Chapter 8

0 0 0
                                    

Kella's POV:

Napangiti nalang ako ng lumapag na ang sinasakyan kong eroplano sa airport.At last,nakabalik din ako sa lugar na ito!

Pagkababa ko ay sumalubong sa akin ang maraming tao!May nakahawak pa ng tarpaulin na may mukha ko.I never thought na sikat pala ako dito huh!Haha!

"Miss Kella,pa autograph naman!"tumango  ako sa kaniya at sinulatan yung papel na hawak niya.May nagpapapicture din sa akin!

Sa unahan ay nakita ko ang nakangiting mukha nina mama at papa.Napaluha nalang ako at agad na tumakbo sa kanila para yumakap.Namiss ko din sila!

"Sikat kana anak gaya ng pangarap mo!Isa ka nang sikat na photographer!"napangiti ako sa sinabi ni papa.

"This is all because of you mama,papa!Kung di dahil sa inyo,di ko maaabot lahat ng ito!"nakangiting sabi ko at niyakap ulit sila.

"Lets go?"tumango ako kay mama at sabay kaming sumakay ng van patungo sa amin.Habang nasa biyahe ay di ko naiwasang antukin kaya nakatulog na ako.Di ko namalayang nakauwi na pala kami!

"Wake up,sweetheart!Nandito na tayo!"napamulat ako ng mga mata.Nandito na nga kami!

Madaling araw na kaya natulog nalang ako sa kwarto ko.Si mama naman ay inayos ang mga gamit ko.

Kinaumagahan ay bumungad agad sa akin at mukha nina mama at papa na nakangiti.

"Good morning!"masayang bati ko sa kanila.

"Goodmorning!"sabay nilang sabi at humalik sa pisnge ko.

"O siya,maligo kana dahil nakahanda na ang agahan natin!"sabi ni mama at tumayo na sa pagkakaupo.Sumunod din sa kaniya si papa.

"Opo!"sagot ko.Lumabas na sila ng kwarto ko habang ako naman ay nagpunta sa balcony.Bumati agad sa akin ang masarap na simoy ng hangin at ang malawak na asul na dagat.

Ito yung pinakapaborito kong tingnan bawat umaga na gigising ako!Napaayos ko na ang bahay namin kaya hindi na ito gaya ng dati na isang kubo lang.Ngayon ay may ikalawang palapag na ito.

Naalala ko tuloy yung mga panahon na magkasama kami ni Spencer mangisda sa dagat at ang pagtakas namin ng bangka gabi-gabi para lang mapanood ang mga alitaptap.I miss those days!

Pumunta na ako ng banyo at naligo.Nagbihis na din ako at tapos nun ay bumaba na para kumain.Nandun na sina mama at papa na halatang hinihintay ako.

Nagkwentuhan pa kami at nagtawanan habang kumakain.Kinukwento nila yung kabataan ko.Napatawa nalang ako sa mga pinagsasasabi nila tungkol sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan kong gumala na muna sa labas.Namiss ko ring maglakad-lakad sa dalampasigan.Dinala ko ang camera ko para makunan ko ng litrato yung mga nadaanan ko.

Nakasalubong ko naman si Mang Lito.Nakilala ko siya dahil kay Spencer.Naging magkaibigan din sila ni papa nung lumipat kami dito.

"Oh Kella,ikaw na ba yan?"

"Opo,Mang Lito!"nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Ang ganda mo na ah!Ang laki na ng pinagbago mo!Di na mukhang pancit canton ang buhok mo!"natawa nalang ako nang dahil sa sinabi niya.

"Sus,inaasar niyo na naman ako!"sabi ko dito na mahina nitong ikinatawa.

"Eh si Spencer ba?Umuwi din?"tanong niya sa akin.

"Ah hindi po,nasa Maynila pa po siya!"sagot ko sa kaniya na ikinatango niya lang.

"Ah ganun ba!O siya,mauna na ako!Kailangan ko pang mamangka!"

"Sige po!Ingat po kayo Mang Lito!"

"Oo naman!"palihim ko siyang kinunan ng litrato na itinutulak ang bangka niya sa dagat bago sumakay dito hanggang sa makalayo na siya.

Naglakad-lakad lang ako hanggang sa mapadpad ako sa malaking bato kung saan palagi kaming tumatambay ni Spencer noon.Naupo ako doon at kinunan ng litrato ang magandang view.

Naalala ko na naman yung mga nangyari!Siguro ngayon masaya na si Spencer sa piling ni Janice!Mapait nalang akong napangiti.

"I have kept it for too long!Atleast I know that I made the right decision.Kahit pa naman siguro sabihin ko sayo yung nararamdaman ko,hindi na mababago ang katotohanan na may mahal ka nang iba!Na may hinihintay ka nalang!"I uttered na tila ba kausap ko siya ngayon.Kung nandito siya,for sure di ko din masasabi sa kaniya lahat ng toh!

"Dapat pala una pa lang,pinigilan ko na ang sarili kong mahulog sayo!Kaso lang masyado kang pafall eh!"pagdugtong ko sa sinasabi habang nilalaro ang mga malilit na bato na nasa paahan ko."Sa dinami-dami ng tao sa mundo,bakit sayo pa ako nagkagusto?Bakit sa bestfriend ko pa?"

"You like me?"napatayo ako sa gulat ng marinig ang boses na yun.Muntikan pa akong matumba,buti nalang nabalance ko agad ang sarili ko.

Damn it!Why is he here?Kasama niya kaya si Janice?

"Ha?Ahmm...wala!!"patay-malisyang sabi ko sa kaniya."Bakit ka nga pala nandito?"I changed the topic.

"Don't change the topic Kella!I heard you!I just want you to say it again!"

"You just said it,narinig mo na kaya bakit ko pa uulitin?"pagsusungit ko sa kaniya.

"You like me?"ulit na tanong niya sa akin.Damn,bakit kailangan niya pang ulitin ang tanong na yun?Ang awkward!

"Answer..."

"Oo na!I admit it!I like you pero I know hanggang dun lang yun!"naiiyak na sabi ko.Aish,damn this tears!

"Okay lang!Tanggap ko naman eh!Its my fault why I'm hurting right now!Kasalanan ko kasi minahal ko yung taong may mahal nang iba!"

"Kell...."

"Shh,wag ka nang magsalita pa Spencer!Hear me out first because after this one,tuluyan na akong hindi magpapakita sayo!"sabi ko sa kaniya kaya napatigil siya.

"Totoo lahat ng narinig mo!Gusto kita...matagal na but I just kept it because I know I am just your bestfriend!!Mas masasaktan lang ako lalo na at mahal na mahal mo si Janice!Saksi ako dun!Minsan nga nagseselos ako eh na hindi naman dapat kasi wala namang tayo...Nagseselos ako at nasasaktan kasi ako yung nasa tabi mo lagi pero siya parin yung hinahanap-hanap mo..."

"I'm sorry!"

"Don't be Spencer,it isn't your fault cause its mine!Kasalanan ko kasi nagkagusto pa ako sa taong bestfriend ko lang!Nakakatawa nga eh,kasi hindi ako tumatanggap ng manliligaw dahil ikaw lang ang gusto ko!Haha!"sarkastikong sabi ko.

"But you know what,masaya talaga ako for you!Kompleto na lahat sayo!I just want to say thankyou for the friendship Spencer!I guess its now time para hanapin ko naman yung happiness ko!Kung aalis man ako,wag mo akong hanapin!Please lang!I really wanted to be alone right now!"pinunasan ko ang luhang umagos sa mga mata ko bago nagpatuloy.

"Kasi sa totoo lang,nasasaktan ako!Sobra!"Ganito ba talaga ang magmahal?Nasasaktan?

"Bye Spencer,sana respetuhin mo din yung desisyon kong umalis bilang bestfriend ko gaya ng ginawa kong pagsuporta sa desisyon mong makipagbalikan kay Janice!"sabi ko at tuluyan nang umalis doon.Walang tigil ang pagbuhos ng mga luha ko hanggang sa makarating ako sa bahay namin.






TO LOVE OR NOT TO LOVEWhere stories live. Discover now