When I dream, I think of you. Breath, I think of you.~
All day I think of you, give all my love to you~
"ANAKNG! HOY!! ANO BA!? ITIGIL NIYO NGA YANG PESTENG KARAOKE NIYO DIYAN!" inis na sigaw ko.
Tadhana ba talagang yan yung kanta o nananadya lang talaga sila?!
"Jeff, Patrick, itigil niyo na yan. Nagwawala na yung inlove niyong bestfriend sa taas." rinig kong sabi ni mama.
"Tara pre, akyatin na natin si loverboy baka nagpatiwakal na yon." rinig kong sabi ni jeff.
"Sige tita, akyatin muna namin si loverboy." rinig kong paalam ni pat.
Tangina, eto nanaman sila. Mamemerwisyo nanaman!
Ipinikit ko ang mga mata ko at nagpanggap na tulog habbang naririnig ko ang yabag ng paa nila sa hagdan.
Nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko ay mas lalo akong tumahaimik.
"Ooooh!! Gising loverboy! Wag kami, kelan ka pa natulog ng ganitong oras?!" sigaw ni jeff.
"Uggggh! ANO BA! INAANTOK AKO!" sigaw ko.
"Hoy, mula nung binyag mo magkakasama na tayong tatlo kaya wag mong sabihin saming tanga kami para di namin malamang kahit kelan di ka nakakatulog pag ganitong alas dyis ng umaga!" sigaw naman ni Pat.
Ugggh! Mukhang desidido na talaga silang sirain ang umaga ko.
Umayos ako ng upo saka isa isa silang tinignan ng masama.
"Tang*na niyo talagang dalawa. Ano nanaman ba ha?!" sigaw ko sakanila sabay bato ng unan saka isinandal ang ulo ko sa headrest ng kama.
Umupo si jeff sa kama habbang humiga naman si pat, sabay nila akong nginitian ng nakaka-gag*.
"Ako tigilan niyo ko, di porket nilalamon kayo ng lovelife niyo eh gaganyanin niyo ko!" inis na sabi ko.
"Hahaha, ba't kasi di mo pa aminin pre?" tanong ni pat.
"Aminin ang ano nanaman pat?!" inis na sagot ko.
"Namo pre, ang torpe mo! Oy gumising ka nga! Ga-graduate na tayo't lahat-lahat! Magiging si pat tsaka si Adrielle na torpe ka parin!" singit ni jeff.
"Eh hindi ko nga kasi siya mahal, ano bang trip niyo?!" inis na sagot ko.
"Loko mo! Hindi ka magkakaganyan kung di mo siya mahal!" -Pat.
"Kung ano ano na pinagsasabi niyo, lumayas na kayo dito." inis na sabi ko.
"Pre, noon pa may gusto ka na sakanya. Kelan mo ba sasabihin?" tanong ni pat.
"Ang tanong pre, may balak pa ba siyang umamin? Hahaha." tanong ni jeff.
"Pre, una wala akong aaminin kasi wala naman akong gusto sakanya. Pangalawa, hanggang ngayon ba di kayo makamove on diyan sa pinagsasabi niyo? Kayo na mismo nagsabi, ga-graduate na tayo't lahat, tigilan niyo na ilang taon nang lumipas yon." seryosong sabi ko.
"Lul! Hindi ka magmumukmok dito sa kwartong to na parang bata, kung nakamove-on kana!" pangiinis ni pat.
"Hindi ako nagmumukmok, pat. Nagpapahinga ako! Di porket ikaw ang head namin eh gaganyan ka diyan, tss." inis na sabi ko.
"Raulo! Walang matinong estudyante ang magsasabing naka-pahinga siya, samantalang isang linggo na siyang di pumapasok! Ano ka?! VIP?! Isang linggo ang weekends?!"sagot ni Pat.
BINABASA MO ANG
Pag ang playboy nainlove.
Short StoryGanito ba talaga pag na-inlove, masakit? Kasi kung oo? tang*na ang sakit talaga. Akala ko ba pag na-inlove ka masaya ka? Yung tipong akala mo nasa heaven ka lagi? Ba't ganto? Iba yung nararamdaman ko? Gusto ko siya. Taeng yan mali! Mahal ko pala si...