Chapter 16

14 4 9
                                    

May mga oras talaga na mapapatanong ka sa sarili mo. Bakit nga ba may mga taong iiwan ka sa mga panahong kailangan mo sila? Naroon ka naman ng mga panahong kailangan ka nila, hindi ba? Kulang ba iyon? Kulang pa ba iyon? 

Halos maiyak ako sa binabasa kong libro. Kasi naman, e! 'Iniwan noong boy si girl. How bad!

Suminghot ako bago lumabas ng kuwarto. Magdidilim na pala sa labas. Past four na nang makarating ako sa bahay galing School. At ngayon, magsi-six na nga. Halos two hours na ko sa kuwarto, ah. Nalibang ako magbasa. 

I went to the roof top of our house to meet the fresh air. Sobrang lakas ng hangin rito. Ang abot balikat kong buhok ay nililipad ng hangin. 

I sighed. Naalala ko ang pag-uusap namin. After he said it, katahimikan ang nangyari hanggang sa umalis na kami ng Canteen. Buong maghapon ay hindi ko rin siya nakita.

Buhay na buhay pa rin ang katanungan sa isip ko. Does he love me? O kahit gusto lang ako?

"Hay, ang gulo naman—"

"Love really makes a person crazy. Maski sarili ay kinakausap mo na."

I turned my head and I saw Kuya. He's still wearing his school uniform. 

"K-Kanina ka pa?" I asked.  

"Nah."

"I asked Manang if you're already here then she said that you're here, so..." he shrugged. 

"Maligo ka na nga muna! You don't smell good." I glared him. 

"Ah-huh, how can you say?" his right brow shot up.  

Ngumisi ako. "Sa sobrang baho mo, sinasama na ng hangin ang baho kaya nakakarating dito sa akin." ngumiwi ako kunyari.  

Hinawakan niya ang manggas ng uniform at sininghot 'yon, inaalam kung mabaho talaga.  

He glared me when he didn't smell anything bad. I made a peace sign bago tumungo sa kaniya.

"Tara na sa baba. Maligo ka na!" I said before chuckling.  

"Minsan na nga lang magbiro, nakakainis pa." he mumbled so I laughed at inakbayan pa siya. 

"Ito naman, dinibdib agad!" 

He rolled his eyes and put his  hands inside the pocket of his school pants. Nang tuluyan na kaming makababa ay pabiro ko siyang tinulak sa may kuwarto niya. "Go and take a bath. Magmemeryenda tayo." I said. 

"Mag-gagabi na tapos meryenda pa." I  just rolled my eyes and went downstairs at nakita ko si Manang na naka-upo sa sofa.

"May dinner na tayo, Nang?" I asked. 

"Namamahinga muna't pagod na pagod sa gawaing bahay." hinilot niya ang sentido. 

"Uh, gusto niyong ako na lang po ang sumaing?" I smiled.

She smiled back at me. "Huwag na, alam kong hindi ka marunong sumaing." she laughed. 

I pouted. "Turuan mo po ako."

"Huwag na, magagalit lang ang kuya mo."

Ngumuso ako bago tumango. Tumungo na lang ako sa kuwarto at tiningnan ang cellphone ko. Saktong pagkabukas ko no'n ay nag popped up 'yon. Aeon messaged me.

From: Aeon
How's school?

I pouted. Nagdadalawang isip talaga ako para sa nararamdaman niya. 

I replied.

To: Aeon
It went good. Ikaw, how are you?

Ilang segundo lang ay nakapagreply na siya kaagad. 

From: Aeon
So formal. 

I almost laugh sarcastically in my mind. Ha! Ako pa talaga!

Nanggigil akong nagtype. 

To: Aeon
Ako pa talaga? Eh ikaw nga diyan, parang boss mo ko kapag nagrereply ka!

Napailing-iling ako. I was about to clear it pero ang tanga kong kamay, na-tap ang send button!

Damn! Tanga mo, Lianna!

I bit my lower lip before waiting for his reply. And for unknown reason, kinakabahan ako!

Halos sumigaw ako nang mabasa ang reply niya!

From: Aeon
Can I call?

Shit, this is the first time he'll call. Nakakakaba na ewan!

I was about to reply pero lumitaw ang pangalan niya sa screen ng cellphone.

I don't have a choice but to answer his call. Kagat labing itinapat ang cellphone sa tainga ko. 

"Hey." halos mapunit ang labi ko sa pag ngiti ng marinig ang boses niya.

"Uh, hello."

He chuckled after hearing my voice. "What's with the message? Galit ka?" sunod-sunod niyang tanong. 

"Uh, hindi ah." I denied. I denied kasi hindi naman talaga!

"It's past six already. Kumain na kayo?" he asked. 

I looked at my nails before answering.

"Hindi pa. Kayo ba?"

"Not yet." he answered.

"Who cooked?" I asked before sitting on my queen size bed. 

"Ako."

"Buti ka pa, marunong magluto." ngumuso ako. 

"Ah-huh, ikaw?" he asked. 

"Ah, hindi e." I said. "They  don't want me to cook." mas tumulis ang aking nguso.

"You should learn how to."

"Hindi talaga pwede, kaya nga Cookery ang kinuha kong track when I was in grade nine." pasalampak akong nahiga sa kama.

He didn't answer kaya ang resulta, katahimikan.

One minute. Two minutes. Three minutes. Four, five, six until I broke the silence.

"Bakit ka pala tumawag?" I asked.

"Uh, ayaw mo?" he asked.

"Syempre gusto." ngumuso ako. 

Katahimikan na naman ang sunod na nangyari pero ngayon, siya ang pumutol sa silensyo.     
   
"Uh, about kanina." I bit my lower lip when he started to talk about it.
    
"Hmm..." I hummed, encouraging him to continue. 

"A-Are you mad?" he asked. 

Halos dumugo na yata ang labi ko sa kakagat bago sumagot. I gulped. "Hindi, ah." and it sounded like nagtatampo talaga ako. Sounded like nagtatampong bata!         

"Ah-huh, really?" tanong niya, at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya ngayon.
    
"Oo nga!" 
  
"It isn't obvious?" he asked. And man, it sounds so sweet!   
 
"A-Ang alin?" I asked.
      
"My feelings for you." biglang humina ang kaniyang boses.      
 
W-What? Ang bilis.   
    
I didn't talk. I don't want to talk.      
     
"Hey." but still, he didn't hear any word from me. 

"Nabigla ka ba?" I still didn't answer.     
     
"I really don't want to talk about it over the phone but you bother me so much." he sighed.          

"It's okay." I said.      

"Usap na lang tayo bukas." I said ngunit siya naman ang hindi sumagot.    

"Pwede?" I asked.     

He sighed and I think it's a yes.  

Natulala ako sa a screen, hinihintay na i-end niya ang call but he didn't. I sighed before tapping the end call button.   

I was about to put it in vanity table but his message popped up on the screen.    

From: Aeon
I wish you're not only for the chase.

Chasing the FireWhere stories live. Discover now