Chapter 1

3 1 0
                                    

Chapter 1

"Valen!"

Napabalikwas ako sa kama nang marinig kong may kung sinong tumatawag sa 'king pangalan. Agad akong naalimpungatan at napahimas ako sa likod dahil naging sanhi iyon ng pagkahulog ko mula sa kama. Lakas ng boses n'on, ah. Akalain mo, may megaphone sa lalamunan.

Tumayo ako at tumigil muna. Iniunat ko ang aking mga braso at unang beses na humikab pero hindi masyadong naimumulat ang mga mata. Panira. Ganda na rin ng panaginip ko, e. Ayon daw ro'n, lahat ng bagay ay gawa sa bawang. Sarap.

Isinuot ko muna ang paris ng sinelas kong kulay puti bago tumuloy na pagbuksan ang taong tumawag sa kalagitnaan ng pagkakahimbing. Matamlay akong nagtungo sa pinto at pinihit ang kandado. Bumungad sa akin ang isang babae, nakasuot ng napakagandang maskara- ang ngiti niya.

"Oh?" matamlay kong panimula habang hawak pa rin ang kandado ng pinto. "'Tutulog 'yong tao, e," reklamo ko at napakamot sa batok.

"Tao ka ba?"

Ah. Nagawa niya pang magbiro sa bagong gising ha?

"Tse. Ano ba kasing pakay mo ba't ka 'andito? Ang lapad pa ng ngiti mo, may tinga naman." Napangisi ako ng kaunti nang makitang hinawakan niya naman ang bibig niya.

She slightly pouted at kumunot ang noo. "Hoy hindi mo naalala? Birthday ko ngayon, buang! Kabaw!" eksaheradang wika niya saka sinuntok ang sikmura ko. Ay, kung hindi lang babae 'to baka pinatulan ko na. Daig pa sa lalaki ang sakit ng suntok niya, e. Ewan ko pa ba kung babae 'to.

"Ah!" Napahawak ako sa bandang tinamaan at hinimas 'yon. Ang sakit.

Pero hala, nakalimot ako sa kaarawan niya. Nag-promise pa naman ako na ice-celebrate naming sabay ang birthday niya kasi 17th iyon. Gipit pa naman ako, ano naman kayang pwedeng gawin ngayon?

"Ano na? May regalo ka ba sa 'kin?" tanong niya na ikinabahala ko. Wala pa naman akong naihanda na kahit ano. Ito naman, e, naiipit ako sa sitwasyon. Kung bakit naman kasi pinangakuan ko pa 'to? Lagi pa namang umaasa at naghihintay.

"Ang totoo niyan-" I grinned but not in a playful way. Kinamot ko pa ang ulo kahit hindi naman ito makati. Tapos siya, dilat na dilat ang mata na parang batang naaaliw. Hays.

Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kandado at naka-krus ang mga braso habang nakasandal sa gilid ng pinto.

"Surprise?! Hala nakaka-tats!" Muntik na ako mabingi sa pananalita niya.

'Di ba? Siraulo. Hindi pa ako natatapos magsalita, pinangunahan na ako.

"Ano, wala akong naihandang regalo. Hahaha!" I even laughed trying to light up the mood. "Gipit kasi ang pogi mong kaibigan," palusot ko para makumbinsi siyang huwag mainis.

"Ayos lang," Ngumiti siya. "gipit din naman ako. Okay na 'yon, at least may karamay ako sa kalungkutan." She chuckled cutely.

"Ganito nalang, treat nalang kita sa fishball-an. Ayos?" Lumiwanag ang mukha niya na parang kanina lang ay pinagsakluban ng langit at lupa. Nga naman 'pag pagkain ang pinag-uusapan.

"Ay, gesi!" masigla niyang tugon. Kulang nalang ay mapunit ang bibig niya sa kaka-smile.

"Alam ko namang papayag ka. Saksakan ka pa naman ng takaw." Napairap siya at ginaya ang ayos ng mga braso ko. "Kayliit-liit na tao." pang-aasar ko.

"'Di wow. Ikaw naman, kawayan," ganti niya. Ang sama pa ng tingin sa 'kin

"At least matangkad. 'Di tulad mo na pinaglihi sa bonsai. Pandak, yak."

Inilagay niya ang mga kamay sa baywang niya. "At least cute. 'Di rin tulad mo matalim ang panga. Daig pa 'ata kutsilyo."

"At least matangos ang ilong. Ikaw pango."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Windfalls And TendernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon