Ganito ba talaga pag na-inlove, masakit? Kasi kung oo? tang*na ang sakit talaga. Akala ko ba pag na-inlove ka masaya ka? Yung tipong akala mo nasa heaven ka lagi? Ba't ganto? Iba yung nararamdaman ko? Gusto ko siya. Taeng yan mali! Mahal ko pala siya. Ang weird isipin na ang isang gwapong Josh Herrera?! Maiinlove? Sa babaeng noong una palang alamkong peperwisyohin ako sa ugali niyang parang kinder?! Tss! Hindi pwede to, kasi wala sa bokabularyo ng mga gwapong katulad ko ang mainlove. Argh! Pag di ko siya nakita para ko naring kinulong yong sarili ko sa isang madilim na kwarto. Pag sinusungitan ko siya para ko naring sinabing mag-suicide ako. Ganito ba talaga ka-OA ang inlove? Or let me say.. Ganito ba talaga pag ang playboy nainlove?