Still Her.

98 4 0
                                    

Hello mga kapwa wattpaders! :)

Napadaan lang sa 'My Works" at naisipan kong ipost ang story na NAPAKA PANGET. XD

Pinagawa 'to sakin ng classsmate ko nung highschool, kailangan nya yata to for something ek-ek.

May halo sa totoong buhay pag ibig ko. :P HAHAHAHA. Shempre joke lang yun.

Ok, andami kong satsat. Pagbigyan nyo na ako. Kase matagal akong di nakagawa ng story.

Short lang po ito. :)

Still Her.

Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Nililipad ng malakas na pag ihip ang mahaba kong buhok.

Nakayuko ako habang sya ay nakatingin sa mga batang naglalaro.

"Nasaktan ko sya.", panimula nya.

Napangiti ako ng mapait.

"Hindi naman siguro.", pagpapanatag ko sa loob nya.

Labag sa loob ko ang lumabas sa bibig ko. Dahil alam ko ang totoo.

"Hindi nya deserve ang ginawa ko sa kanya.", umiiling na sabi nya.

"Maybe, this is what meant to be.",tumingin ako sa kanya.

Diretso pa din ang tingin nya sa playground.

"She's my bestfriend. Pero pinilit kong maging kami. Akala ko magiging ok ang lahat. But..."

"Naging masaya naman sya e.", dugtong ko.

Tumingin sya sa akin. At nakita ko sa mata nya ang sinseridad. Kasama ang lungkot at panghihinayang.

"The point is, di ko naprevent na masaktan sya.", umiwas ako ng tingin at yumuko ulit.

"Mas mahalaga na napasaya mo sya kahit sa konting panahon.", pinipilit kong maging matatag.

"I'm such a disappointment.", nanginginig na ang boses nya.

Hindi ako kumibo.

"Tama lang na magalit sya sakin. Tama lang na di sya magpakita sakin ng ilang linggo. Tama lang na kamuhian nya ako. Tama lang na...", humihikbi na sya.

Hinagod ko ang likod nya na parang sinasabing 'ok lang yan'.

"Kasalanan ko 'to.", at tuluyan ng umagos ang luha nya.

"Sssshhh. Walang may kasalanan, ok? Magiging ok din ang lahat.", naapektuhan na din ako sa pag iyak nya.

"I'm so stupid. To hurt her. To disappoint her. To let her go.", walang tigil ang patak ng luha galing sa maganda nyang mata.

"Minahal mo ba sya? Or all those time...", putol na tanong ko.

"Oo. Sobra. Pero...", putol din ang sagot nya.

"Pero. Pero. Pero.", paulit-ulit kong pagbigkas sa salitang nagbibigay hapdi sa kung anong tumitibok sa dibdib ko.

"All those time, may ibang laman pa din ang puso mo. Di ba?", pagpapatuloy ko.

Hindi sya umimik.

"It's... It's still... Still her?", parang nag sisi ako sa pagtuloy ko ng tanong.

"I'm sorry.", yan ang binigay nya sa aking sagot.

Hindi ko na napigilan ang mainit na likidong nasa mata ko. Kumawala ang mga ito na parang wala ng bukas kasabay ng paghikbi ko.

"Sorry. Sorry. Sorry. Sorry.", hindi ko alam kung mahihilom ba nung salitang yun ang sakit.

Dahil pakiramdam ko, lalong nadaragdagan ang sakit.

Gusto kong tumayo at tumakbo ng malayong malayong malayo.

Gusto kong lumayas o kainin na lang ng lupa sa kinauupuan ko.

"I didn't mean to hurt you.", hinawakan nya ang kamay ko na agad ko namang binawi.

"But you did.", malungkot na sagot ko.

"And actually, I didn't mean to fall in love with you. But I f*ckin' did.", tumayo ako.

Hindi nya ako matingnan. At hindi rin sya nagsasalita.

"Alam nating hindi magiging ok ang lahat. Una pa lang naman, alam kong sya na. Ang di ko lang din alam, bakit sinubukan ko pa. Bakit pumayag pa ako. Bakit nag pakatanga pa ako!", tumayo sya at niyakap ako.

Tinutulak ko sya palayo. Pero mahigpit ang pagkakayakap nya sakin.

"Sorry.", yan lang ang lumabas sa bibig nya.

"I hope, that word could heal me. But I think it won't.", binitawan na nya ako.

"Anong dapat kong gawin para mapatawad mo ako?"

"Napatawad na kita. Ang gusto ko lang, mahanap ko yung sarili ko. Yung dating ako, bago pa maging tayo. I want you to... Stay away from me.", masakit man pero alam kong yun lang ang tanging paraan.

"Lalayuan kita? Bibitawan natin ang ilang taong pagkakaibigan dahil lang dito?", ramdam kong galit sya.

"This is the best way.", simpleng sagot ko.

"I can't get over it when you're around! Let's accept the fact. Hindi na natin maibabalik ang dati. Hindi na magiging normal ang lahat. I'm trying to be ok. I'm trying to move on. But, I can't step forward kung yung presence mo, hinahatak ako backward.", humakbang ako papalayo sa kanya.

"Please. Don't go near me. Hanggang hindi ako lumalapit sayo, wag mo akong lalapitan. Please. Nakikiusap ako.", patalikod ang paghakbang ko.

"Bestf--"

"Cut it out.", hindi ko na sya pinatapos.

"I will be fine. I must be. Goodbye.", tumalikod na ako at nagsimulang tumakbo.

Hindi na ako nagtangka pang lumingon sa kanya.

Dahil alam kong mas masasaktan lang ako.

Sa love, hindi laging masaya. Sa ikot ng buhay pag ibig, meron talagang masasaktan.

Kakambal na ng salitang love ang pain at sacrifice.

Minsan, kailangan talaga nating sumugal. Kahit mabaon ka sa utang para lang makuha ang jackpot.

Pero, iconsider natin ang mangyayari after. Ano ba ang next pagkatapos.

Normal magpakatanga at masaktan. Pero may limit. May katapusan.

'I made a choice to finally let go, because I can't stand the pain. Now, it's time for my last tear to fall and try to smile again.' sabi ko sa sarili ko.

I know it's hard; the pain, the struggle, the heartache, betrayal and disappointment overwhelms our heart during our greatest fall, it felt nearly impossible to smile and pretend everything is ok. But once you get through with it, your life will brightens up and makes everything right again.

....

-SnzrDrmr

Still Her.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon