Sabi nila, Lahat daw ng bagay ay makakamtan kapag may ibayong pagsisikap at paghihirap. Gaya daw ng pag-ibig, kailangan mong gawin ang lahat para sa taong mahal mo. Yung tipong kahit ano, kahit alam mo sa sarili mong impossible na itong mangyari. <//3
Ako nga pala si Remmy . Ang babaeng mahilig magbasa ng libro. Nerd at walang ka - fashion sense. Tamabay ko lagi ang library. Doon kase mas tahimik, walang gulo. At iyon ang lugar kung saan naramdaman ko ang sinasabi nilang PAG-IBIG.
--Flashback :---
As usual nasa library naman ako.Nasa may banadang likod ako yung tipong di mapapansin ng mga tao. At saka ng librarian. Nakakatakot kase mukha ng librarian namin eh. Joke! hahah
Walan kaseng matino kausap sa room eh. Laging may kalandian yung mga kaklase ko. Yung iba naman nagkukulitan , nga haharutan. tsk. Ako? eto NGA NGA! Eh kasi naman! Si Nicole, umabsent2 pa. Kaya eto ako, naglulugmok sa harapan ng libro ko.
Ang boring naman, makapag sound trip nga muna. Isinaksak ko na lang ear phones ko at kunwaring nagbabasa ng libro.
Awake by Second Hand Serenade
With every appearance by you, blinding my eyes,
I can hardly remember the last time I felt like I do.
You're an angel disguised.
And you're lying real still,
But your heart beat is fast just like mine.
And the movie's long over,
That's three that have passed, one more's fine.
Nakaka-adik talaga tong kantang ito! Nga pala, ito yung kantang lagi kong pinapatugtog. Nakaka- Lss eh! Yung tipong ang sarap pakinggan.
Will you stay awake for me?
I don't wanna miss anything
I don't wanna miss anything
I will share the air I breathe,
I'll give you my heart on a string,
I just don't wanna miss anything.
" Girls! Tingnan niyo! Nawala tuloy si Papa Oliver! "
" Luh? Ba't ako sinisisi niyo? "
" Tama na nga yan! Teka, baka nasa library siya!"
" Yuck? Papa Oliver won't go there. Pang nerds and dorks lang yun dun noh! "
" Agree! Tara na nga! Baka bumalik na siya ng room niya "
Leshe! I-pinause ko muna yung kanta. Kaingay naman! Kitang harapan to ng library, tapos nag-iingay?!! Tssk! Tapos? ang landi landi pa! Oliver? hmm. Sinong Oliver kaya? wala akong kilalang Oliver eh! AISSSH! Ba't ko pa iniisip yan! Mind your own bussiness Remmy.
" Hmm. Sino kayang Oliver pinag-uusapan nila. Siguro ang pangit nun! Siguro gangster yun? O di kaya ? Isang multo tapos nag gho-ghost hunting lang sila? WOOOSH! Ay nako! Remmy! May mga baliw bang babaeng magsasabi ng PAPA OLIVER sa multo? Hayyy! " ako yan! Kinakausap sarili ko! Masyadong curious dun sa OIiver eh! HAHAHAH >.<
Ibinalik ko yung earphones ko at pli-nay back yung kanta.
I'm trying real hard not to shake. I'm biting my tongue,
But I'm feeling alive and with every breathe that I take,
I feel like I've won. You're my key to survival.