Ang puting butonsilyo

27 3 0
                                    


Humugot ng malalim na paghinga si Emily ng makita ang laman ng wallet niya. Trenta pesos na lamang iyon at sakto pamasahe niya pauwi at tama, paghinga na lang talaga ang magagawa niya ngayon dahil kahit pananghalian ay hindi iyon kakasya.

"Atleast humihinga pa ako" Aniya sa isip niya. Sabay ng pagtapik niya sa kaliwang dibdib niya. Muli niyang isinara ang coin purse niya at tumalikod na. Papasok sana siya sa isang fastfood chain upang mag lunch. Inabot na kasi siya ng tanghali sa interview niya sa bagong kompanya na papasukan niya. Natanggap naman siya ngunit ang inaalala niya ay ang pang gastos niya sa pang araw-araw.

Nasaid kasi siya gawa ng na-pressured siya sa mga bayarin niya. Nagkasabay-sabay kasi ang due date ng utility bills, renta ng bahay at utang sa kung kani-kanino. Hindi naman niya ginusto na magka utang sa tao, Gusto lang din naman niya isalba yung online business na sideline niya kaya lang ay talagang matumal, nagkataon pa na nagkasakit ang kapatid niya at kinailangan ng pang ospital at gamot. Wala kasing ibang inaasahan sa pamilya niya kungdi siya lang.

Nagkataon din naman na natanggal siya sa trabaho dahil kinaiinggitan siya ng mga kasamahan sa opisina at ginawan siya ng kwento, dahilan upang masira siya sa kanyang boss.

Nang may humintong jeep sa kanyang harapan ay kaagad siyang sumakay doon at nag-abot kaagad ng bayad. Pagkatapos niyon ay ipinikit niya saglit ang mga mata niya habang ang kanang kamay ay nakasabit sa handrail ng jeep.

"Pag hindi ka nagbayad sa akinse, I po-post kita. Pasensyahan nalang tayo."

"Baka pwede na mag hulog ka na sa utang mo, nang ako naman ang kumita!"

"Anak, wala na tayong bigas."

"Anak, naubusan na ng gamot ang Kuya mo."

"Hoy Emily, wala na akong pakialam sa mga dahilan mo! Magbayad kayo ng renta Kung hindi ay maghanap hanap na kayo ng malilipatan ninyo.!!"

"Tsk!" Napamulat siya ng mata at pilit na iwinawaksi ang mga salita na pa ulit-ulit na nag p-play sa utak niya.

Lumilipad ang utak at wala sa sariling pumara siya ng jeep. Kasunod niya na bumaba ng jeep ang lalaking may edad na. Nakasuot ito ng jacket na kulay abo, Naka sumbrerong pula at kulay abuhin din ang pantalon nito. Hindi iyon napansin ni Emily sapagkat lumilipad pa din ang isip niya.

Habang naglalakad ay pa ulit-ulit pa din na nag p-play sa utak niya ang mga masasakit na salitang natanggap niya mula sa dating boss, kasamahan sa trabaho at sa mga pinagkakautangan niya.

Sa, pagkakataong iyon, naramdaman niya na parang maiiyak siya. Sobrang bigat ng nararamdaman niya dahil sa sunod-sunod na problemang kinakaharap niya. Mabilis siyang naglakad at tinunton niya ang daan papuntang riverbank.

Nang makarating siya doon ay saka niya pinakawalan ang kanina pa gustong sumabog na damdamin. Iniyak niya ang bigat ng nararamdaman niya at wala siyang pakialam kung may iilang tao na nakakakita sa kanya ng mga sandaling iyon. Ang mahalaga ay mailabas niya ang sakit at nang gumaan naman ang pakiramdam niya.

Humihikbi-hikbi pa siya nang lingunin ang estrangherong tumabi sa kinauupuan niya. Nasa ilalim sila ng punong acacia at nakaharap sa ilog. Halos iilan lang naman ang tao sa lugar na iyon dahil mainit pa. Alas dos pa lamang iyon ng hapon at iilan pa lamang ang bukas na tindahan. Kapag gabi kasi ay matao ang lugar na iyon, mayroon din kasing live bands at peryahan.

May ilang segundo rin na napatitig siya sa lalaking kaharap bago dumako ang tingin niya sa kamay nito na may hawak na panyo at tila inaabot ito sa kanya. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya gamit ang mga kamay niya at nag iwas ng tingin sa lalaki. Nakaramdam siya ng hiya sapagkat nakita siya nito na umiiyak.

"Kunin mo na ito-" Aniya.. "Tapos Saka mo ulit ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman mo" Dagdag pa nito. Hindi mawari ni Emily pero ang tinig na iyon ng lalaki ay naghatid sa kanya ng kakaibang lamig.

Tirik naman ang araw pero hindi niya alam kung bakit tila lumamig ang pakiramdam niya.

"Okay lang ako, salamat." Sagot niya Saka niyakap ang sarili at tumitig na naman sa ilog. Nayuko ang lalaki bago itinuon ang paningin sa kung saan nakatingin din si Emily. Nakatitig ito sa mga ibon na tumutuka ng pagkain sa damuhan.

"Ang sarap siguro maging ibon.." Panimula ng lalaki. Sinulyapan lang ito ni Emily at tumingin na naman sa mga ibon. "...Malaya. Kapag na gutom hahanap ng pagkain, pagkatapos ay lilipad ulit. Makakapunta ka sa mga lugar na gusto mo ng hindi mo kinakailangan ng pera."

Tila gustong matawa ni Emily sa sinabing iyon ng lalaki. "Wala ka din sigurong pera katulad ko." Bahagya siyang napangiti ng sabihin iyon. Ganon din naman ang lalaki pero hindi ito kumibo.

Magsasalita pa sana siya ng pumukaw ng atensiyon niya ang isang may edad na lalaki sa kabilang parte ng ilog, sa kaharap niya. Tila kinakawayan siya nito. Nakasuot iyon ng kulay pulang sumbrero at Naka gray na jacket. Nakapantalon din iyon na kulay gray.

Kinakawayan siya nito at tila may gustong sabihin. Napakunot naman ang noo niya at hindi na lang pinansin ang lalaki. Sa isip-isip niya ay baka may sayad iyon.

Naagaw din naman muli ng lalaking katabi niya ang kanyang atensiyon ng abutan siya nito ng white daisy flower. Napalingon siya sa lalaki at doon niya lang napagmasdan ng husto ang pigura nito.

Maputi ang lalaki, at ka pansin pansin ang makinis nitong balat na animo'y modelo ng isang skincare brand. Matangos din ang ilong nito at medyo singkitang mga mata. Kapansin pansin din ang kakaibang hugis ng tainga nito. Nang ngumiti ang lalaki ay tila nabato balani siya o nahipnotismo at wala sa loob na tinanggap niya ang bulaklak na iniabot nito sa kanya. Kasabay niyon ay biglang nakaramdam siya ng pagka hilo at ilang segundo lang ay nagdilim na ng tuluyan ang paningin niya.

"Magiging maayos naman ho ba ang anak ko doc?"

"Huwag po kayong mag-alala misis, magiging maayos po ang anak ninyo. Marahil ay napagod lamang siya kaya bumigay ang katawan niya."

Kahit na nahihilo ay pinilit ni Emily na imulat ang mga mata niya. Marahan niyang inilibot ang paningin niya at napagtanto niya na nasa ospital siya dahil sa kakaibang amoy ng gamot na naaamoy niya.

"A-anong nangyari?" Iyon ang mga salitang namutawi sa kanya. Kaagad naman lumapit ang kanyang ina pati ang doktor at muling sinuri ang kalagayan niya.

"Kamusta anak? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng ina sa kanya. Mariin siyang pumikit at pilit na inaalala ang mga nangyari. Ang huli niyang natatandaan ay inabot niya ang white daisy na ibinigay sa kanya nung lalaking nakausap niya saglit sa may riverbank. Pagkatapos niyon ay hindi na niya alam ang sumunod na nangyari.

Bigla naman siyang napabangon nang maalala yung lalaki. "P-paano ako napunta dito? W-wala ba akong ibang kasama?" Nalilito niyang tanong sa kanyang ina. Hindi niya sinagot ang unang tinanong nito sa kanya.

Tila nabalisa naman ang kanyang ina at napansin ng doktor na baka naiilang ito kung kaya naman ay nagpaalam na muna siya na lalabas ng silid.

Nagulat pa si Emily ng biglang hawakan ng kanyang ina ang mga kamay niya. Mahigpit ang hawak niyon at mataman siyang tinitigan nito bago nagsalita.

"Anak, anong ginawa mo? Saan galing yung pera na dala mo?" Halos pabulong na sabi ng kanyang ina. Lalo naman siyang nalito sa sinabi nito.

"Ano hong sinasabi nyo, inay?"

Luminga linga muna ang kanyang ina bago kinuha ang yandbag na dala niya nung nag apply siya ng trabaho.

Inilapat iyon ng kanyang ina sa kanyang tabi at binuksan. Tumambad naman sa kanya ang kumpol ng salapi . Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

"S-saan galing iyan?" Nagtatakang tanong niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secrets Of The Lost Kingdom (Biringan City)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon