UNREQUITED FEELINGS

3 0 0
                                    

Kiel and I have been together for seven years. Asaran, lambingan, tampuhan, awayan na may kasamang bangayan pero magkakabati din naman. Gaya na lang ngayon...

"Lay, ang baho mo na, maligo ka na nga?", saad nya sakin. Habang nakatakip sa ilong nya at lumayo ng konti sakin.

"wow, hiyang hiya naman ako sayong unggoy ka na dalawang araw ng di naliligo", balik kong saad sa kanya at sinipa sya dahilan para mahulog sya sa kama.

"makasipa ka naman wagas, inaral mo ba talaga ang taekwondo o sadyang may lahi kang kabayo?", saad nya sakin habang sinasapo ang puwetan nya dahil sa pagkahulog nya at umupo ulit sa kama.

"kung kabayo ako, kalabaw ka naman. Sa amoy mo pa lang magtataka ang magiging katabi mo kung bakit anyong tao ka", balik kong asar sa kanya.

Ganito talaga kami lalo na pag naboboring sya pero may oras namang puro kami lambingan, na para na kaming lalanggamin sa tamis naming maglambingan haha. Oo nga pala sya si kiel, ang taong minamahal ko, pitong taon na kaming magkasama, panay na nga dikit nyan sakin na parang ayaw nya kong mahiwalay sa kanya. Kilala na din ako ng parents nya and kilala din sya ng parents ko.

"Mahal kita kaso ampanget mo kabonding kaya dyan ka na", sabi nya sakin at tumayo para lumabas sa kwarto ko.

" Ahhh~ Tatampo agad abunjing abunjing ko, lika nga dito abunjingjing lambingin kita dali kiel abunjing abunjing wag na tampo", pang aasar ko sa kanya na lalong ikinainis nya.

"Ang panget mo SiLay! bahala ka sa buhay mo. Di mo na ko mahal bahala ka aalis na ko", saad nya at ibinagsak ang pinto pagkalabas nya. 'hahahaha apaka pikonin talaga ng lalaking yun, bahala sya sa buhay nya sya naman nauna'

Nagdaan ang mga araw gaya pa rin kami ng dati, kulang na lang ata pagplanuhan ang kasal namin hehehe... pero nagbago ang lahat ng pangarap natin nung dumating ang araw na may pinakilala mo sya sakin.

----------

"Ah Lay, si Louisse nga pala..." , panimula nya, ngumiti ako sa babaeng tinutukoy nya at nakipagkamay "...girlfriend ko", naestatwa ako sa aking kinatatayuan sa sinabi nya. Napalingon ako sa kanya bigla at pilit na ngumiti.

"Ah haha, Congrats kiel...", tugon ko na may pilit na ngiti at lumingon kay Louisse "...and nice to meet you Louisse, stay strong sa inyong dalawa. Ah una na pala ako pinapauwi ako ni mama ng maaga eh", pagpapaalam ko at tumalikod na, hindi ko na hinintay ang sagot ni kiel.

Habang papalayo ako ay dahan dahan ring tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, nakisabay pa ang ulan sa nararamdaman ko.

'Bakit ako pa? Bakit ganito kiel? Minahal naman kita. Anong karapatan mong saktan ako? Di pa ba ko sapat?'

Napahinto ako bigla at napaisip...

Ako lang pala... Ako lang pala ang nagmahal... wala nga palang kami. Ako lang pala yung nangarap para saming dalawa... ako lang yung nagbigay ng motibo sa mga ginagawa at pinapakita nya. Ako lang ang nag iisip na pareho kami ng nararamdaman dahil ang totoo ako lang naman ang may nararamdaman sa kanya. Pero sya hanggang KAIBIGAN lang. Hanggang kaibigan lang ako sa kanga. Yes! We've been together for seven years... as BESTFRIENDS but not as LOVERS.

-------------------- Wakas --------------------

Random Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon