Chapter 24
SenseI can't believe that I said yes to have a date with her! Pero nangako naman siya na friendly date lang 'yon, eh! At wala nang malisya!
Hanggang ngayon iniisip ko padin yun tapos ngingiti na parang baliw.
Sino naman hindi mababaliw... I'm coming out with Alessandra Monasterio.
Today is Sunday. It means church day at maglilinis ng bahay. Nauna na sila Tito Elton at tita Livia doon sa church kasi aattend sila ng second mass. Kaming tatlo nila Alice at Eka ay mamaya pang hapon, sa third mass.
"Hope! Bilis! May Gustong kumausap sa'yo!"
Tumatalon-talon sa harapan ko si Eka. Pumasok pala siya dito sa kwarto, hindi ko namalayan.
"Huh? Sino?"
Based sa reaksyon niya, importanteng tao ba 'yon?
"Si Rosyll! Nagmakaawa kasi na kausapin ka kaya pumayag nalang ako."
"Bakit mo pinayagan?" Napatampal ako ng noo. Wala pa naman ako sa mood makipag usap!
Saka... medyo natatakot na nga ako sa kaniya, eh!
"Importante daw kasi ang sasabihin niya, eh! Sorry kasi pumayag ako." Ramdam ko ang pagsisisi ni Eka sa paraan ng pananalita niya.
Napatampal ako ng noo.
Wala akong magawa kundi ang harapin na lamang si Rosyll. If ever may gagawin ko siya, alam ko na ang gagawin ko.
Pagkababa ko, nakita ko siyang nag-aantay sa sofa. Hindi ko alam kung anong nangyari sa si sikmura ko, sumama ang reaksyon ko. Ganito talaga 'ata kapag nanibago na ang taste mo sa isang tao.
Tumayo siya but I immediately told her to sit again.
Ilang oras kami nagkatitigan bago ko siya Tanungin kung ano ang kailangan niya.
"I'm sorry about what happened last time, Hope. Na-nawala lang talaga ako sa katinuan. I promise you that I regretted everything I did to you." She sounds so innocent.
I don't even know who to believe anymore... Should I believe with her or with Alessandra? Na-warningan na kasi talaga ako ni Alessandra na huwag na malapit sa kaniya... Pero ramdam ko naman kay Rosyll na parang nagsisisi naman siya, eh.
Umupo ako sa sofa.
Si Eka at Alice ay panay silip sa amin dito. Nandoon sila sa kitchen, kunwari may niluluto pero halatang gusto lang nila makinig sa usapan.
"You tried to kill me... I don't know if I should trust you again." Seryoso kong sinabi.
"I know, I'm sorry. But I can assure you that I already regret everything."
"Bakit mo naman ginawa 'yon? Ano ba ginawa ko sa'yo?" Naguguluhan kong tanong.
Basta ang alam ko, wala talaga akong ginawa na ikagagalit niya. I have always been good to her pero nakagawa padin siya ng masama sa akin.
"You did nothing wrong. I just did it for love." Bahagya siyang yumuko. "The person I love, loves you." Sabay angat ng ulo. Tiningnan niya ako sa mga mata.
Doon napakunot ang noo ko, sa sinabi niya.
"Hindi na niya ako kinakausap, hindi na siya nagpapakita at ayaw na niya akong kausap. Masakit sa akin ang mga yun." Tuloy-tuloy niyang pagkwento kahit ko naman tinanong. "Ginawa ko lang 'yon kasi mahal ko siya."
"What do you mean?" I got interested. Kahit ang babaw ng rason niya, gusto ko parin malaman kung ano ang dahilan.
"Alessandra. I love her."
Nalaglag ang panga ako. "Bakit siya??"
"I love her. I can't properly explain what I felt towards her." Aniya.
Nag-intay ako ng ilang saglit baka mali lang ang narinig ko pero hindi niya binawi ang sinabi, totoo 'yong narinig ko! Si Alessandra nga!
Gusto kong matawa pero bawal, nasa seryosong sitwasyon ako ngayon, eh.
"Madaming tao ang pwede mong magustuhan, Rosyll. Ang ganda-ganda mo!" Grabe 'tong batang 'to! She's ready to kill just for love!
Anong gayuma na naman ang ginamit ni Alessandra??
Sa dinami ba namang tao, hindi ko akalain na kay Alessandra siya patay na patay! Alam naman niya ang ugali ni Alessandra, eh, kaya in the first place, hindi na sana hinayaan mafall ang sarili kay Alessandra.
She's still young, a bright future was ahead of her. Pero anong nangyari? Nababaliw dahil lang sa pag-ibig.
"Kay Alessandra ka pala inlove, eh, kaya sana inasahan mo nang masasaktan ka talaga." Ang sabi ko.
"Oo, wala siyang pakealam sa nararamdaman ko. She never cares. All she did was to hurt my feelings to save her ego." She started to bite her lower lips hardly and played her finger nails. "At first, she was so fine. She was so loveable-"
"Sa una lang 'yan, Rosyll. Sa huli doon na yun lumalabas ang totoong ugali ng isang tao." Paintindi ko. Bahala na kung makikinig siya o hindi pero sana, huwag na maging matigas ang ulo niya.
"I know, I know." Tinakpan niya ang mukha gamit ang mga palad.
"You're still young, you can still do much better." Ang sabi ko.
Hindi siya sumagot, she's still covering her face using her palms. Sana naman matauhan na siya. Tigilan niya ang pagiging patay na patay kay Alessandra!
I got up. I was about to walk out when my phone rang. Tiningnan ko kaagad ang cellphone ko at nakita na may text galing kay Alessandra. Hindi na ako nagdalawang isip pang basahin ito.
Alessandra:
I'm in the hospital.
Walang Ilang saglit. May text na namang dumating.
Alessandra.
Cancel our date. You should stay at home.
Nangunot ang noo ko. Bakit eto ang sinasabi niya? What's happening! Panay ang text ko sa kaniya pero wala naman akong reply na natatanggap!
NAKAKAINIS! Tinatawagan ko siya pero hindi naman sumasagot!
Si Shjan nalang ang naisipin kong I text. Tinanong ko siya kung nasaan si Alessandra. Saang hospital siya ngayon! Mabuti nalang at wala pang Ilang minuto ay may sagot na kaagad akong natanggap!

BINABASA MO ANG
The Heart's Refugee (Bittersweet #1)
General FictionWhen her first and greatest love disappeared, she promised herself not to fall inlove with someone else. That's why she chose the path of being a nun... in the peak of her career being a nun, she found herself chased by the girl who left her... givi...