Keith's POV.
Dismissal na sa last subject namin ngayong hapon. Kahit medyo nahihirapan akong humabol sa topics nila, nakakasabay pa rin naman ako paminsan-minsan.
Kaniya-kaniya ng labas ang mga kaklase namin. Ako naman, heto na at nagliligpit ng gamit ko. Nilingon ko iyong katabi kong parang ang tamlay na naman, kulang yata ‘to sa fertilizer, eh.
“Okay lang?” tanong ko. Baka mamaya pala, maging zombie na ‘to. Nakakatakot naman.
“Uhmmm...” saad lang niya na ikinatindig ng mga balahibo ko.
“Huwag ka ngang umungol diyan!” saway ko sa kaniya. “Baka may makarinig sa’yo tapos sasabihin pa nilang minomolestiya kita diyan!” dagdag ko pa at nagpalingon-lingon sa paligid. Mukha namang walang nakarinig dahil abala rin sila sa pagliligpit ng nga gamit nila.
“Baliw!” natatawang aniya. Akala ko okay na siya kaso bigla na lamang bumalik sa pagiging malungkot ang mga mata niya habang nakapako sa harapan ang kaniyang paningin.
Sinundan ko ang kaniyang tingin, dumiretso ito sa dalawang love birds na sweet na sweet sa isa’t isa. Si classroom president at ang bagong muse. Nalaman ko rin kanina noong kumain kami sa canteen na dati pala silang magkakaibigan at mukhang may something pa nga sa kanilang dalawa no’ng Sam at nitong emotera kong katabi.
“Sus, okay lang ‘yan. Ang mahalaga, humihinga ka pa. Ibig sabihin lang no’n, may pag-asa pang makahanap ka ng iba. Iyong deserving sa’yo,” usal ko nang hindi man lang siya tinitingnan. Ayo’kong makita ang malungkot niyang awra. Kasi sa totoo lang, madaling mahabag itong puso ko lalo na kapag may nakikita akong babae na umiiyak. Para sa akin kasi, hindi nila deserve ang masaktan. Girls are more precious than any other things on earth.
“Ang drama mo!” natatawa niyang singhal sa’kin kaya tumingin na ako sa kaniya. Nakatawa siya pero ang expression ng kaniyang mga mata ay kabaligtaran ang pinapakita.
“Ako daw ang ma-drama, sino ba ‘yong muntikan ng maiyak dito?” panunudyo ko sa kaniya.
“Uy, Keith! Inaano mo ‘yang beshy ko? Inaaway mo, noh?!” Hindi ko napansin ang paglapit no’ng Bea at no’ng Rocky sa amin.
“Hindi, ah! Sadgirl lang talaga siya dahil sa isa diyan!” pagpaparinig ko do’n sa classroom president ngunit mukhang wala siyang pakialam. Inakay lang niya iyong babae palabas ng classroom nang hindi man lang tinapunan ng tingin itong katabi ko.
Ang OA nila, ah! Lakas maka K-drama ang lovelife. Kaya ayo’ko pa talagang mag-jowa, e.
“Hayaan mo na, Eli. Kakausapin ko siya mamaya kung gusto mo?” suggest no’ng tomboy. Mabuti naman at nagsalita na ‘to. Akala ko kasi talaga pipi siya, e.
“Naku, wag na! Sige na, i-tour niyo na itong si Keith sa campus. Maglilinis pa ako dito sa classroom.”
“Eh, paano ka? Tutulungan ka nalang kaya namin?” suhestiyon no’ng Bea. Alam kong nag-alala siya para sa emoterang babae na ito.
“Huwag na, kaya ko na ‘to. Pag maaga akong natapos dito, susunod agad ako sa inyo,” angil nito.
“Sure ka? Baka may momo dito?” pananakot ko pa sa kaniya. Agad rin akong napahawak sa batok ko ng makatanggap ako ng malakas na dagok galing sa tomboy na ‘yon. “Aray, ah! Lakas makahampas ng pogi!” baling ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Lesbian Lover
RandomThis story is not GxG or GL related. It's about a guy who fall inlove with a lesbian and willing to take the risk.