1

9 1 0
                                    

Oh hi there mga hampaslupa!!

I'm the bitchy queen named Queenie Mychaella Jhanell Hudson. (Pronounced as Queenie Mikeyla Janel Hadson)

Oo bitch ako, hindi lang basta-bastang bitch. Sobra, napaka, ultramega Bitch ko talaga and I'm proud of it.

Mayaman ako. Ang parents kong sina Nate and Sabine Hudson ang may-ari ng Sbn Clothing Line at Hudson Mall na may branches sa iba't-ibang bansa sa Asia. Ang Royal Paradise na isang beauty parlor, Hudson Industries, NSH Airlines, Hudson Hotel, Hudson's Resort, Hudson Elite Condominium, Hudson Furnitures, at Hudson University.

Oh diba? Ang dami naming business? Ano? Naiinggit ka? Haha! Buti nga 'yan mainggit ka! Isa kang hampaslupa! Pektusan kita dyan eh!

Maganda ako. Hindi lang basta maganda, napaka ganda! Isa akong Prinsesa! Reyna! Dyosa! Diwata! Aphrodite! Lahat lahat na, kung ano pang term ang gusto niyo sa maganda. Madaming lalaki ang nagkakandarapa sa'kin. Makikita mo naman kasi, Ang buhok at mata kong color dark brown na namana ko pa sa Daddy kong Half American. Ang buhok ko ay medyo maypagka curly sa baba, meron din akong bangs na bumagay sa mukha kong maganda. Ang long eyelashes ko na nakatikwas kaya mukha itong naka curl. Pati na ang labi kong namumula at medyo pouty. Ang napaka kinis na namumula kong pisngi. Napakatangos na ilong at magandang shape ng eye brows.

Ang maputi kong balat at mahahaba kong legs. May tangkad din akong 5'8 ½, namana ko rin ang katangkaran ko sa mommy at daddy kong parehas na matangkad.

I am 17 years old, 1st year college sa Hudson University na paga-ari ng magulang ko. Alam ng mga estudyante roon na anak ako ng may-ari kaya kahit papa'no ay may galang sila sa'kin. Pero aba't tama lang yun ano? Sa ganda kong 'to kailangan talaga akong igalang. Napakaswerte nila't nasisilayan nila ako na 'almost perfect' na.

Mayroon akong kapatid, actually dalawa sila. Dalawang lalaki na mas matanda sa'kin. Nakakaasar nga't wala akong kapatid na babae. Ang dalwa kong kuya ay sina Nathaniel Hudson na panganay at si Mathiel Hudson na pangalawa. Ako naman ang bunso o nakababata nilang kapatid. Tinatrato nila ako as their Baby girl,and I hate it. Ang tanda ko na kaya, dalaga na ako. Mage-18 na ako this December tapos ganun pa din nila ako tine-treat. Kayo kaya ano? Tampalin kita eh, aangal ka pa.

At the Hudson Mall

Nandito ako ngayon sa Mall na pagmamay-ari ng parents ko.

Balak ko sanang manira ng araw ngayon eh. Bwahahaha! Ang swerte ng magiging victim ko for today!

Naglalakad-lakad lang ako habang nags-sight seeing sa mga hampaslupa ditong gandang-ganda dito sa mall namin. Omy, so ignorant ah. Nakita kong may makakasalubong akong dalawang hampaslupa na by their looks and how they 'kapit' to each other eh you'll know talaga na couple sila. Omyghad! Wait, Ang conyo ko! Bakit ba ganto ko magsalita? Aarrgh! Nahawa siguro ako dun sa dalawang conyong babae na nakasalubong ko din. Tssss!

Hmm. Para namang may light bulb na umilaw sa itaas ng ulo ko at may naisip akong magandang gawin sa hampaslupa couple na yan. I have an idea, pagaawayin ko yang dalawang 'yan.

Nung medyo malapit na kami magkasalubong, napako agad yung tingin nung lalaking kasama nang hampaslupang babae sa akin. Hmmm. Sanay na ako, ang ganda ko kasi eh. Tss. Ano? naiinggit ka nanaman?!

Napatigil yung lalaki sa paglalakad at halatang napansin yun nung babae at parang nairita naman dahil may sinasabi siya pero yung boyfriend niya nakatulala sa'kin. Bwahaha!! Sinundan nung babae yung tingin ng kasama niya. Nung makita niya na sakin nakatingin nanlisik bigla yung tingin niya sakin. Eh? As if I'm scared.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at naglakad na hanggang makaharap ko na talaga sila.

"Oh, Man. You're drooling" sabi ko the giggled. Agad namang bumalik sa katinuan yung lalaki at napapahid sa bibig niya. Seryoso ako, tulo talaga yung laway niya. Grabe talaga ang charm ko.

"Are you alone? Can you accompany me? " sabi ko sa kanya habang pasulyap-sulyap sa girlfriend niyang mukhang daga.

"O-ofc---"

"NO! Can't you see? Girlfriend here!" Putol nung babae sa nobyo niyang mukhang tanga.

Pagkasabi niya nun, dahan-dahan akong napatingin sa kanya. At tinaasan siya ng kilay.

" Am I talking to you?" mataray na tanong ko sa kanya. Halata naman napikon na siya.

" And what? You're his girlfriend? I thought you are his yaya or should I say muchacha? Mas bagay kasi yung term na 'yun eh. " dugtong ko pa.

"How dare you?!" Nakasigaw na sabi niya. Napatingin tuloy yung mga tao, at ngayon? May audience na kami.

Nagtangka siyang sampalin ako. "Don't.You.Dare." Mariing sabi ko sakanya. Napalo ko yung kamay niya kaya hindi natuloy ang pagsampal niya sakin. Agad akong kumilos para sampalin siya. Actually, Magkabilang pisngi niya yung sinampal ko kaya may instant blush-on na siya.

"Omy! Gab!! Hindi mo man lang ako ipinagtanggol?! " pagalit na sabi niya dun sa boyfriend niyang mukhang tanga paring nakatulala sa'kin. Hindi parin ata makarecover sa kagandahan ko eh.

"I hate You!" Sabi nung babae sa Boyfriend niya kaso wala paring pake sa kanya yung boyfriemd niya dahil nakatunganga pa din.

Tumingin ulit sa'kin yung babae at sinamaan ako ng tingin.

"Tatawag ako ng guard para palabasin ka dito sa mall. Akala mong babae ka ha? Hmm!" sabi niya ng nakangisi.

Haha! Ako dapat ang ngumisi no?! Ako? Papalabasin ng mga empleyado KO? Haha! baka ipasesante ko sila kay Mommy.

Ngumisi na nga ako at nakita ko naman naasar siya sa'kin na parang iniisip na may gana pa akong tapatan yung pagngisi niya.

Tumawag nga siya ng guards at ako naman nakatayo lang dun at nakatingin sa kanya ng bored. Eh sa nab-bored talaga ako eh. Akala ko pa naman mage-enjoy ako sa kanya.

Dumating at nakalapit na samin yung guards. Bale 4 sila.

"Kuyang Guard! Palabasin ninyo yang babaeng 'yan! Nanggugulo yan dito! Ang lakas ng loob para sampalin ako!" Galit na galit na sabi ng babaeng hampaslupa. Habang tinuturo ako.

Tumingin naman sa akin yung mga guards at bigla silang napa-bow.

"Oh ano? Ba't di pa kayo kumikilos? Palabasin ninyo na yang babaeng 'yan!" nanggagaliting sabi niya sa mga guard.

Hindi naman kumikibo yung mga guard kaya nagsalita na ako.

"Oh anong nangyari? Bakit hindi nila ako pinapalabas? Bwahaha! Kayo, Palabasin ninyo yang dalwang yan dito. Yan ang makakapal amg mukha para labanan ako hahaha!" Malditang sabi ko sa kanya at sa Mga guard. Agad-agad namang kumilos yung mga guard at kinapitan yung dalawa.

"O-oh? W-what are you doing? Keep your hands off me!! Sheez! Let me go!" Pagpupumiglas ng babaeng hampaslupa. Yung lalaki naman wala pa ding kibo.

"Ahmm, Inilalabas ka ng mga guards ko?" sabi ko.

"Wait lang, Wag niyo muna siya dalahin sa labas" awat ko sa mga guard.

Masama pa ding nakatingin sa'kin ang hampaslupa.

"And for you to know, I own this Mall. " Sabi ko atsaka siya sinampal ng napaka lakas. Kung hindi lang siya hawak ng mga guard eh sigurado napaupo na yan sa sahig.

"Okay you may now go" sabi ko sa mga guard sabay senyas na magsimula na sila maglakad at ilabas ang hampaslupa.

"TANDAAN MO 'TO BABAE KA! MAGSISISI KA SA GINAWA MONG KAHIHIYAN SAKIN! OMY GOSH I CANT BELIEVE THIS IS HAPPENING! NAKAKAHIYA! PAPATAYIN KITANG BABAE KAZ ARRGGH!" galit na galit na pahabol pa niya. As if naman na natakot ako sa threat niya.

"Uhm, And don't forget to ban her in this mall alright?" sabi ko pa sa mga guard.

"Arrrghh! LAGOT KA TALAGA SA'KIN" sabi pa ng hampaslupa. Hahaha! success nanaman ako.

Taas noo nalang din ako naglakad palabas ng mall pero sa ibang labasan ako lumabas.

----------


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bitchy QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon