One Shot

93 8 14
                                    

One Shot

*click click click*

"Mia, dito ka naman magpicture bilis," dali dali akong nagtatakbo papunta sa direksyon ni Kashi. Tinuro naman niya sa akin ang pipicturan ko "daw".

"Ayun." *click*

"Ayun pa." *click*

"Patingin nga," agad ko namang inilayo sa kanya ang camera ko."Ako na ang maghahawak. Tingnan mo na lang," tapos iniharap ko sa kanya ang screen.

"Wooow.. Ang galing mo talagang magpicture. Tingnan mo o, ang gaganda ng angle na nakukuhaan mo," sabi niya habang itinuturo yung mga pinicturan ko.

I felt butterflies in my stomach nang sabihin niya yun. 

Maraming beses na niya akong napuri tungkol doon pero kada sasabihin niyang ang galing ko ay parang bago pa rin sa pandinig ko. 

"Syempre ako pa," pinatay ko na ang camera dahil naipakita kona sa kanya ang mga picture na dapat niyang makita.

At tsaka baka may makita pa siyang hindi dapat niya makita.

"Bili na tayong pagkain,"pagyayaya ko sa kanya. Pumayag naman siya kaya pumunta kami sa isang stand doon ng mga pagkain.

"Pabili nga po nito at noon," sabi ko sa tindera habang tinuturo yung pagkaing gusto ko.

"Mia, saglit lang. Doon ako bibili sa kabilang stand."

"o sige." Naglakad na siya sa kabilang stand. Binuhay ko ang camera ko at pinicturan ko ang malalapad niyang likuran.

"Miss ito na oh," inabot sa akin nung tindera yung binili ko at binayaran ko na rin siya. Hindi muna ako umalis doon. Humahanap pa ako ng magandang anggulo para mapicturan si Kashi.

*click* Pagkapicture ko sa kanya ay tiningnan ko na agad.

Ang ganda. Medyo nakasideview siya tapos nakangiti. Kitang-kitang nagniningning ang kanyang mga mata.

Napasmile na lang ako. "Hoy. Ano yang nginingiti-ngiti mo dyan?" Agad kong in-off yung camera nang magsalita si Kashi na papalapit sa akin hawak ang kanyang biniling pagkain.

"Ha? Wala. Tara na."

Naglakad na kami papunta sa ground. Kokonti lang naman ang tao kaya umupo kami doon. Binuksan na namin ang mga pagkain namin para pagsaluhan.

"Ang saya ngayon ng Intrams natin no?" Tumingin ako sa kanya. Nakasideview siya habang nakatingin sa langit" Oo nga," sagot ko habang in-oopen ang camera ko. 

Parang may force na humihila sa akin na picturan siya. Kahit ayaw ko man dahil malapit siya, hindi ko mapigilan. *click*

One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon