Para sa akin Ang PAG-IBIG ay nararamdaman ng tao na hindi pang ordinaryo. Minsan bigla mo na lang itong mararamdaman sa kapwa mo sa hindi inaasahang pagkakataon. Gustuhin mo man ito o hindi. Kapag tumibok ang puso mo ng mabilis at tipong di ka na makahinga sa tuwing nakikita, nakakasama, naiisip kahit marining mo pa lang ang boses nya napapatalon na ang puso mo sa saya hudyat na yon na umiibig ka. Hindi mo kayang pigilan ito. Kahit sabihin mo pang hindi mo na sya mamahalin hindi mo kayang gawin. Kasi walang kahit na sino ang makakapagdikta at makakapigil sa puso mo. Minsan kaya nawawala ang PAGIBIG ng isang tao kapag napagod na itong magmahal at Kapag nasaktan ito ng sobra. Kaakibat na ng PAGIBIG ang masaktan ka.
Bakit ka nga ba masasaktan ng dahil sa PAG-IBIG??
Maraming posibilidad na sagot sa tanong na yan. Maaaring umaasa ka na mahal ka ng taong mahal na mahal mo. Maaari namang sinaktan ka mismo ng taong mahal or karelasyon mo. Sa paraang ikaw ay niloko, pinagpalit, pinagpustahan, pinagbuhatan ng kamay, pinagsalitaan ng mga nakasasakit na bagay, pinagsamantalahan at marami pang hindi magandang bagay. Pero heto tayo patuloy pa din ang pagmamahal kahit na baliwalain tayo at hindi pahalagahan ng taong minamahal natin. Hindi naman kailangan na mahalin tayo pabalik ng taong mahal natin. Hindi sa lahat ng oras vice versa ang pagmamahal ng tao. May one sided at minsan love triangle pa. Hindi natin masisisi ang mga taong nagpakamartir para sa taong mahal nila. Tulad nga ng sabi sa globe "go lang ng go" kahit masaktan go pa din, kahit harap harapan na tayong niloloko tinatanggap pa din natin at patuloy na nagbubulagbulagan sa katotohanan. Sa madaling salita nagpapaka-TANGA sila sa taong walang ibang ginawa kundi saktan sila. Nakakainis lang kapag ang iyong karelasyon nagtatago sayo ng sikreto. Sa magkasintahan dapat tapat tayo sa bawat isa. Bakit ka magtatago ng sikreto sa kanya kung wala kang ginawang kasalanan. HONESTO nga dapat di ba? Ayaw mo sabihin ang sikreto mo dahil baka kapag nalaman nya masaktan siya? Bago mo ginawa ang kasalanan mo naisip mo ba na baka masaktan sya kapag ginawa mo yon at malaman nya? Naisip mo ba ang posibilidad na mangyari kung sakaling malaman nyang niloloko mo sya at mayroon kang iba? Bakit ganyan ang mga tao. Gagawa ng mga bagay na hindi muna pinag-iisipang mabuti kung ano ang magiging kahihinatnan ng bagay na ginawa nya. Kapag nasaktan mo na ang karelasyon mo ganon na lang ba sayo ang pagsasabi ng SORRY? ganon na ba talaga kakapal ang mukha ng mga manlolokong yan para magpakita sa kabila ng kalokohang ginawa nila? Wala bang ni katiting na konsensyang natitira dyan sa kokote nyo? Its very hard to let go the person you really love pero the hell that love kasi dahil dyan maraming tao ang nasasaktan, maraming tao ang umiiyak dahil sobra silang nasasaktan, maraming nagbuwis ng buhay dahil sa pagkasawi sa pag-ibig. I mean dahil sa isang salita lang which is LOVE maraming tao ang nahihirapan at nagsasakripisyo. I really salute all people who sacrifice and keep on loving despite the fact that they also get hurt. Oo, tama nga naman sa pag-ibig nagiging masaya tayo. Sa pag-ibig nakakadama tayo ng kakaibang pakiramdam na hindi natin kadalasang nararamdaman pero di ba nga sa kabila ng kasiyahan may kalungkutan. Pansin ko mas maraming beses ka pang nasaktan kesa naging pmasaya. Yung totoo okay lang sayong palagi kang masaktan basta makasama mo lang ang taong mahal ka? Masyadong komplikado ang PAG-IBIG. Pero di ba nga kung walang mga sawi sa PAG-IBIG maraming tao ang mawawalan ng trabaho just think of it. Everything in this world doesn't have an everlasting happiness.Infinity and beyond daw?? Lels joke lang yun. Walang forever pakitandaan na lang po.
BINABASA MO ANG
What love means to me <3
RomancePara sa akin Ang PAG-IBIG ay nararamdaman ng tao na hindi pang ordinaryo. Minsan bigla mo na lang itong mararamdaman sa kapwa mo sa hindi inaasahang pagkakataon. Gustuhin mo man ito o hindi. Kapag tumibok ang puso mo ng mabilis at tipong di ka na ma...