Chapter 28

660 27 26
                                    

Chapter 28: Second

“Thank you, Chase, at pasensya sa abala. Wala kasing titingin sa kapatid mo kapag aalis ako...”

“No problem, Tita. You need to rest now.”

Nang makarating kami sa floor kung saan naka-admit si Second ay hindi ko na mapangalanan ang mga nararamdaman ko pero alam kong nananaig ang kaba, kaya ngayong papasok na kami sa kuwarto ay siyang paglabas naman ni Ate Rhiane; nanatili ako sa likuran ni Chase kaya hindi niya pa ako napapansin.

“Ayos lang. Nga pala, narito na si Gab sa loob at kagigising lang ni Second sa awa ng Diyos. Bababa lang ako saglit, ah? May aasikasuhin lang, please look after your brother...”

Tinapik niya ang balikat ni Chase at aalis na sana nang sa wakas ay mapansin niya ako. Unti-unting namilog ang mata niya.

“G-Good afternoon po...” kinakabahan kong bati.

“Andy...” Napasinghap siya at sinulyapan si Chase sa gilid. “Hindi ko alam na narito ka...” Hilaw siyang ngumiti at halatang nangangapa ng sasabihin.

“I apologize for bringing her here, Tita, but isn’t it unfair... she had no idea,” si Chase.

Nanatili akong nakatingin sa babaeng kaharap.

Dahan-dahan siyang napatango, sumusuko na. “Oo... pasensya na pero iyon kasi ang bilin ng kapatid mo sa akin na...” Sabay sulyap niya naman sa akin.

Chase breathed. “Don’t worry, I’ll handle this.”

Kalaunan ay umalis na si Ate Rhiane kaya naman tuluyan na kaming pumasok sa loob. Unang tumambad sa akin si Gab na ngayon ay nakaupo sa gilid ng hospital bed... dumapo ang tingin ko sa taong nakahiga roon at hindi ko napigilang makaramdam ng labis na lungkot.

He’s wearing a nasal cannula for oxygen, and by the sight of him... he looked weak. Bahagya siyang nakatagilid dahil sa pag-uusap nila ni Gab ngunit nang maramdamang may dumating ay dumapo rin kaagad ang mga mata nila sa amin.

Dahan-dahan akong humakbang habang ang mata’y nanatili sa kaniya. Nanghihina man ay hindi nakatakas sa akin ang gulat sa mukha nang sa wakas ay makumpirmang ako iyon.

My lips slightly trembled. Nakatitig lang kami sa isa’t isa, walang gustong magsalita.

Nakakatakot... natatakot ako sa maaaring mangyari at hindi ko alam kung... kung ano ang mangyayari sa akin kapag nangyari ang kinakatakutan ko.

I heard Chase clear his throat. “Gabbana, are you hungry?”

Saglit na nangunot ang noo ko at napasulyap kay Gabbana na halatang gulat din, saglit siyang sumulyap sa akin pero dahil sa guilty na nakita ko sa mga mata niya ay mabilis din siyang nag-iwas.

“H-Ha? Hindi!”

“Tss. Let’s go grab a food,” si Chase.

Nataranta si Gab. “Hindi nga ako gutom!”

He groaned. “Gutom si Second at Andy kaya samahan mo na ako,” aniya at tamad na hinila si Gab papalabas, poprotesta pa sana ang kaibigan nang taliman siya ng tingin ni Chase.

And now we’re alone in this room.

Nilapag ko ang bag sa at naupo sa gilid ng kama niya. Nasulyapan ko pa ang nakakabit sa kaniya. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” basag ko sa katahimikan.

He swallowed and looked at me wearily. “I’m sorry...”

Umiling ako. “Kumusta ka na?”

“I’m... fine,” pagkibot ng labi niya.

A Glimpse Of You (Reistre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon