Game 7

70 0 0
                                    

Nakatulog na ako dito sa may sofa kakaisip kung ano ba gagawin ko.

Kagabi kase....

"Puta. Ipamimigay nya talaga ako!?"

Pagkarinig ko nun..
Nabuhay ang malditang kaluluwa ko at mas ayaw ko syang pagbuksan.

Kaya, hindi ko talaga sya pinagbuksan. At hindi ko na rin sya narinig sa labas. Kaya naguguluhan na parang nagsisisi, basta halo-halo na ang naramdaman ko. Gusto ko syang pagbuksan para hindi sya mag-macho dancer dahil akin lang ang katawan niya. Mwahaha! Pero ayaw ko kase galit ako sa kanya. Na mas ikinagulo ng utak ko. Bakit ako galit sa kanya?

Kaya dahil sa naguguluhan ako, dito na ako sa sofa nakatulog.

At ngayong umaga na, parang naiiyak ako na hindi ko alam kung bakit pero may dahilan ako.

Uwaaa~ Ang gulo! Hindi ko alam pero may dahilan!? Ano ba talaga?!!! T_T

Nag-macho dancer na nga ata sya. T_T Baka may AIDS na sya by now. Hindi ko na sya pwedeng ikama. T___T  Sayang magaling pa naman yun magpaligaya. With his 8 pack abs. Mmm.. Sherep!

Pero ngayon, wala na sya!

Andun na sya sa gay bar!

Huhuhu T______T

At kahit lumong-lumo ako dahil sa katangahan ko, tumayo pa rin ako para makapag-almusal na ako, makaligo at makapag-ayos para makapasok na ako.

Naghilamos na ako at nagtali ng ponytail. Bibili ako ng lutong almusal dun sa may kanto.

Binuksan ko na yung pinto and to my surprise....

Nandito si Jade.

Natutulog ng nakaupo. Nakaupo sya dun sa may hakbang bago yung pinto tapos nakapatong yung ulo niya sa mga braso niya habang yung braso niya nakapatong naman sa tuhod niya.

Teka....

Hindi sya nag-macho dancer?

Lumunok muna ako ng laway ko kase baka tumulo. Bakat kase yung muscles niya sa likod. Naka-fitted pa naman siya. Hayss.... Yummy!

Lumapit na ako sa kanya.

"Hoy~ Jade~" bulong ko sa kanya habang niyuyugyog ko ang balikat niya ng mahina.

"Jade~~"

"Hmmm.."

"Jade, wake up. Ba't dito ka natulog?" I said. Hindi na ako bumulong. Nag-'hmm' na sya eh. Pero mahina lang boses ko kase baka magulat sya.

Nag-angat siya ng ulo niya.

Kumurap-kurap.

Medyo magulo buhok niya at medyo namumula yung noo niya. Siguro dahil sa matagal yun nakapatong sa braso niya.

He  winced.

"Ah! Yung paa ko." Sabi niya at niyakap yung mga paa niya.

Hahaha. Nangawit?

Minamasahe ng isa niyang kamay yung isa pa nyang kamay. Haha. Nangawit nga! Hindi niya ginagalaw pa yung mga paa niya.

>:)))))))))))))) Hihihihi. May bumbilya!

"Masakit?" Tanong ko at sinagi ng konti yung paa niya. Mwahahaha!

"Puta! Louise! Stop it!" Sigaw niya at hinawakan yung paa niya. Inii-stretch niya yung mga daliri niya sa paa.

"Huh?" Pagmamaang-maangan ko atsaka kunyari na-out of balance na halata namang hindi at pinatama ang kamay ko sa paa niya.

"Ah. Shit. Louise! I said stop it!"

Mwehehehe.... Ayaw ko~

"Masakit talaga? Kawawa ka naman." At nag-pout ako habang sinusundot yung binti niyang mabalbon na sa sobrang balbon, umabot na sa kung saan.

"Shit. Shit." He cussed eternally.

"Hahahahaha!" Tawa lang ako ng tawa habang sinusundot pa rin yung binti niya.

"Haha-------" napatigil ako sa pagtawa at pagsundot sa binti niya when he grab my hand.

"I said stop it. You're not listening." He seriously said.

"He-he. Sorry. Sige, b-bibili lang ako ng almusal. Hehe. Bye." I said and forced a smile then stand.

I was about to walk when he pull me.

"Where do you think you're going?"

"Ah. Hehe. Bibili ng almusal." Sabi ko habang tinuturo ang daan papunta sa may tindahan ng almusal.
"You're not going anywhere. We're not done yet." He said then pull me--no, drag me inside my house.

Maglaro tayo!Where stories live. Discover now