Special Chapter III (LAST CHAPTER)

19.6K 905 316
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Malakas na pumalakpak ang ina ni Zernon ng masaksihan ang masayang kasal ng dalawa. Hihintayin na lang niya ang apo niya at kapag naiisip niya iyon ay halos puno ng galak ang kaniyang puso.

Ang ama naman ni Zernon ay hindi mawala-wala ang ngiti. Katulad ng asawa niya ay ang laman din ng kaniyang isip ay ang mga apong hindi pa naman naipapanganak at hindi pa nagagawa ng dalawa.

Hindi rin namomroble ang ama ni Zernon kung sino ang susunod na magiging hari ng kontinente ng Pyros dahil nasisiguro siya na sa oras na mamatay siya ay malalaki na ang mga anak ni Zernon at Faneya. Pwedeng-pwede siyang mamili sa kaniyang mga apo kung sino ang susunod na hari ng Pyros. Sigurado rin siya na madami ang magiging anak ni Zernon dahil halata naman sa mga mata nito na mahal na mahal nito ang babaeng si Faneya. Walang duda iyon.

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng Audience hall habang pinagmamasdan maghalikan ang bagong kasal. Halos madeform naman ang mukha ni Lory dahil sa pagpipilit nitong ngumiti kahit sa loob-loob niya ay hindi siya natutuwa. Ayaw niyang pumalakpak ngunit napilitan siyang gawin iyon.

Sumuko naman si Heros dahil kasal na ang babaeng gusto niya. Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na mahalin ito ng matagal dahil ng makita niya ito ay kasal na agad ng babae. Para bang hindi talaga sila tinadhana. Kaya naman nakasimangot siya habang pumapalakpak.

Ganon din ang laman ng isip ni Sedi. Para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa dahil kasal na ang napakagandang babae na iyon. Bukod pa don, isa itong Empress na kailangan nilang yukuan at luhudan sa tuwing makikita nila ito.

Kanina pa din sumuko si Nedi dahil ayaw niyang mamatay. Sa tatlong prinsesa ay ito lamang ang nakaisip ng bagay na iyon at siya lang ang nakarealize kung gaano makapangyarihan si Faneya. Walang kahit na sinong may kayang tumalo dito. Sa kagandahan man o sa abilidad. Para bang pinanganak ito para maging isang empress.

Hindi naman tinago nj Sarah ang kaniyang disgusto sa nangyayari sa kaniyang paligid ngunit wala na siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang lahat ng ito. Kahit pa mainis siya ay walang mangyayari.

Maliban pa don, hindi nalang ito isang estudyante ng Entasia Akademia o isang manhara o minhana. Isa na siya ngayong future empress na kokoronahan sa mismong oras at araw na iyon. Sumimangot nalang siya ng todo habang pumapalakpak.

Tinanggap na din niya sa puso niya ang bagay na iyon dahil maganda ito. Sobrang ganda kaya naman duon pa lang alam na niya na wala na siyang pag-asa. Maganda din naman siya pero iba ang ganda ni Faneya.

Bukod don, mukhang pinanganak talaga si Zernon at Faneya sa isa't isa dahil bagay na bagay sila. Naiinggit lang siya dahil hindi niya alam kung meron bang lalaki na para sa kaniya.

Nang maghiwalay si Zernon at Faneya ay tsaka lang nila namalayan na nagpapalakpakan pala ang mga tao sa buong Audience Hall. Namula naman ang mukha ni Faneya. Niyakap niya si Zernon at ibinaon niya ang ulo sa matipunong dibdib nito.

Napangiti naman si Zernon dahil mukhang nahihiya ang kaniyang asawa. Kita niya ang pamumula ng tenga nito.

Tumikhim naman ang priest kaya tumigil na ang palakpakan. Humiwalay din si Faneya kay Zernon.

"I, the High Priest, congratulate the beautiful marriage of the future Empress and Emperor" pahayag ng high priest.

Tahimik pa rin ang lahat habang hinihintay ang sasabihin nito.

"As you all know, we are also here to witness the coronation of Emperor and Empress of Entasia. The land owner of Entayos and the ruler of Entasia" malakas na saad ng High Priest.

Entasia Akademia: The AbsoluteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon