Lost

7 0 0
                                    

"Ahh!" Impit ko nang nagtangka akong bumangon pero bumagsak ako pabalik sa pagkakahiga. Masakit ang kaliwang tagiliran. Kumikirot naman ang ulo ko na parang mabibiyak ito. Binuksan ko ang dalawang mata ko saka tumingin sa paligid pero madilim. Ang tanging liwanag lang ng buwan mula sa labas ang nagbibigay ilaw sa kwarto. 


Pilit akong bumangon sa kama kahit na nangingig ako sa sakit. May pumatak na luha sa mata ko. Parang bubuka ang ulo ko dahil sa sakit nito. Hinawakan ko ang tagiliran ko nang maramdaman doon ang basa. 


Huminga ako ng malalim saka muling nagtangkang bumangon. Nang nagtagumpay  ay umupo ako sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko muli  ang paligid. I am in a dark room! Nakaramdam ako kaba at takot sa dibdib ko dahil hindi ko alam kung saan 'to. Gusto kong sumigaw upang humingi ng tulong pero alam kong hindi iyon magandang ideya kaya nanatili akong tahimik kahit na alam kong namimilipit na ako sa sakit. 


Pero bakit ako nandito? Ano ang ginagawa ko dito? I am trying my best to remember anything but there's nothing I can remember. Wala akong mahalungkat sa utak ko.  Mas lalo lamang kumirot ang ulo ko sa ginawa. Sinabunutan ko ang buhok ko dahil wala akong maalala! Wala kahit isa! 


Sino ako?! Anong pangalan ko?! Bakit ako nandito?!


From that questions, I am eager to get out of this place dahil hindi ko alam kung ano ang nag-aantay sa akin.


Gamit ang nanginginig na mga paa sinubukan kong tumayo.


"Ahh!" Impit ko.


Napabalik ako sa pag-upo. Kinapa ko ang tagiliran ko at mas lalo lamang naramdaman ko doon ang basa. Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba. Gusto kong umalis sa lugar na 'to. Parang hindi magandang nandito ako. 


Pilit kong hinakalungkat sa utak ko ang mga huling pangyayari pero wala talaga. Everything in my mind was blur! Everything!


Sino ako?


Who I am? Fuck! Anong pangalan ko? Ano 'tong nangyayari? Naluha ako dahil sa pinaghalong kirot at sakit ng ulo ko sumabay pa ang takot sa dibdib ko.


Hindi ko matandaan lahat. Wala akong maalala kahit na ano!


"H-Help! Please help me! P-Please!" I shouted. Bahala na kung anong mangyari. Basta ang alam ko gusto kong umalis sa lugar na ito.


Sinubukan kong muli bumangon mula sa pagkakaupo. Nangingig ang mga kalaman ko pero nakaya kong tumayo at gumawa ng isang hakbang. 


"Shit!" I bit my lower lip and close my eyes as I landed on the floor.  Isang hakbang lang ang nagawa ko pero nanghina na ako agad. Dahil sa galit ay pinagsusuntok ko ang mga binti ko. I want to go out of this place!


"H-Help!" sigaw kong muli. Sana may makarinig sa akin mula sa labas.  My tears started to flow. I want to leave this place so bad dahil wala akong maalala. Wala akong mahalungkat sa utak ko ni isang alala. Kahit ang pangalan ko ay hindi ko alam!


 Sana isang panaginip lang ito pero ang hapdi sa tagiliran at ulo ko ay totoo!


"H-Help me!" I shouted so hard while crying. Gumapang ako sa sahig upang puntahan ang isang butas na may kaonting liwanang. Butas 'yon ng doorknob!


Para akong isang pilay na hinihila ang sarili sa sahig. Isang kaawa-awang nilalang na nakakulong sa isang madilim na hawla at walang maalala kahit isa.


Isa-isang pumatak sa sahig ang mga luha ko. Kahit madilim ay pilit ko pa ring gumapang. There's a light outside! Siguro iyon ang labasan sa kwartong ito! 


Tumigil ako sandali. Mas dumami ang basa sa tagiliran ko. Kinapa ko ulit iyon. Mahapdi at walang eksplanasyon kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. From the lights that coming from the outside of the door, sinubukan kong gamitin iyon para makita kung basa na galing sa tagiliran ko.


Pula! Madaming pula! Dugo! May dugo! Mas umigting ang takot sa dibdib ko. Bumuhos pang lalo ang mga luha sa mata ko. Ano ang nangyari sa akin? Bakit may dugo?


Kailangan ko talagang makaalis sa lugar na ito! Baka ang may gawa sa akin nito ang naglagay sa akin dito! Hindi ko ininda ang sakit at ipinagpatuloy ko ang pag gapang upang marating ang doorknob. Ang dugo mula sa tagiliran ko at kamay ay nagmantsa sa sahig. Nanghilakbot ako lalo dahil sa kalagayan.


Kasabay ng hapdi sa tagiliran ay mas lalo pang sumakit ang ulo ko. Pero binalewala ko 'yon. Kailangan kong makalabas dito. Pinilit kong marating ang doorknob. I need to get there pero parang anlayo pa! Parang sobrang hirap ang makapunta doon.


Unti-unting nawalan ako ng lakas dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Sana isang panaginip lang ito pero hindi! The pain and agony, I feel it right now. It feels like I am dead and only waiting for the devil to get me here.


My eyes blur from all the tears coming down. Pagod na ako. Pakiramdam ko buong buhay ko ay lumaban ako para mabuhay. Tumigil ako sa pag-gapang. Humiga na lamang ako sa sahig habang patuloy na bumubuhos ang luha sa mata ko. I am hopeless! Walang pag-asa! I can't remember everything and this?!


I heard a creak from a door opening. Tumingala ako sa liwanag na nagmumula sa pintuang unti-unting bumubukas at lumalamon sa kadiliman ng lugar na ito. Blur ang paningin ko. Humihikbi pa rin ako. The anger, the pain and suffering, nagkahalo-halo na. 


Silhouette of a man came in from the door. 


"H-Help me, please?" I said with agony but the man still standing there and I can't see his face even though there's a light.


"Please? I need help. Nasaan ako?" bumuhos ang mga luha sa mata ko. Mas lalong humina ang katawan ako. Parang kinakain ng dilim ang liwanag ganun din ang lakas ko.


"Sandra! Sandra! What is happening here?!" narinig kong sigaw mula sa labas ng pintuan. Bumukas ang ilaw sa buong kwarto. Pumikit ako ng mariin dahil sa pagkakasilaw. 


Sandra? Sino si Sandra?


Pilit kong idinilat ang mata ko pero wala na akong lakas. Unti-unting bumagsak ang ulo ko sahig. 


"Anong tinitingin-tingin mo dyan?! Tulungan mo ako!" muli kong narinig ang salita ng isang lalaking bagong dating pero wala na akong lakas para makita pa siya until I felt a hand that touch my neck and legs. And the darkness swallowed the light.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If Loving SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon