Chapter 20 : Jake's Special Chapter

5 0 0
                                    

                   Jake's POV

*Sigh*

Mukhang wala na talaga akong pag asa kay Angel binalita na malapit na raw ang engagement party nila ni Blaze

Nagpunta ako sa dagat para maglabas ng sama ng loob

“ BAKIT?! BAKIT HINDI NA LANG AKO NA NAKASAMA MO NG MATAGAL NA PANAHON!!! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA ANGEL!!! ” sigaw ko at unti unti ng tumulo ang luha ko

“ Mahal kita *sob Angel ” May nakita akong puti...

Puting panyo at pag angat ko ng ulo ko nakita ko ang isang pamilyar na babae

Kathryn? Kathleen? Kathy? Korina? Ah F*ck nalimutan ko ang pangalan niya basta nagsisimula sa letter K yun na yun

“ Mukhang brokenhearted ka ngayon ” sabi niya sakin

Hindi na lang ako sumagot. Tsss...  kainis nakakahiya nakita niya tuloy akong umiyak

“ Brokenhearted rin ako ngayon ” -siya

.

“ Ang sakit kasi  na makita na nasasaktan ang taong mahal mo ng dahil sa ibang tao ” pagpapatuloy niya pa

Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Inakap niya ako and it feels better...

“ Pero nandito lang ako para pagaanin ang pakiramdam ng taong mahal ko ” sabi niya sakin

Alam kong mukha akong mahina pero I can't help it masyadong masakit, masyadong masakit na lahat ng nararamdaman ko sa ngayon

Kinabukasan

Nandito ako sa condo ko nag leave kasi ako for three  weeks  ....

*ding dong* *ding dong*


Haysss sino ba yun? Ka aga aga nambubulabog

“ Hi! ” masayang bati sakin ni Kathleen — wait Kathy ba? Urgh! Basta letter K yun na yun

“ What are you doing here? ” nakakunot noo kong tanong

“ Uhm ano kasi ” sabi niya na parang nahihiya habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo niya

“ Ah eh.... birthday ko kasi ngayon ” sabi niya ng hindi pa rin nakatingin sakin tss...

“ Happy Birthday ” bored kong pahayag sa kanya sabay sarado ng pinto

Tss.... siraulo talaga pati ba naman birthday niya poproblemahin ko pa?

Bumalik na lang ulit ako sa kama para matulog

*ding dong* *ding dong*

Urgh! Sino na naman ba yun? Kainis istorbo

Pagbukas ko ng pinto bumungad na naman sakin ang babaeng may saltik sa ulo na mukhang obsess sakin

“ Ano kasi... ” -siya

Tss...  pa demure pang nalalaman.

“ What?! ” irita kong tanong


“ Pwede mo ba akong samahan manood ng sine ngayong birthday ko? ” -siya


What?! Seriously?! Inistorbo niya ako sa pagtulog para lang sa maliit na bagay na yun?!

Isasara ko na sana ang pinto ng iharang niya ang paa niya

my singer boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon