Here In My Heart (One Shot Story)

3 1 0
                                    


"Kuya? sige na please, isama mo na ako." Pagmamaktol ko sa kuya Gekris ko. Ayaw niya kasi akong isama sa trip niya sa Dapitan. Tingin ko kasi masaya dun. Narinig ko kasi sa mga classmate ko na kung gusto daw ng isang tao ng pure adventure, ang Gloria de Dapitan daw ang masayang puntahan. Nandun kasi ang Fantasyland and House of Rizal.

"Ayoko. Alam ko ng ugali mo Lane. Masyado kang makulit. Bibigyan mo lang ako ng sakit ng ulo dun." Pagmamatigas ni Kuya.

"Kuya naman eh. Purki't kasama mo lang ang girlfriend mo, ayaw mo na akong isama. Dati naman, partners tayo kahit saang lakad mo ah." Pilit ko pa rin siyang kinukimbinsi.

"Hay naku Lane, nagseselos ka na naman kai Macy. Oo nga't girlfriend ko siya at mahal ko siya, pero wala pa ring makakahigit sa pagmamahal ko sa kapatid ko." Sabay yakap niya sa akin.

"Binobola mo lang ako kuya." Nag-pout ako sa harapan niya.

"Hindi kaya." At pinisil niya ang magkabila kong pisngi. "Alam mo ba kung bakit ayaw kitang sumama? Kasi nakakaistorbo ka lang sa aming dalawa." Dagdag niya.

"Eww ka kuya." Lumayo ako ng kaunti sa kanya.

"Binibiro lang kita. Sige na mag-impake ka na. At kapag wala ka pa in 30 minutes, iiwanan talaga kita." Pagbabanta niya sa akin.

Ngumiti ako ng malapad sa sinabi ni kuya. Sa wakas, nakumbinsi ko rin siya. Agad akong tumakbo ng mabilis at tinungo ang kwarto ko.

Ang hindi alam ni Kuya, kagabi pa ako naka-impake. Hohoho. Nagulat siya ng makitang nakabalik ako ng mabilis.

"Woah! 3 minutes lang at nandito ka na agad dala ang maleta mo? I'm surprised Lane."

"Yeah kuya. Unbelievable right? Hahaha. Tayo na nga."

. . .

. . .

. . .

Hahaha. Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si kuya. Nagbabyahe na kami ngayon, kaya for sure kasama na namin sa byahe ang magaling niyang girlfriend. Well, she is Macy Krystelle del Valle na kapatid ng ex-boyfriend ko. Hindi ko alam kong bakit ako galit sa kanya. Hindi ko lang kasi siya gusto para kay kuya dahil sa kapatid niya. Well, wag na nga nating pag-usapan ang gagong yun. Move on na tayo. Hm? Naka-move on na nga ba talaga ako?

Wait a minute. Ang haba na ng sinasabi ko pero hindi pa rin ako nakapagpakilala.

I am Summerlane Rosales, 16. Fresh graduate ako ng high school. At first year college na ako ngayong darating na pasukan. May kuya ako, si Gekris Rosales. Our both parents ay parating wala dahil sa business. Yun na yun siguro. Hehehe.

Ang name ng ex-boyfriend ko ay si. . . Si . . . Teka, namamalikmata lang ba ako?

"Hoy Lane, sinong tinatanaw mo dyan?" Tawag sa akin ni kuya habang bumababa kami ng sasakyan. Naiihi kasi ako.

"Ah! Wala naman kuya. Hehehe." Dumiretso na akong C.R. Huminto kasi kami sa may pinakamalapit na Jollibee para lang makaihi. Joke lang. Syempre bibili rin sila kuya ng makakain namin sa daan.

Paglabas ko galing C.R ay may nabunggo ako.

"Hey?! Look who's here." Sabi niya ng nakangiti.

"Yeah. Naki-c.r lang naman ako." Agad ko siyang inirapan. Umalis na kaagad ako bago pa ako may masabing hindi maganda sa kanya.

Bwesit. Hanggang dito ba naman? Argh. You get into my nerves Marco Kendrix del Valle. Nakakainis ka talaga.

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon