Chapter 4

8 0 0
                                    

—x

Ayuri started coughing when he reached the studio. Agad naman niyang nakuha ang atensiyon ng band members ng Aftermath Twilight. 

"May sipon ka?" Nixon dumbfoundedly asked. Pabiro naman itong sinipa ni Hopper na katabi lang nito at nakahilata lang sa sahig. Nakakalat sa sahig ang instruments ng mga ito. They were at Jior’s place. May kubo roon sa likod ng bahay ng pamilya nito na ginawang studio ng Aftermath Twilight. 

“Ulol, ubo, hindi sipon. Hindi mo narinig?”

“I mean, you have a cold?” Nixon asked and Ayuri just nodded and sneezed. Napangiwi na si Leo na nasa harap niya. She mouthed, ‘sorry’. 

“Mabuti pa, magpahinga ka na muna, Ayuri. Mabubuhay naman ang mga tukmol na ito na wala ka rito.” 

Ilang araw na lang kasi nang matapos ang kasal at ang mga magulang nila ni Cricket ay nag-honeymoon sa Isla Carmela. It was up in the North and they would spend their honeymoon era there. Walang definite date kung kailan makakabalik ang dalawa. Ayos naman sila ni Cricket na sila lamang dalawa sa bahay. They acted like siblings now. Ito lang din ang hindi na nagulat na panay ubo at bahing siya ngayon. 

“I’m sorry, guys. Uuwi na muna ako to take a rest. Are you sure, you’re okay? Nakabili na rin ako ng lunch ninyo. Kayo pa naman, kapag fixed na kayo sa ginagawa ninyo. Nakakalimutan na ninyong kumain,” sukat sa sinabi niya ay inilapag na niya ang binili niyang chicken bucket para sa mga ito kasama ang iba pang mga snacks ng mga ito. Kumalat naman ang aroma ng spicy chicken at natakam ang apat puwera kay Cricket na nangungunot ang noo sa sinusulat nito. These guys were also composers, arrangers and producers in their own right and Ayuri never doubted their talents and skills. She always like to be surrounded with people who loves music and live for it. 

“Kami na ang bahala sa drinks namin, Ayu. Magpahinga ka na muna,” ani Leo. Ito talaga ang tumayong leader ng mga ito at ang pinakamatanda na rin sa grupo. His real name is Leonardo Teofilo Inocencio IV but he was known as Leo IV or Leo. 

“Okay po, Kuya Leo.” 

“Ihatid na muna kita.” Si Leo na rin ang nagprisinta na ihatid siya at hindi na siya tumutol dahil tila lalagnatin pa yata siya. Lumulan na siya sa motor nito nang tulungan siya nitong maisuot na ang helmet.

Mahina talaga ang resistensiya niya lalo na't malakas ang buhos ng ulan noong kasal ng kanyang Mama at ngayo'y stepfather na si Tito Howard. Like Cricket, they were still adjusting to the new situation as stepsiblings. Like other siblings, they argue and pick on each other especially Cricket when he has a chance. Bully talaga ito.

Kumapit siya nang maigi kay Leo nang bumilis ang takbo ng motorsiklo nito. Maingat naman ang pagmamaneho nito at hindi nakikipagpatintero sa ibang sasakyan roon. Unlike Delton City, iilan lang din ang mga sasakyan roon. Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa bahay ng Del Castillo.

Tahimik roon at walang tao. Siya lang ang tatao roon.

"Ayos ka lang ba na ikaw lang mag-isa rito?" Leo asked her. Ito na rin ang tumulong sa kanyang alisin ang pagkakasuot ng helmet sa kanya.

"Okay lang, Kuya. Safe naman rito. May nagpapatrolya."

"Kahit na. Tawagan mo kami kapag may napansin kang kakaiba."

"Kuya, mababa ang crime rate ng Shelburne Springs."

Tumaas ang kilay nito. "Sinong may sabing safe pa rin kahit mababa ang crime rate? Huwag kang pakampante. Make sure to close the door and don't open it if hindi mo kilala ang kumatok. Ask their name, okay?"

Lihim na lamang siyang napangiti sa sermon nito. "Oo na po, Kuya. Mag-iingat ako."

At bumahing na naman siya kaya pasimple lang ginulo ni Leo ang tuktok ng ulo niya saka naghabilin na uminom siya ng gamot. Umalis na rin ito at pinaandar ang motorsiklo pabalik ng studio nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shelburne SpringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon