Chapter 17

12 4 4
                                    

"Delikado itong ginagawa natin, Melanie," kinakabahang sabi ko.

"Just stick with me and shut your mouth."

Sinamaan ko siya ng tingin. 'Di na lang ako umimik dahil nagtatago kami dito sa likod ng malaking bato. I don't even know where this rock came from. Ngayon ko lang ito nakita.

"Anong meron at ang daming bato?" Maarte kong tinabig ang malaking scorpion na dumadaan sa bato.

"'Yan ang nagagawa ng mga katulad niyong lipad ng lipad, masyadong ignorante sa paligid."

Umirap ako. "Whatever."

"Alam kong nagtatago kayo..." natigilan kaming dalawa ni Melanie. "...even if you try concealing your presence with EW, malalaman at malalaman ko pa rin. I am, after all, the Gatekeeper of Hell."

Nagkatinginan kami ni Melanie. I don't know why pero kahit na magtitigan lang kami ay parang naintindihan namin ang isa't isa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumango.

Dahan-dahan kaming lumabas sa pinagtataguan namin at hinarap si Cain.

"Akala ko ay hindi ka na ang Gatekeeper." Panimula ko.

Ngumisi siya. "Sinong nagsabi? Si Sebastian?"

"Sino pa ba ang tsismosang demonyo bukod sa Pinoy?" Sarkatiko kong tanong.

He chuckled. His broad shoulders tremble as he laugh. Walang pinagbago sa kanyang katawan. Malaki at makapal pa rin ang mga muscles niya. Ang kaibahan nga lang ay ang tattoo sa bandang puso niya.

"Kailangan namin pumunta sa Mortal Realm, Cain." Teka... kilala siya ni Melanie?

Sumeryoso ang mukha ng kaharap namin. "Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-alis ng Paranormal Shopper sa Paranormal Realm, anong kalapastangan itong ginagawa mo, Melanie?"

Kumuyom ang palad ng katabi ko. "'Wag mo akong banggain, Cain."

"'Wag mo rin akong pagbantaan, bata." Nagsalubong ang kilay niya. "Ikaw lang ang pwede kong palampasin sa gate. Leave the stubborn Wanderer."

Aba't!

"Kung maka-insulto siya sa akin. Palibhasa 'di niya mahal ang kapatid niya kaya wala siyang pakiramdam!" Inis kong sabi.

Nalipat ang mata niya sa akin. "Manahimik ka kung ayaw mong ipaalam ko kay Sebastian ang pag-alis mo ng Paranormal Realm."

Natigilan ako. Hindi ako nakapagsalita. Inisip ko ng mabuti ang dapat na sabihin. Pero mas magandang manahimik na nga lang ako. Kapag nakaabot ito kay Sebastian, siguradong hindi ko na makikita ang kapatid ko.

I bit my lower lip in defeat.

"Kailan mo pa hinahalikan ang mga paa niya, Cain?" Kita kong nginisihan ng nakakainsulto ni Melanie ang Gatekeeper.

Muling nagsalubong ang kilay nito. "Mag-ingat ka sa pananalita mo, Melanie. Hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ang presensya mo."

"Can you?" She giggled mischievously when Cain firmly pursed his lips. "Do you even have the power... traitor?"

My eyes widened, nabibigla sa narinig.

Traydor?

"Manahimik ka, Melanie."

Biglang tumawa ng mala-demonyo ang katabi ko. "Wala pa nga akong ginagawa pero takot ka na? And besides... " sumeryoso ang mukha niya. "...you owe me your freedom."

Anong ibig niyang sabihin?

Sa 'di malamang dahilan, napatitig ako sa marka sa dibdib ni Cain. The enigmatic tattoo that was never there a decade ago. Then suddenly, Archangel Michael's warning flashed in my head.

Paranormal ShopperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon