Story

147 2 6
                                    

BRIDGETTE'S GAME

WRITTEN BY: CHRIS YUI

BAHAGYANG tumaas ang isang kilay ko nang maramdaman ko ang paglapat sa may leeg ko ng nasisiguro kong mga labi ng kasayaw ko. Huminto ako sa pag-indayog na kanina ay kasabay pa ng maharot na tugtugin. Dahil sa ginawa ko ay huminto na rin ang kasayaw ko sa pagsayaw at ipinagpatuloy ang ginagawang paghali sa 'kin. Kinalas ko ang mga kamay niyang nakahawak sa baywang ko at humarap sa kanya. "Do you know who I am?" I asked.

"Bridgette Serrano, campus babe. They said you're a certified flirt, paasa, heartbreaker, in short... a bitch. But I don't believe them. With a face like that? You look, too, sweet, babe..." said Jed. He's my schoolmate.

Marahan kong hinaplos ng isang kamay ang pisngi niya. Guwapo naman siya, pero... "Oh, babe, guess what? They're right and now you're one of my victims. I gotta go, 'bye!" paalam ko. I kissed him on the cheek before I left him dumbfounded. Mabilis akong umalis sa dance floor at bumalik sa lamesang inukupahan namin ni Thalia-pinsan ko.

"Bridgette, lumalandi ka na naman!" agad na salubong ni Thalia pagdating ko sa lamesa namin.

"And, so?" pambabalewala ko.

"'And so', and 'and so' ka d'yan! Hoy, Bridgette Serrano! Talagang ginagalit mo si Tito Greg. Hindi por que't tapos na ang midterm exams natin ay bar agad. Kung sabagay, araw-araw ka naman talagang nandito sa bar. Ang kaso maipapasa mo na ba ang mga exams? 'Yong preliminary exams mo dalawa lang yata ang pumasa. Goodness gracious! Wala ka nang ibang ginawa kundi..." tuluy-tuloy pa na litany niya sa akin.

She's right, like Jed.

Ako si Bridgette Serrano, eighteen years old and a second year tourism student. Laging nasa bar, lumalandi mapa-school o kung saan. Babagsakin ang grades ko. And yes, obviously ay ginagalit ko ang Papa Greg ko. Bakit? Dahil galit ako sa kanya. Nang dahil sa pagkababaero niya ay namatay ang mama ko noong sixteen pa lang ako. Ginawa ko'yong rason ng pagiging malandi.

"You know why I'm doing this, Thalia," I stated. Close kasi kaming dalawa.

"Walang patutunguhan 'to, Ridge," aniya. "Ridge" is my nickname.

"Palibhasa, suwerte ang nanay mo kay Tito Nathaniel," malamig na sambit ko bago umirap.

Inilibot ko ang tingin sa loob ng bar. Loud and upbeat music is still banging the whole place. People, mostly students from our campus, are crazily dancing onthe dance floor while some are almost making out.

Ngunit mas nakuha ang atensiyon ko ng isang lalaking kapapasok lang ng bar. Owen Del Rosario. Third year law student, our Supreme Student Council President, also a consistent dean's lister, a mister goody two shoes, a reason why he's off limits to me. So, what is he doing in a place like this? Becoming a bad boy? Hmm...

Hindi ko napigilan ang mapangisi habang nakatingin sa kanya. May naiisip akong maganda.

"Oh, no, I don't like that look. Ridge, pati ba naman si Owen hindi mo papalampasin?!" bulalas ni Thalia.

"Why not? Look at him. That wavy and a little messy hair, dangerous eyes, proud nose, thin lips and oh-so-yummy body, papalampasin ko pa ba 'yan? No way!" puno ng galak na katwiran ko sa kanya. Then I stand up.

"Saan ka pupunta?"

"Ciao, coz. Hinihintay na ako ni Owen. Magkita na lang tayo mamaya." I waved Thalia goodbye.

Hindi ako madaling nakalapit kay Owen dahil maraming lalaki ang nagflirt sa 'kin. I flirt for seconds only. Si Owen talaga ang target ko ngayong gabi. I wonder what it feels like to be with him.

Bridgette's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon