*Casandra's Pov*
*TOK TOK TOK*
Nagising ako mula sa aking pagkakatulog ng marinig ang ingay na nagmumula sa aking pintuan. MArahil ay nag-aalala na ang mga kapatid ko sapagkat kanina ako natutulog.
Ngunit hanggang sa ngayon ay nais ko parin munang mapag-isa hindi ko nais na may maka-usap sa mga sandaling ito, miski ang aking mga kapatid. Hindi dahil sa wala itong maitutulong ngunit dahil sa nais ko parin mapag-isa, marahil ay napagod ang aking mga mata kung kaya ninais kong muling magpahinga, nahiga muling ako sa aking kama.
*eeeeeeeeeenk*
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit hindi parin ako natinag sa aking pagkakahiga. Alam kong lalabas din ang mga ito dahil alam kong iyon ang kanilang gagawin.
Ngunit sa halip na pagsara ng pinto ang aking narinig naramdaman ko ang prisensya ng aking ina. Ano ang kanyang sadya sa aking silid.
"Anak alam kong mulat ang iyong diwa at akoy iyong nararamdaman. higit sa iyong mga kapatid ikaw ay natatangi, sapagkat ikaw ay may malakas na kapangyarihan. Alam kong dinaramdam mo ng lubusan ang mga nangyari netong mga nagdaang panahon gaya na lamang ng pagkawala ng iyong minamahal at nais ko itong ipagpaumanhin sa iyo dahil wala ako sa iyong tabi ng mga sandaling kaylangan mo ng Ina na iyong magiging sandalan, gayun paman hindi nararapat na suwain ninyong magkakapatid ang kagustuhan ng palasyo. Alam kong naiintindihan mo ang aking winiwika anak Casandra wag mong panatilihin ang poot at galit sa iyong isipan hindi ko maatim na nakikita kitang ganyan. nakikita mo ba ang iyong sarili?"
Mahabang salaysay nito sa akin, hindi padin ako natitinag sa aking pagkakahiga bagkus ay pinakikinggan ko lamang ang aming Ina.
"Anak. Sana ay magbago ang iyong pasya."
Yoon lamang ang kanyang sinabi at tuluyan na itong lumisan sa aking silid.
"Ate." nagulat ako ng marinig ang tinig ng aming nakababatang kapatid na si Madeline. nilingon ko ito ngunit ngumiti lamang ito ng mapait sa akin. ngiting nababalot ng lungkot at paghingi ng tawad.
"Tignan mo ang iyong sarili kapatid ko." sa madilim na bahagi ng aking silid doon lumitaw ang repleksyon ng aking nakakabata ding kapatid na si Alison. Inabot nito ang salamin.
Kaylan ko nga ba huling nakita ang aking repleksyon sa salamin simula ng lisanin ni vlad ang mundong ito at iwan akong nag-iisa hindi ko na binalak na tignan pang muli ang aking itchura.
-Alison's Pov-
Miski ang aming kapatid ay nagulat ng masilayan ang kanyang repleksyon sa salamin. May maamong mukha ngunit walang buhay na mga mata.
Kaylan nga ba nagsimulang magkaganito ang kanyang mga mata?? Nagsimula lamang ito ng matapos ang digmaang naganap isang limang taon pa lamang ang nakakalipas. Ang digmaang kumitil ng libo libong mangkukulam at ang digmaang ding ito ang naging dahilan kung bakit ngayon ang buhay ng aming kapatid ay punong puno ng sakit at hinagpis.
Nawalan ng buhay ang mga nito ang dating masayahing mga mata nito ay napalitan ng isang pares ng mga matang tila ba hindi mo nanaising makita.
Kung noon punong puno ng emosyon ang mga matang ito ng aming kapatid ngayon ay wala na ni isa manlang emosyon na iyong makikita.
Miski ako ay nalulungkot para rito.
mukhang kaylanman man ay hindi na namin pang masisilayang muli ang kanyang masayahing mga mata.
---------
BINABASA MO ANG
The Three Naughty Witches
FantasyCasandra,Alison and Madeline. Ipinatapon sa mundo ng mga mortal upang turuan ng leksyon. makatagal kaya sila sa pamumuhay ng mga mortal? The Three Naughty Witches ---- Finished