Bangtan's Kim Seokjin

5 1 0
                                    

Nagkakandaugaga ka na sa pagsiksik sa mga nagkukumahog na fans na kasama mong nag aabang sa paglabas ng grupong iniidolo nyo.

Nagkalat ang posters, notebook, at iba't ibang merchandise sa paligid.

Lahat kayo iisa ng inaantay– ang paglabas ng BTS.

Pero sa lahat ng fans na nagtipon dito, ikaw ang pinaka nag stand-out. Dahil sa suot mo at ayos ng mukha mo.

Nakasuot ka ng kulay rosas na gown, nakaayos ng pang prinsesa, pero kapansin pansin ang maliliit na imahe ni Super mario sa gown mo na para bang nakaburda dito.

Haggard na haggard ka na rin dahil siksikan nga at di mo maiwasan ang pagpawisan. May bitbit ka pang pagkalaki laking banner na tinupi mo muna sa gitna para walang makakita.

Nang iannounce na lalabas na ang BTS ay dali dali kang nakipagsiksikan para makarating sa unahan. Di alintana ang mga paang umaapak sa laylayan ng gown mo at ang mga kamay na humahawi sayo.

"Excuse me.. excuse me.."

Paulit ulit mong sinasabi kahit na alam mong walang tatabi para padaanin ka.

Dahil na rin sa mahaba mong gown at banner na dala mo, di ka nakarating sa unahan. Sa halip sa gitna ka napadpad.

"Kyaaaaaah"

"Bangtan ! Bangtan ! B-T-S!!"

"Saranghae oppaaaa!"

Kahit nanlulumo dahil di ka nakapunta sa unahan, agad kang napangiti ng makita mong nagtatakbuhan sa stage ang dahilan ng pagpunta mo dito. Agad na napako ang mata mo sa lalaking walang humpay na kumakaway at nagbabato ng matamis na ngiti sa crowd— Si Kim Seokjin.

Natulala ka sa mukha nya at di agad nakakilos. Naalala mo ung mga araw na umiiyak ka lang sa kwarto mo at nagpapatugtog ng kanta nila sa cellphone mo dahil di ka nakapunta sa concert nila, yung mga araw na nanggagalaiti kang ipagtanggol sya sa mga basher nya pero di mo magawa, yung pagdaloy ng kuryente sa sistema mo sa tuwing napapanuod mo syang magperform.

Agad agad mong tinaas ang pagkalaki-laki kong banner kahit hirap na hirap ka.

Nakasulat dito ang mga salitang : "Kim Seokjin! Let me become your PRINCESS MARIO"

Ngiting ngiti ka pang tinaas yun at umaasang mababasa ng bias mo. Pero nag umpisa na silang magsalita at nagkagulo na ang fans. Lumakas ang tilian at tumindi ang siksikan. Hanggang sa napaupo ka na lang dahil sa mga pagkakasagi ng mga fans sayo.

Pilit mo namang pinoprotektahan ang gown mo para di maapakan.

Nagulat ka ng naghawian ang mga tao at lumapit sayo si Jin na may hawak na Koronang may super mario design.

Yumuko sya para lumevel sa mukha mo at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha mo.

"Cheer up my princess. Your not a princess without this."

Ngumiti sya at inilagay sa ulo mo ang korona.

"Now, Princess Mario. Do you want to spend your forever to a pink princess like me?"
- - - -

waaaa! ang ikli XD

Di ko na alam kung paano dudugtungan.

-AlienV95

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon