Chapter One

3 0 0
                                    


warning: explicit cussing, cursing, swearing, bad language

.........................

Sigh.

This is so frustrating. I threw the pen and lay on my bed.

"Ang lame ng poetry na to nakanang!" He then laugh. Tanginang to talaga. Sinamaan ko siya ng tingin at binato sa kanya ang papel na nakalupi malapit sa paanan ko.


"Gago ka, bakit ba kasi ako ang pinaggagawa mo ng assignments mo?! Wala ka bang utak na ulupong ka?!" Si kupal nakahawak pa sa tiyan habang natawa feel na feel amputa.


Kunyaring pinunasan niya ang mata na para bang naluluha sa kakatawa, napaka argh! Paano kasi, may homework sila kung saan, gagawa sila ng isang tula na nagpapakita na ramdam ng isang isang tao ang halaga ng isang katahimikan. In short, emo right? I rolled my eyes at my cousin before siting again on my table. Ano pa magagawa ko? Bayad na to.


"Oy oy, bayad na yan atsaka easy lang yan sa write---hmp!" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya upang hindi niya maituloy ang kanyang sinasabi bago binato ng unan. Hindi pwedeng may makaalam. Well, kung di lang kasi chismoso tong gagong to, bigla bigla nalang napasok sa loob ng kwarto ng bahay namin ng walang ingay o sadyang focus lang talaga ako? Anyways. Bwiset kasi, patay ako kay Papa pag nalaman niyang nagsusulat ako ng mga ganto. 

I mean he'll rant me with the "Magkakapera ka ba dyan? Dagdag kuryente lang yan"

I understand him. We're not rich anymore so yeah.

"Hmp! Hmp!" Nabalik ako mula sa pag iisip ng makitang namumula ang mukhang ni gago habang nagpupumiglas. Napakahina naman pagdating sa wrestling. Tumayo siya at pinagpag ang damit bago hinalungkat ang bag. Hindi siya nagsasalita pero ramdam kong may binabalak na naman siyang katarantaduhan.


"Ano? Umayos ka Abel, alam ko yang mga kilosan mo na yan. Naku! Pag hindi mo tinigil yan--" Tumigil lang siya ng may mahalungkat, dahan dahan niyang tinaas ang kamay at nakapaskil sa kanyang mga mukha ang isang ngiting mas malala pa sa demonyo. I know that paper! Nag balik tanaw ang isip ko sa panahong ginagawa ko yon at hindi ko malaman kung bakit mas pinilit kong itabi iyon, dapat sinunog ko na agad! Naiisip ko pa lang na may makakabasa ng nakasulat don, gusto ko ng magwala at manakal! 


Unti unting nanlaki ang mata ko ng makitang may hawak na siyang Cellphone at pinipicturan iyon. Dali dali kong hinablot ang papel ngunit huli na dahil kahit yung nilalaman ay hindi na naisalba sa kamay ng demonyong to!


"Saan mo nakuha to? Bakit nasa iyo to?!" Hinabol ko siya na tatawa tawa lang. Pilit kong inaabot ang sulat ngunit matangkad siya.


"Ate Chai, Para kanino ba to? Inspired ka ba? Kanino? Malay mo kilala ko at mailakad pa kita ayieee!" Letse! This is why I hate this guy. Mana siya sa kuya niyang sira-ulo.

"Utang na loob, pag hindi mo yan binura, nakikita mo yang arnis sa tabi ng bag mo? Ipupukpok ko yan sa ulo mo hanggang sa makalimutan mo ang nakasulat sa papel na yan!" Grr. Hindi siya nagpatalo at pinag cross pa niya ang dalawang hita.

"Ate Chai, why are you so angry ba? Is this really importan--"

"HINDE!" 

"Hindi naman pala eh, wag ka na magalit. Promise walang makakakita nito." Sabay ngiti.

"Wala akong tiwala sa tono ng boses mo at sa ngiting demonyo na nakaplakada sa mukha mo. Sige! Gusto kong malaman mo na wala akong pake sa kapirasong papel na yan na patapon! It's just, uh, some drafts from my works before so, you can do whatever you want with it! I don't care anymore. Leave now or else I'll ditch this damn poet of yours without returning your money." 

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya hindi ko alam kung maguguilty ako. Ah basta, maganda naring lumayas na yon ng hindi na niya ako makulit at makapag concentrate na ako. Himala nga at hindi siya nangulit tungkol sa blind date ngayon. Ewan ko ba, masyado pa akong bata para mag boyfriend. Hello, I'm only 22 years old, still have a lot on my plates and they're gonna pest with those jerks? I mean not all of them are jerks but still, hell no. 

Binalewala ko na lamang ang mga isipin at nagfocus na ulit sa pagsusulat. 

"SINO NAG-ALIS NG GAMIT KO DITO?!" Pucha!

Napapikit ko habang hawak ang sintido. Walangya talaga. Hindi na natahimik sa bahay na to. Isinara ko ang laptop bago lumabas ng pinto para tignan ko kung anong nagyayari at parang may nakawala na namang tigre sa bahay.

"Oh ano? Sigaw ka na naman ng sigaw dyan."

Bumungad sakin  ang nakakalat na bag ng isa kong kapatid. Halos mapunit na mga notebook sa panggigigil. 


"Kasi naman eh! Sa tuwing uuwi ako galing school laging may wala, minsan pakalat kalat pa mga gamit ko na hindi ko malaman bakit nakakalat. Inaayos ko naman to bago ako umalis!" Pagdadabog niya. Tinignan ko ng masama si Alley na kumuha ng ice-cream sa refrigerator.

Ang isa naman ay paniguradong eto ang may kasalanan dahil paasar na nakain lamang ito ng ice-cream sa gilid. Wala si Papa dahil nasa trabaho pa ito at eto namang dalawa...

"Ayusin niyo yan, ginigigil niyo na naman ako. Hindi niyo ko nanay, Ate niyo ko kaya wag niyong painitin ulo ko. Kung si Mama pinagpapasensyahan kayo, ako hindi. Humanap kayo ng bahay niyo kung gusto niyo masunod at magawa lahat ng gusto niyo." 

Sigh. Walang araw na hindi natatahimik sa bahay, maliban na lamang kung nasa school ang dalawa. Nilapitan ko ang isa pa naming kapatid na special child at nilayo ng kaunti ang screen ng cellphone para hindi sumakit ang mga mata niya. Ngumiti siya at tinagilid ang ulo kaya wala sa sariling napangiti ako. 

Binantaan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid bago ako bumalik sa kwarto. Napatingin ako sa bintana dahil sa kapansin-pansing liwanag na nagmumula dito at ng lumapit ako ay nakamamanghang liwanag mula sa buwan ang aking nasilayan. 

Hindi ko akalaing makakakita ako ng gantong kaliwanag na buwan, especially, in my room. Ang ganda ng buwan, sobra. Hindi ko mapigilan ang mapanganga. Hindi man siya malapitan pero parang ang lapit lang nito. Itinaas ko ang palad ko na para bang inaabot ito ng biglang parang may kung ano sakin kaya dali-dali akong lumakad palapit sa side table bago umupo sa harap ng laptop ko at nagtipa.



 I only find peace at night,

I'm most comfortable when the clock hits 12 o'clock.

Why would I forced myself into the light?

When all I could want of right now is to be nowhere of sight...

..........................................................................................................................................................

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A  Sightful EndingWhere stories live. Discover now