:// 1 (The Other Way Around)

46 0 0
                                    

Aleria's POV:

"Bakit mo to ginagawa sakin ? Sana nung unang beses na tanungin kita sana inamin mo na!" sabi ko habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko. tinry kong pigilan pero useless kaya dii na rin ako nag abalang punasan pa dahil di ko nga mapigilan ang paglabas nila.

Nakatingin pa rin ako sa kanya. nasasaktan ako oo, kaya wala na akong pakelam kahit makita nya kung gaano ako kahina, sa ngayon wala akong ibang gusto kung hindi ang malaman ang totoo.

Ilang segundo na ang nakakaraan, pero hindi pa rin sya sumasagot. ni hindi sya nakatingin sakin sa ibang dereksyon sya nakatingin ..

hindi na ko nakatiis. halo halo na yung nararamdaman ko. sakit dahil naloko ako at galit dahil pinaasa ako. kating kati na kong malaman ang totoo mula sa kanya kung bakit nya ako sinasaktan ng ganito. gusto ko syang saktan but I just can't kasi sa aminin ko man at sa hindi sa lahat ng maling ginawa nya. ,mahal ko  pa din sya ..

nilapitan ko na sya at hinawakan sa magkabilang balikat,  napaharap sya sakin, nagulat siguro sya sa ginawa ko, dahil una sa lahat hindi ako yung babaeng nagger pero sa inaakto ko ngayon I'm like one of them .. ako kasi yung tipong pag nasasaktan itatago lang lang iiyak sa isang tabi at alam na alam nya yun. pero siguro nga masyado na kong nasasaktan sa mga oras na to , kaya nag burst out na ko kasi di na kayang dalhin ng puso ko yung bigat na nararamdaman ko.

inalog ko sya gamit yung buong lakas ko.. kahit mas matangkad sya at mas malakas nagawa ko syang alugin ng ganun kalakas

"Ano ba ? hindi ka ba magsasalita ? sagutin mo naman yung tanong ko oh ? " halos magmakaawa na ko sa kanya ..

Nagulat na lang ako nung bigla nyang alisin yung kamay ko mula sa pagkakahawak sa balikat nya. akala ko magpapaliwanag sya pero mali ako itunulak nya ako palayo sa kanya, napalakas yung tulak nya na out of balance ako dahilan para mapa upo ako sa lupa. nagkamali yata ako ng bagsak parang nagtwist yung ankle ko . Kahit gusto kong tumayo alam ko sa sarili kong di ko kaya .. tinignan ko sya akala ko tutulungan nya ako pero mali na naman ako ..

tinitignan lang ako ni Zyro..

bigla syang nagsalita, more on pasigaw ..

"Gusto mong malaman ang totoo ? Ang totoo, hindi naman talaga kita minahal, akala ko lang siguro minahal kita dahil maganda pero hindi napaka boring mo, hindi ka na nga sweet, conservative pang masyado, hindi ko nga alam kung bakit nakapagstay ako ng tatlong taon sa relationship na to hindi mo naman binibigay yung mga pangangailangan ko." and with that gumuho lahat ng pangarap at pati mundo ko, kaalinsabay ng pagkawasak ng puso ko sa mga sinabing yun ni Zyro.ang sakit tagos sa puso. Yung taong inaasahan mong hanggang sa huli kasama mo ay bigla ka na lang iiwan sa ere at sasabihing hindi ka nya minahal ..

how hursh..

pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa park. kung dati pinagtitinginan kami dahil sa kasweetan namin ngayon naman pinagtitinginan kami dahil ganitong pangyayari .. 

napangiti na lang ako ng mapait sa narinig ko. Hindi ko na hinintay na tulungan nya akong tumayo dahil alam kong hindi na nya gagawin yun. Kaya kahit masakit yung paa ko, lalo na yung puso ko ay pinilit kong tumayo. pinunasan ko na yung luha ko. hindi ko na ulit hahayaan ang sarili ko na umiyak sa tulad nya. lalo pa ang makita nya na nagkakaganito ako dahil sa kanya.. I manage na magsalita na di garlgal yung voice ko .

"haha ganun ba ? boring kasi di ko nabibigay yung pangangailangan mo ? bakit ano ba yung pangangailangan na yun?. Bakit hindi mo pa sabihin yung totoo, si Luna naman yung dahilan diba ? bakit si Luna ba naibibigay yang sinasabi mong pangangailangan na yan? . sorry pero hindi ko maibibigay yang sinasabi mo, una sa lahat hindi ako pokpok! may pinag aralan ako, pangalawa hindi ako kasing landi at desparada ni Luna, at pangatlo alam kong pagsisihan ko kung sakaling ibigay ko man sayo yung pangangailangan mo na yun dahil wala kang kwenta!!.." sabi ko. may halong sakit lahat ng salitang binitiwan ko..

nakita kong nagtangis ang bagang nya. bakit ? nagagalit sya sa panlalait ko kay Luna?.. oh come on totoo naman lahat ng sinasabi ko?, napakadumi nya I think she is only 14 nung na devirginized na sya .. sucks right ?

huminga ako ng malalim bago magsalita ulit ..

"eto lang tatandaan mo at itaga mo sa bato. Lahat ng lalaking katulad mo, lahat kayo iiyak ng dahil sakin ng dahil kay Aleria Ice Crisanto. Keep that on mind Bastard, I'll do the other way around." sabi ko sabay talikod., pinilit kong maglakad kahit masakit talaga yung paa.. iniwan ko syang nakatayo dun. hindi  na ko nag abalang tignan ang reaksyon nya dahil wala na akong pakelam.

Kasabay ng pagtalikod ko ang isang panagako sa sarili ko na hindi na ko magtitiwala ulit sa lalaki at hindi na ako muling magmamahal pa.

Ang lugar sa parkeng iyon ang naging saksi kung pano namin minahal ang isa't-isa. ay mali kung gaano ko sya minahal kasi nga hindi naman nya ako minahal, at yung lugar din na yun ang naging saksi sa pagkadurog ng puso ko. at doon din sa lugar na yun ibinabaon ko na sa limot ang pagmamahal at kung ano pa mang damdamin ang mayroon ako kay Zyro.

naglakad na ako papalayo  pinagtitinginan ako ng tao pero tuloy tuloy pa rin  ako sa paglakad .. umuwi ako na parang walang nangyari, pero nung nasa kwarto na ko doon ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ..

inubos ko na lahat para wala ng matira .. dahil bukas iba na ko ..

hindi na ako si Aleria na laging masaya at positibo sa buhay .. ako na si Aleria na may pusong punong puno ng galit at sakit at ang gusto lang ay makaganti sa mga taong nanakit at gumamit sa kanya ..

Kung dati ako ang nilalamangan at sinasaktan, this time ako naman ang manlalamang at mananakit .

____

JaReEl's note : 

sabihin nyo lang po kung magulo yan lamang po ang nakayanan ko, tenchuu .. night :*

The OTHER WAY AROUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon