TheNewspaperDance (OneShot)

68 6 2
                                    

********

"BREAK NA TAYO!!!" 

Yan yung mga salitang tumatak ng sobra sa isipan ko. Oo, SOBRA. Yan talaga ung word na compatible sa pangyayari.

Buti pa yung word at pangyayari compatible. Eh kami? Kahit minsan hindi sumagi sa isipan ko na Compatible ako sa kanya.

*********

...Cause we we're both young when I first saw... YOU..

*plak*

"LORRAINE! Ano bang problema mo?" Sigaw sa akin ni  Ronnel. Si Ronnel ang bestfriend ko SLASH classmate ko. 

Ayyy! Hinagis ko pala ang iPod ko dahil sa sobrang galit ko. Paano ba naman ung song na un ang Theme song namin ng boyfriend ko dati. For short, yung ex ko.

"RONNEL! Madami! Madami akong problema. Gusto mo i-enumerate ko pa? Baka hindi tayo matapos," Sagot ko na halatang naiiyak na ako. I wish na kaya kong ibalik ang dating buhay ko. Yung nagkukulitan pa kami ng ex ko. Yung inisan namin na kahit ganun ay masaya. Pero hindi, hindi ko kaya.

Dahil nga parang tunog umiiyak ako, ayun inabot sa akin ni Ronnel ang panyo niya. 

"Tama na. Ayokong nakikitang umiiyak ka. Malapit na mag-valentine's ganyan ka parin." sabay yakap sa akin ni Ronnel. I don't know kung bakit siya ganoon. Kahit madalas na nagsisigawan kami. BESTFRIENDS pa rin kami. Lagi siyang nandiyan sa tabi ko.

"Ayun na nga eh. Magvavalentine's na hindi parin ako makamove-on. Ano bang meron siya na hinahanap- hanap ko?" Lalo pang lumakas ang iyak ko. Basang-basa na ang panyo ni Ronnel. "Atsaka, nakalimutan mo na ba? Valentine's Day noong nag-break kami? Valentine's Day nung niloko niya ako? Nagpakatanga ako para sa kanya~!" Lumakas ulit ang iyak ko. Tila para akong bata sa lakas ng iyak ko.

"2 years ka nang ganyan. Mukha ka na ngang lalaki sa ginagawa mo eh. Kikay ka dati, tapos ngayon boyish ka na? Ano bang kailangan kong gawin para makapagmove-on ka? Lahat gagawin ko para sa ikasasaya ng buhay mo, best." Pagpapagaan ng loob sa akin ni Ronnel. Sounds like naiiyak na din siya.

Inabot ko ang panyo niya sa kaniya. Kahit na basang-basa na iyon. Sabay sabi ko ng "Kaya mo talaga gawin ang lahat?"

"Oo, lahat." sagot ni Ronnel.

********************

Valentine's Day na, may Event sa School namin, lingon ng lingon si Ronnel sa likod. Tila parang may hinahanap. Then, tinext ko siya: 

Hey ^u^ Ano ginagawa mo?

Parang may hinahanap ka?

10 mins. after...

20 mins...

Nyeks, anu ba yan hindi nagreply -____-

Okay. Let's start the program. 

"Yehey!~~" Sigaw nila. Yes, NILA. Ayaw ko nga kasi ng Valentine's. Kaya ayun, sumalampak ako dun sa may poste.

Dagdag pong kaalaman. ^u^ Yung event po namin ay ginawa sa covered court ng School namin. We're in a Private School ^u^

Let's start the program wih a game. The Newspaper Dance.

Ahahahaha, agad akong pumunta sa harap ng walang pag-aalinlangan. Kahit ayaw ko ng Valentine's ang gusto ko lang is yung Newspaper Dance. Maybe beacuse, ayaw ng ex ko ng larong iyon. Atsaka, its my favorite eh. 

Sh*t naalala ko nanaman. Dito kami sa larong ito nag-away. Ayoko nang ikwento. Baka masira ko ang programa dahil sa pagdradrama ko.

"Hello, pede ba tayo ang magkapartner sa laro?" Tanong ni... Da who? Nakatakip ang mukha niya. Nakayuko pa siya. Pero, parang pamilyar ang suot niya. Hays. Kahit cno nalang.

Sumapit ang mga mahihirap na levels. Yung tipong hinlalaki nalang sa paa mo ang makakatapak. Pero instead na sumuko. We won ^u^ Thanks sa Unknown boy na bumuhat sa akin.

And the prize.....

May we call on Lorraine Dela Cruz for her prize?

"Ey, Lorraine. Tawag ka." Tawag sa akin with matching kalabit.

"Ugh, para saan naman kaya?" Pagtatanong ko. "Hindi naman siguro ako kakanta noh?" Pagbibiro ko pa.

Tutal hindi naman ako KILL JOY ayun pumunta ako kahit yung paa ko ay ayaw na ayaw. Atsaka, yun daw prize ko eh.

Uhmm, Ms.DelaCruz. Upo po muna kayo dito, 

At ayun, naglagay sila ng upuan sa stage. Dafuq? Bakit sa stage pa? And, akala ko prize ko to?

Don't tell me ang prize is upuan -____-

Then.. Biglang may nagsalita. Pamilyar ang boses.

Lorraine, diba ang sabi ko sa'yo gagawin ko ang lahat para mapasaya lang kita. Alam mo ba na nag-background search pa ako sa'yo para malaman ko na Newspaper Dance pala ang paborito mong laro.?

"Ronnel? Anong ibigsabihin nito" sabay tanong ko. Nagtataka talaga ako kung bakit ganun ang tono niya. Pero Hindi ko napapansin na naka-ngiti ako.

Lorraine, ako nga ito si Ronnel..  Ang tono ng boses niya ay parang may lihim na tinatago. Sabay abot niya ng bulaklak, may nakalagay na. 

BREAK NA TAYO!

Nabitawan ko ang mga bulaklak, sabay tingin kay Ronnel. Alam ko na hindi naman kami ni Ronnel, pero dahil sa mga salitang iyon, naalala ko si.....

NAGULAT KA BA? Akala mo ako talaga si Ronnel?

Matagal ko na siyang pinatay, At ikaw ang isusunod ko.......

Dahil siya ang may kasalanan ng pagka-break natin...

 "AHHHHHHH!" Sigaw ko.

***************

At nagising ako sa pagkakatulog ko habang nakasandal ako sa poste.

"Hayss, lahat pala iyon ay panaginip lang." bulong ko sa sarili

Let's start the program wih a game. The Newspaper Dance..........

May biglang lumapit sa akin at nag-aya kung pede ba kami ang magkapartner. Nang tiningnan ko ay pamilyar ang itsura. At Nagulat ako at napa-isip.

Mangyayari ba ang lahat ng aking napaginipan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TheNewspaperDance (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon