CHAPTER 6

91 11 8
                                    

Present.

I just got out from the shower at dali-daling nagtungo sa closet ko. While heading there, napasadahan ko nang tingin yung picture frame sa taas ng table ko. It was our first picture together.

Nangiti naman ako while I picked it up as I carefully observed it. Who would've thought na we would actually end up together as a couple? Kasi imaginine mo, from hating someone so bad to suddenly loving them, isn't it ironic? Pero syempre hindi naman 'yon biglaan. Before loving you, I actually cared for you first. Natawa naman ulit ako at maingat na ibinalik ang picture frame sa kung saan ko ito kinuha.

Kailan nga ba yung first na I realized na I actually care for you?

(flashback)

It's been three days since my last interaction with Roseanne. Three days na ring medyo tahimik ang buhay ko kasi nga tatlong araw na ring hindi pumapasok sa school yung main source ng inis ko.

I'm currently inside the cafeteria not minding my two friends who are eating while discussing about something habang ako naman ay kanina pa palinga linga sa paligid na para bang may hinahanap.

"Lisa, you sure you're not gonna eat something? Pwede naman kitang ikuhan sa counter." pagpukaw ni Seulgi sa atensyon ko at tanging iling lamang ang sinagot ko.

"Sino ba kasi hinahanap mo? Or are you waiting for someone? Kanina ka pa kasi palinga-linga sa crowd." Baling naman ni Jisoo.

"Wala." sagot ko at tumikhim as I crossed my arms towards my chest.

"Is it yung cutie na laging sunod ng sunod sayo? What was her name again?" tanong ni Seulgi.

"Roseanne? oh yeah, speaking of her. Nasan na nga pala yon? 3 days ko na siyang di nakikitang bumubuntot sayo ha?" sabat naman ni Jisoo but I only rolled my eyes at them.

"Wala, ewan ko. Kumain na nga lang kayo jan." sagot ko.

"Baka naman nagsawa na, ikaw kasi ang sungit sungit mo." natatawa namang biro ni Seulgi.

"Or more like tinakot niya, kamo." sabi ni Jisoo at tumawa lang silang dalawa pero agad na huminto nang hindi ko sila kinibo.

"Joke lang, ito naman. Tsaka knowing you, it's not like as if you care."

"Yeah, ano pa nga bang bago. Mailap naman sa tao yan eh." pagsang-ayon naman ni Jisoo.

I only sighed at tumayo na sa kinauupuan ko.

"Oh, where are you going? 'Di pa kami tapos kumain ni Jisoo." tanong ni Seulgi.

"Kaya niyo na yan, malaki naman na kayo. I'll get going na." sabi ko at hindi na hinintay na magsalita pa ang dalawa.

Napadpad naman ako sa field kung saan usually nagp-practice ang cheerdance team tsaka naisipang maupo sa isang bench sa ilalim ng malaking puno.

Iniwan ko sila Seulgi sa caf kasi naiinis ako. Naiinis ako not because mali yung sinabi nila, but because mali yung nararamdaman ko. Tama naman yung mga kaibigan ko sa part na I really don't care whether people suddenly stop approaching me kasi nga it's not like as if I care, kasi sino ba sila? But now, I'm feeling annoyed kasi why am I suddenly searching for a certain girl's presence?

Gaano na ba kami katagal magkakilala ni aussie girl? Tatlong buwan. Hindi pa naman ganun katagal compared to how long I've known Jisoo and Seulgi. We've only known each other for three months but I guess, I already grew fund of her annoying ass. Nasanay ako na bigla bigla nalang siyang sumusulpot sa kung saan saan para asarin at inisan ako. Sa 3 months na pangb-bwisit niya sakin sakin, nasanay ako. And now, I can't help but ask myself why did she suddenly stop.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now