni Luke , pero nung naging kami na ni Luke ay naging cold na siya sa akin , hindi na rin niya ako masyadong nirereplyan .
“ Shan , tara na “ sabi ni Angel , kilala niya kasi sila Luke , dahil na rin sa rules namin na no secrets must be unrevealed.
“ Sige “ sabi ko nalang tas umiwas ng tingin sa kanila.
THE NEXT DAY
May program kami ngayon at magpeperform sila Luke at ang kanyang kagrupo na sila Cyrill , Adrian , Lance , Shawn . CALLS ang pangalan ng grupo nila , lahat sila gwapo kaya rin siguro pinagkakaguluhan sila ng mga dito , sina Cyrill at Shawn ay hindi ko masyadong close pero si Adrian kaclose ko dahil na rin siguro kay Angel , close kasi namin ang girlfriend ni Adrian na si Marie .
“The next performer are the CALLS “ sabi ng announcer , maraming babae ang nagsigawan at kinikilig ng isa isa silang lumabas sa backstage pero nang lumabas si Luke mas lumakas ang sigawan ng mga babae , grabe sila.
Nang nagsimula nang sumayaw ang CALLS ay naka’y Luke lang ang atensyon ko pero pansin ko , tingin siya ng tingin sa akin , nag co conclude lang ba ako o tinitingnan niya talaga ako. Pati na rin si Lance tingin rin ng tingin sakin habang nakasayaw sila , ano bang meron ? . Nang matapos ang sayaw nila biglang may nanghampas sa balikat ko. Bwesit sino ba to ? , kaya naman tiningnan ko kung sino man ang nanghampas sa akin si Angel lang pala .
“ Matutunaw ka na oh ! tingin siya ng tingin sayo kanina “ sabi niya habang ngumingiti .
“ Hindi kaya niya ako tinitingnan “ deny ko sakanya , pero ngumiti lang siya na parang nang aasar .
“ Sino naman tinitingnan niya ? Yang bakla na nasa likod mo “ sabi niya .
“ Siguro “ sabi ko , natawa nalang kaming dalawa .
Nang malapit ng matapos ang program ay nauna na akong lumabas kay Angel nang madatnan ko si Luke na may kahalikang babae sa may hagdanan . Napatigil silang dalawa at napatingin sa akin.
“ Uhm , Sorry ! “ sabi ko , pinipigilan kong tumulo ang luha ko , ramdam ko pa rin na tinitingnan ako ni Luke kaya naman tumakbo na ako papunta sa classroom namin tas pumunta sa CR .
Dun na bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan , akala ko gusto niya ako dahil tinitingnan niya ako kanina ? . Mali pala ako . Ang sakit .
___________________________
Updated : 3-22-15
BINABASA MO ANG
The Innocent Jerk
RomanceYung araw kung saan tinalikuran mo ako dahil hindi ko nagawa ang gusto mong gawin ko sayo. Yun rin ang araw na nakapag desisyon akong kalimutan ka pero bakit kahit anong pilit kong kalimutan ka di kita magawang kalimutan ? Paano ba kita makakalimuta...