Unangaraw ng paaralan, habang ako'y papasok sa paaralan. May maikling sandali ngkatahimikan. Tibok, tibok, naririnig ko ang tibok ng aking puso, napatigil akoat napatingin sa aking paligid. May dumaang malamig na simoy ng hangin, tumaasang aking mga balahibo at nabalisa dahil sa kapanapanabik na tunog ng tibok ngpuso. Doon ko na siya nasulyapan, isang babaeng nagmamadaling pumasok na parabang mahuhuli siya sa kaniyang klase, huminto siya sa harap ko at tinignan akodiretso sa aking mga mata. Sapagkat hingal na hingal siya ay nakapagsalitaparin siya, "anong ginagawa mo? Mahuhuli na tayo sa klase." Tumingin ako saaking relo at sinagot siya, "alas sais y medya pa lamang, hindi tayo nahuhulisa klase." Napatulala na lamang siya na para bang may malaking pagkakamali, samadaling salita inakala niyang siya ay mahuhuli na sa klase at nagmadali siyangmaghanda upang pumasok. Tumingin siya sa akin at binuksan ang kanyang bibig,ngunit bago pa siya makasalita ay inunahan ko na, "Kailangan mo ba ng inumin?"Tumungo lang siya habang namumula sa kahihiyan kaya inabot ko na lamang angtubig. "Anupa ang kailangan mo?" ang tanong ko sa kaniya, "wala na, datapwatpinahiya ko ang sarili ko hindi mo ko pinagtawanan, salamat." Ang sinagot niya.Humagikgik lang ako at nginitian siya, "palibhasa kasi, madalas akong mahulikaya't lagi akong nagmamadali." dagdag pa niya. Wala akong narinig sa sinabiniya dahil pinagmamasdan ko ang bawat paggalaw niya, bumagal ang buong mundo napara bang hinahayaan akong mahalin ang sandaling ito. Napagmasdan ko angkaniyang pawis na para bang kumikinang ito, napagmasdan ko din ang tibok ngaking puso, bumibilis ng bumibilis habang ang mundo ay pabagal ng pabagal.Bagaman alam ko na para sa iba ay hindi kanais-nais ang babaeng pawisan, hindiko ito pinansin pagkat alam ko na hindi niya ito ginusto na pagpawisan siya.Hindi pawis ang aking napansin kundi ang ngiti, pati na rin ang kaniyang matana punong-puno ng buhay at saya. Naghihintay siyang may sabihin ako samantalangako'y nakatitig parin sa kaniya habang nakikinig sa awit ng aking puso. Lumipasang ilang segundo at sinabi niya, "kapag hindi ka tumigil sa pagtitigsasampalin kita." Nagising ako mula sa realidad at tinanong siya kung ano angkaniyang pangalan. Kahit na naiinis parin siya sa pagtitig ko sumagot parinsiya. "Tadhana, Tadhana ang pangalan ko." Nagulat ako sa pangalan niya subalithindi ko ito kinuwestiyon, hindi ito Maria o Isabella na karaniwang pangalan ngmga Filipina, ito ay Tadhana. Habang iniisip ko parin kung gaano kaganda angpangalan niya, nakatingin pa rin siya sa akin, nagtaka ako sa aking sarili"bakit siya nakatingin sa akin? Maliban sa pagtitig ko kanina, ano pa angginawa kong mali?" Sumagot siya na para bang narinig niya ang sinabi ko sasarili ko, "Kapag nagtatanong ka ng pangalan ng iba ay dapat mo munang sabihinang pangalan mo bagkus hinayaan nalang kita dahil parang ikaw ay nasa sarilimong mundo, hindi mo ba sasabihin sa akin ang pangalan mo?" Napagtanto ko angsanhi ng kaniyang pagkatingin sa akin, sumagot ako agad "Alon." Tumingin siyasa akin, ngumiti sabay sabi, "Alon? Kung ipagsama ang pangalan natin magiging,Along ng Tadhana." Napatawa ako at sinabi, "Alon ng Tadhana, baka sakalingnadaloyan lang tayo ng Alon ng Tadhana, samakatuwid dahil sa tadhana talaga nanakilala kita." Nagtawanan nalang kami, at naglakad papasok sa paaralan.Nagkaroon pa ulit kami ng isa pang pagkakataon ni Tadhana, parehas kami ngkurso sa kolehiyo. Sa araw-araw ay nagkikita kami sa tapat ng paaralan at sabaypumapasok, nagtutulungan kami sa bawat proyekto at mga takdang-aralin. Ngunitang bawat mabuting bagay ay dapat magwakas, nagising ako sa isang napakagandangpanaginip. Hanggang ngayon ay hinihiling ko parin sa panginoon na mapasaakinang alon ng tadhana, at makilala ko ang nakatadhana sa akin, upang maiparatingko na ang matagal ko nang gustong sabihin. "Nang Makita kita, nalaman ko agadna ang tibok ng puso ko ay para sa iyo."
BINABASA MO ANG
Alon ng Tadhana
RomanceNagkasalubong ang dalawang tinadhana sa isa't-isa, mapapasakanila kaya ang alon ng tadhana? Ito ang aking pagsubok sa paggawa ng isang kwentong binubuo ng lahat ng pangatnig.