“ Sa likod ng upuan ng bus ”
Can you be my textmate? 0902*******. Madalas ka bang makabasa ng napaka-cheap na mensaheng ganito sa banyo sa MRT? Upuan at mesa sa circle? Gutter sa EDSA , puno sa wildlife , monumento ni Rizal sa Luneta at sa halos lahat ng likod ng bus na bumabayahe sa kamaynilaan?
Napapataas ang kilay ko sa tuwing nakakabasa ako ng ganitong mga vandalism. Ganoon na ba kahirap hanapin si “ THE ONE ” kaya may mga taong nakakagawa ng ganitong mga bagay? Ganoon na ba nagkakaubusan ng pag-ibig para i-bargain ang number mo sa publiko na parang nagpopost lang ng emo status mo sa facebook? Ganoon na ba katakot ang mga nagsusulat nito na tumandang mag-isa kaya hindi niya na inisip na baka drug addict pa ang makatyempo sa number niya ?
CHEAP. DESPERATE. KADIRI. Ilang lang yan sa mga salitang maididikit natin pag nakakabasa tayo ng mga ganito. Pero naisip mo na ba na paano kung artista ang nagsulat nito? Artista, o kung di naman ay isa sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas at nagtry lang sumakay ng bus at isulat ang number niya sa likod ng upuan kasi akala niya uso ito.
Paano kung isa sa mga anak ng politiko na sadyang kailangang lang talaga ng makakausap at ito lang ang nasa isip niyang paraan? Paano kaya kung ganoon noh?
Paano pala kung nasa likod ng upuan ng bus ang kasagutan para mahanap mo babae o lalakeng para sayo. Gaya ng bolang crystal ni Madame Auring, ipapagkakatiwala mo ba sa likod ng upuan ng bus ang puso mo?
Every 6am ay nasa bus stop na ako para maghintay ng bus papuntang university na pinapasukan ko. Mahuli lang kasi ako ng kaunti sa pagpunta dito ay marami na akong mamimiss. Una, malamang ay malate ako sa eskwela at pangalawa ay baka hindi ako makasakay sa paborito kong bus.
May paborito akong bus. Bukod sa laging ito ang natityempuhan kong masakyan dahil saktong 6am din ang daan niya sa bus stop na ito, paborito ko rin ito dahil comfortable ako dito. Sa dalas nga ng pagsakay ko dito ay kilala na ako ng bus driver pati ng konduktor. Air-con ang bus, tapos lagi pang bago ang movie na pinalalabas sa monitor di gaya ng iba na parang si Lito Lapid at FPJ lang ang artista sa TV nila.
Umayos na ako ng tayo ng makita ko na ang plate number ng paborito kong bus. LUV 143, ang cool no? minsan ko na ngang natanong kung pinapersonalize ba nila ito. Pero sabi ng driver ay nagkataon lang naman daw siguro.
“BACLARAN!!!!” sigaw ng konduktor. Ngumiti siya ng makita ako.
“Pasok na ganda!” sabi niya.
“Salamat po kuya” sagot ko at umakyat na ako sa bus. Kulang ang araw ko pag hindi ang bus na ito ang nasasakyan ko, hindi kasi ako nalalate dahil hindi ito matakaw sa pasahero, hindi rin kaskasero ang driver at higit lahat ay may malaki kasi itong sticker ng crush na crush kong si Wade Salazar. Sino si Wade? Siya lang naman ang isa sa anak ng prominenteng pamilya ng Salazar. Football player slash artista slash mayaman slash gwapo. San ka pa?
Umupo ako sa upuan sa bandang gitna. Pang limang upuan mula sa unahan. May nakaupo na kasi malapit sa driver. Medyo wala pang pasahero sa bandang likod. Nang wala ng sumakay ay umalis na ang bus.
BINABASA MO ANG
Sa Likod ng Upuan ng Bus (One Shot)
Short StoryPaano pala kung nasa likod ng upuan ng bus ang kasagutan para mahanap mo babae o lalakeng para sayo. Gaya ng bolang crystal ni Madame Auring, ipapagkakatiwala mo ba sa likod ng upuan ng bus ang puso mo?