Story

105 4 0
                                    

LAURA AND THE SECRET DEAL

BY CHRIS YUI

He was gently cupping her chin, titling her face, and slowly lowering his face on the side of her face. To her amusement, she doesn't feel scared with what he's about to do. But unexpectedly, she felt him kissed her there.

"DUNG, parati mo na lang tinitingnan 'yang peklat mo sa dibdib." Narinig ni Laura na komento ng bestfriend niyang si Jackie. "Dung" ang tawagan nila nito.

Patuloy na sinipat ni Laura ang dibdib niya sa salaming hawak. Kasing haba ng hintuturo niya ang peklat na iyon at malapit sa puso niya, halatang-halata iyon sapagkat maumbok ng bahagya. Hindi niya matandaan kung paano niya iyon nakuha. Ang sabi sa kanya ng mga magulang niya ay naaksidente siya sa kotse. Ngunit wala siyang maalala na kahit anong aksidente. Ang konklusyon ng mga magulang niya ay na-trauma daw siguro siya kaya't wala siyang maalala. Basta nagising siya sa ospital at tahi na ang sugat sa kanyang dibdib.

"Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kasi ang aksidente na sinasabi nila mama, may alam ka ba ro'n? Pakiramdam ko, marami ang nawala sa memorya ko simula nang mag-debut ako at pumasok tayo ng school..." Hindi niya alam kung bakit pero dinagsa ng kakaibang lungkot at kakulangan ang dibdib niya nang sabihin niya iyon.

"Wala, Laura," usal na sagot ni Jackie.

Two months ago...

HINDI alam ni Laura ang dahilan kung bakit tila nadoble ang kaba niya nang makalabas ng bahay. Debut niya ng gabi ng Sabado na iyon. Nag-uumpisa na ang kanyang party na idinadaos sa kalsada pagkalabas ng maliit na gate ng bahay nila, inasikaso iyon ng kanyang mga magulang at maging ng kanyang kamag-anak sa mother's side, dahil hindi makakapunta ang kamag-anak nila sa father's side. Oo, kinakabahan siya kanina dahil sa hindi niya sigurado kung pupunta ang lahat ng kanyang inimbitahan lalo na ang mga kasali sa party. Ngunit kakaiba ang kaba na naramdaman niya pagkalabas ng bahay.

"Let's all welcome our debutante... Laura Guevara!" ang sigaw na iyon ng emcee ang kumuha ng atensyon niya, ngunit hindi ng kaba niya.

Hudyat iyon para lumabas na siya at tuluyan nang maumpisahan ang party. Nang naglalakad na siya papunta sa nakalaang upuan para sa kanya-na mas ginawang sosyal kesa mga upuang nakalaan sa bisita-ay hindi niya sinasadyang mapatingin sa bakanteng lote sa tapat ng bahay nila, madilim at mapuno sa parteng iyon ngunit wari niya ay may nakita siyang lalaking nakatayo roon. Muli siyang sinalakay ng kaba. Ikinilig niya ang kanyang ulo at sa isang iglap ay nawala ang nakita niya. Kumabog ang dibdib niya. Ngunit binalewala na lang niya iyon, marahil ay namalik-mata lang siya.

"So, how was our debutant tonight?" magiliw na tanong ng emcee sa kanya.

"A-ah, little nervous. But it's fine." Pinilit niyang maging masigla sa pagsagot dito.

"Good! So let's start with..."

Natuwa si Laura dahil naging maayos naman ang takbo ng unang parte ng party niya. Nawala ang kaba niya dahil naroon ang mga inimbitahan niya. Medyo naging emosyonal nga lang siya dahil sa mga bumati at nagbigay ng mensahe sa kanya. Ngayon ay kumakain na ang kanyang mga bisita habang siya ay inaasikaso ang mga ito at bahagyang kinaka-usap.

"Okay lang ba kayo rito?" tanong niya sa ilang kaklase niya noong high school at maging ngayong college sa isang lamesa. Um-oo naman ang mga ito.

"Dung! Ang iyakin mo kanina, sign of aging ba 'yan?" biro naman ng best friend at kaklase na yata niya forever na si Jackie.

"Hoy, Dung! Eighteen lang ako," tumatawang sagot niya rito. "Matagal pang mabubuhay 'to!"

Hindi inaasahan ni Laura ang pagkakaroon ng pangamba sa mukha ni Jackie. Tumayo ito at nagpasama sa kanya sa buffet table. "Next year, si Zelle at ako naman. Natatandaan mo ba 'yong deal namin? 'Yong pagdating ko ng eighteen ay gagawin akong vampire ng totoong bampira na kakilala niya. Hindi ko maiwasan matakot, dapat ay ako pero umatras ako at siya ang naging kapalit," mahinang sabi nito.

Secret Deal & LauraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon