CHAPTER 25

13.3K 170 67
                                    

ITINAPAT ko ang stethoscope sa dibdib niya, "hinga po nang malalim, Lola" utos ko at sumunod naman 'to, "may ibang nararamdaman pa po ba kayo?"

"Wala na, Doc. May asawa ka na ba?" Nakangiting usisa ni Lola. Tumawa ako, "ano ba namang tanong 'yan, Lola?"

"May apo akong single, Doc." Bibong sambit ni lola sabat kaway sa kausap ni Remus, "Eon!" tawag niya.

Sabay na lumingon ang dalawa kay lola, nag-usap pa 'to saglit bago kami pinuntahan.

"Tapos ka na ba, Lola?" Malambing na tanong niya bago humarap sa'kin, "kamusta po si lola, Doc?"

Sasagot na sana ako nang inunahan ako ni Lola, "oo, tapos na. Nga pala, Eon siya si Doktora Martinez."

Ngumiti ako.

Siniko siya ni lola, "magpakilala ka. Single si Doktora."

Halos mabilaukan ako sa sariling laway. Bakit ba 'to si lola?

"Neo Calysto Villanueva,"nilahad niya ang kamay niya sa'kin. Ngumiti ako saka inabot ang kamay niya, "Mayari Lucelence Martinez." Ang lambot ng kamay niya parang minsan hindi nag walis.

"Nice meeting you, Doc. Kamusta po pala si lola?" Magalang na tanong niya.

"Normal naman po ang dugo ni Lola. Kailangan lang niyang inomin ang gamot niya sa highblood sa saktong oras pati bawasan na run po ang pagkain ng maaalat at matataba," tugon ko.

"Alam mo, apo. Gusto ko siyang maging apo. Liga-"

"Lola, nakakahiya." Pagputol ni Neo

"Bakit ba kasi hindi ka pa mag asawa? Inuuna mo pa 'yong politika." Sagot ni Lola. Ibig sabihin ay politician din si Neo.

"Doc!" tawag ni Remus sa'kin dahilan nang pagtingin ko sa kanya kahit nasa harap lang naman siya, "kumain ka na ba?" Usisa niya saka tumabi.

Umiling ako.

"Kain ka na." Malambing niyang sabi bago humarap kay Neo, "hindi ka pa ba uuwi, Vice Mayor?" Ramdam ko 'yong diin sa tanong niya.

"Pauwi na, Mayor" Pa simple akong tiningnan ni Neo bago tumingin kay Remus at ngumiti, "mauna na kami ni lola."

"Mayor, sabi ko nga sa apo ko na ligawan si Doc Martinez." Sabat ni lola

Pa simpleng tumango si Remus bago niya ako hinatak, hinawakan niya ang baywang ko parang pag mamay-ari niya. "Wala po talagang asawa si Doc, Lola. Kasi hindi pa po kami kasal," ngumisi pa siya.

Kumunot ang noo ko, "girlfriend? Kailan?" Bulong ko pero hindi ako pinansin ni Remus.

"Pasensya na, Remus" utas ni Neo, "sige, alis na kami. Tara na, lola!" wika ni Neo, magsasalita pa sana si lola pero kinaladkad na siya.

Nang makaalis sila ay kaagad akong lumayo kay Remus, "ano bang pinagsasabi mo?"

"I'm protecting what's mine," he sounds possessive. My eyebrows furrowed, "mine? I'm not yours. I own myself," I replied while walking away from him.

"Kaya gusto mong manligaw siya sa'yo?" Paratang niya. Naupo ako sa sulok, "nag-usap lang kami, Mayor. May sinabi ba akong magpapaligaw ako?" Sa lakas nang boses ko ay pinagtitinginan kami ng mga tao.

"I'm giving him a hint to back off, Maya! Cause you're mine!" The tone of his voice went up also.

"Mine? I'm not-"

"Eat!" He commanded me. Napatingin ako sa plato at nang makita ko na may kanin na at ulam ay kaagad ko itong inabot.

"You're mine. Sa ayaw at sa gusto mo ay akin ka. I am capable of loving you and I will pursue you." May diin niyang sabi bago umalis sa harap ko

The Heart Renowned (Vital Signs Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon