Prologue

2 0 0
                                    


Unang araw ko ngayon sa school na ‘to, hindi first  day of school, ah? Kasi naman, eh. Pinagkasundo ba naman ako ng mga parents kong makipag-palitan ng school sa isang anak ng kasosyo nila sa negosyo. Babae iyon pero sadyang puro kabulastugan lang ang alam. Kaya hayun, kinailangan daw mag-transfer ng school kasi may nagawang atraso dito sa paaralang ito. Tuloy, ako itong medyo nahihirapan.

Minsan, naisip kong baka hindi ako anak ng mommy't daddy ko. Mas mahalaga pa kasi para sa kanila ang mga amigos and amigas nila kesa sa’kin, eh. Tingnan mo nga, para akong tuta na basta nalang nila itinapon sa school na ‘to. Ang hirap kaya mag-adjust sa bagong atmosphere. Idagdag mo pang hindi ko kabisado ang pasikot-sikot nila dito.

Tuloy, hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng school. Basta ang alam ko lang, nasa open feild ako at maraming estudyanteng dumadaan. Nakakirita pa ‘yong ibang babae, ah! Gusto yatang pag-pyestahan ang kaguwapuhan ko, e.

‘neknek nila.’

Hindi ako mahilig sa babae—I mean iyong mga papansin at kinulang sa atensiyon, kaya nga minsan napagkakamalan nila akong bading, e. Ang gusto ko kasi sa babae ay medyo astig tingnan, masungit at hindi easy-to-get. Gusto ko kasi maranasang pahirapang manligaw bago sagutin, noh. Worth it kaya ‘yon.

Sabi kasi ng lolo ko dati, mapapatunayan mo lamang sa babae ang tunay mong pag-ibig at hangarin sa kaniya kung magiging masipag ka sa pag-effort para patunayan iyon. Hindi iyong sa cellphone lang liligawan. Kabadingan daw iyon sabi pa ni lolo.

Pero ngayon, mukha yatang kinailangan kong maging friendly. Kailangan ko ng mapagtanungan kung saan ang eksaktong lokasyon ng room na pupuntahan ko. Baka mamaya maligaw ako. Imbis na sa classroom ako papasok, puso mo pala ang napasukan ko.

‘yieeh! Kinilig betlog ko...’

Tamang-tama at may nasundan ako. Kaso mukha siyang wala sa sarili kahit pa nakatalikod siya sa’kin. Para siyang lantang gulay na naglalakad.

“Excuse me, miss!” agaw atensiyon ko sa kaniya. Agad siyang napalingon sa gawi ko pero mukhang nagdadalawang-isip pa siya kung siya nga ba ang tinawag ko. Pero infairness lang, ah. Mukhang familiar sa’kin ang mukha niya. Kaso ‘di ko maalala kung saan ko siya nakasalubong, e. ‘di bale, hindi naman na mahalaga iyon.

“Yes, ano ‘yon?” aniya. Mukha naman siyang mabait kaso malungkot nga lang ang kaniyang mga mata.

“Ahh, I’m sorry to waste your time but, can you tell me where’s 4th year Shakespeare room?” umaasanf tanong ko. Sana naman sagutin niya ako ng maayos, noh? Nakatitig kasi siya sa mukha ko at nangunot pa ang noo. Kilala niya rin kaya ako?

“Room namin ‘yon, bakit?” balik-tanong niya sa’kin.

“Oh, well then. I’m the exchange student from St. Joseph School—”

“Sa St. Joseph ka galing?” bulalas niya na para bang gulay na nadiligan. Kanina lang ang lanta niya tingan, eh. Perhaps bakit naman siya magugulat kung sa school na yun ako galing? Sabagay, well-known naman kasi ang school na ‘yon dito sa lugar namin. No wonder.

“Y-yes, why?” alanganing tanong ko. “Oh, wait.. you look familiar to me, from St. Joseph ka rin?” dagdag ko nang maalala na familiar sa’kin ang mukha niya. Tumango siya upang kumpirmahin na tama nga talaga ako, nakita ko na siya dati.

Naglakad na kami papunta siguro sa classroom nila na magiging classroom ko na rin. Medyo nakakailang lang kasi ang daming mga mata na nakatingin sa’min. Ngayon lang ba sila nakakita ng mga guwapong nilalang na gaya ko? Malas lang nila.

“Paano ka naging exchange student dito?” muling tanong niya. Akala ko kasi hindi na siya ulit magsasalita, eh. Sabi ko nga kasi, wala siya sa sarili niya kanina. Pero mukha nagbalik naman na. Syempre, nakakita siya ng guwapo, e.

My Lesbian LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon