Chapter 3

3 1 0
                                    

Chains and Shadows

"They're just late, Eloise. Kumalma ka muna." Marcus said chuckling as he keeps tapping on his phone.

I cursed mentally at myself. Hindi ko na naman siguro namalayan ang segu-segundong pagtingin ko sa relo sa kanang kamay. Well, it was a habit I can't stop. Kanina pa dapat nandito ang ibang miyembro ng student council pero kami lang talaga ng presidente ang may sense of time.

Ugh. I hate wasting my time on waiting.

Napatingin na lamang ako sa apat na sulok ng kwarto. Mabuti naman at nagawan nila ng paraan na magpagawa na ng Student Council room. Nung nakaraang taon kasi nagpapakahirap sila Ate Adrian sa maliit na room sa ilalim ng hagdan sa Sophomore's building. Habang dumadami kasi ang mga estudyante lumiliit din ang mga classroom. Kaya mabuti na lamang at nung Summer Vacation nakapagpatayo ulit ang Academy ng tatlong buildings kasama na ang club rooms. Magaan sa mata ang bagong pinturang pader nito, kulay asul at puti. Natuwa naman ako nang mapatingin sa malaking bulletin board sa harap ko kung saan nakapaskil ang members namin at mga officers sa ibang club sa school. Ngunit ang ngiting iyon ay mabilis ring nawala nang makita ko ang pangalan ni Ruiz na nakapaskil sa Swimming Team.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita yung lalakeng iyon. Para naman kasi yung kabute na biglang nandyan tapos biglang nawawala.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Matcus kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya, gaya ng dati tutok ito sa cellphone nito at nagtitipa. Kita ang mumunting kislap sa kanyang mata at nakangiti ito sa kung sino mang kausap nya sa telepono. Malamang si Mei na naman yun. Si Mei lang naman nakakapagpangiti sa kanya maliban sa mataas nyang grado. Good for him because his phone gives him comfort.

Hinugot ko na lamang ang cellphone ko mula sa front pocket ng uniform vest ko at nagtipa ng mensahe para kay Dion. Hindi ko kasi sigurado kung makakaabot pa ako mamaya. Dapat ako ang maghihintay sa kanya pero mukhang si Dion ang maghihintay sa akin ngayon. Mabuti na lamang at wala akong cram school ngayon dahil may sakit si Mr. Henderson.

It's already 4:28 pm. Dapat kanina pa nandito ang miyembro ng Student Council dahil hindi kakayanin ng kalahating oras ang meeting namin ngayon.
"Aren't you annoyed?" Mahinang tanong ko habang tinatago muli ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko. Napatigil naman sya sa pagtipa ng reply nya at tiningnan ako. He gave me an apologetic smile and typed on his phone again. I heard my phone ding and when I pulled it out from my pocket, a message from our group chat flashes on the screen saying, "WE NEED YOU IN THE OFFICE NOW! BE LATE AND YOU'RE IMMEDIATELY ASSIGNED FOR THE PROPS AND STAGE DESIGNS. NOT ONLY THAT, YOU ARE ASSIGNED FOR THE AFTER PARTY CLEAN-UP."
"Seriously?"
"Seriously. It always work." He gave his usual deep chuckle and continued tapping on his phone again. Seconds later the door of the office came open and loud rushing footsteps filled the room. Rinig ko pa ang mga papel na nahulog habang nagsisiunahan silang umupo. Halatang napilitan lang silang lahat pumunta dahil sa takot nila sa paggawang design at props. Kung ikukumpara kasi sa planning at pagpurchase ng mga gamit, mas nakakapagod ang paggawa nito dahil kami-kami lang rin talaga ang gagawa. And it's not just simple putting things together because this meeting is for the University's Foundation Day.
Magsisimula na sana kami ng bumukas muli ang pinto, niluwa nuon ang nagmamaktol pang treasurer ng SSC na si Mallory Galvez, at halos lupaypay na humahangos sa upuan nya habang hila-hila sya ni Sophia Gonzales, ang secretary namin.
Magulo ang natural na buhok nito na halatang ginulo ng hangin sa labas marahil dahil sa pagtakbo nila rito. Si Sophia naman ay kalmado lamang at tahimik gaya ng dati ngunit kita ang pamumula ng pisngi nito.

"Sorry po Mr. President and Ms. VP! Ang dami po kasing pogi sa baseball field-"
"Mallory... Shut up." Kaagad na pinutol ni Sophia ang sinasabi ni Mallory na tinakpan ang bibig nito. Narinig ko naman ang pagtawa ng ibang members na hindi ko na pinansin. Ang gusto ko lang matapos na ang meeting at makapagpahinga ako.

Maingat silang umupo at ilang minuto lang ay nagsimula na ang meeting.
"I told you to write some of the plans you're thinking now pitch it on. Sophia, jot everything down."

Kaagad namang tumango si Sophia.
Ilang minuto lang ay natapos din ang meeting. We all decided mutually on things to do for the University. A whole week of fun and games! But this week mapapagod muna ako sa pagkausap sa mga presidente ng clubs at mga classes. We're having the usual booths and games from them.

"So, that leaves Mallory and Sophia's team for the props and designs."

And series of groans and protest follows.

"Pero-"
"Oh shit, no."
"You were late guys. That's the rule. So, Mallory, Sophia, Damon, Lilybeth and Chloe should stay."
Tumayo na si Marcus at naglakad ng hindi na tumitingin kahit nagpoprotesta pa sila Sophia. Napabuntong-hininga na lamang ako at inayos ang mga gamit ko.

Kinuha ko muli ang phone ko para magsend ng message kay Dion. Baka kasi hinihintay nya na rin ako sa mga oras na ito. Tahimik lamang ako ngunit nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagnanakaw nila ng tingin sa akin. Even the nudging of their elbows didn't escape my eyes. This group, seriously.

"Ask her," mahinang bulong ni Mallory na hindi nakatakas sa tenga ko.
"Ayoko nakakahiya!" Sagot naman ni Chloe at mahinang kinalabit nito si Sophia na tahimik lamang na nakikinig sa kanila.
Napatungo lamang si Sophia at umiling. "Wag nyo na ako idamay sa problema nyo. Wala naman ako kinalaman dyan e."
"Walang hiya ka naman minsan Mallory, sige na tanungin mo na."
"Ayoko-"
"Kung magbubulungan lang kayo mabuting sabihin nyo na..." I pocketed my phone and look at Chloe and Mallory that is now avoiding my eye contact, "... What is it?"
Chloe stares at everywhere but my eyes while Mallory is nudging on Chloe's elbow, trying to push the other to speak.

I know I always give them this attitude, as much as possible I hate talking but that doesn't mean they can't talk to me. Hindi naman ako nagagalit pag kinakausap ako pero naiinis ako kapag may gusto silang sabihin pero mananahimik sila bigla.

"They..."  a soft voice broke the tension, Sophia is scribbling on her paper and said, "... they are curious about Elise Madrigal, the piano artist. Is she really your twin sister?"

Elise. Again.

"Yes, she's actually my twin. Yun lang ba?" Balik na tanong ko at handa ng umalis.
"Sorry Eloise. Fan kasi ako ni Elise. Ano... Gusto ko sanang itanong kung uuwi ba talaga sya?"
Matagal kong tinitigan si Chloe at iniisip kung ano ang isasagot. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang isasagot ko rito. Elise never tells us what's her plan. Oh, she never really talk with us- er, me.
"Eloise ayos ka lang ba?"
"I'm okay. Pasensya na. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko. Well, we haven't talked for so long and I might not have any answers to give you."
Napahinga sya ng malalim at ngumiti sa akin. "Salamat po Vice President. Akala ko talaga masungit ka pero mabait ka pala talaga."
"I'm sorry. Did I scare you?" Umiling naman ang mga ito. Tumango na lamang ako bilang pamamaalam at kinuha ang mga gamit ko.

Ramdam ko pa rin ang mga tingin na iyon kahit nakatalikod na ako. Ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon gaya ng dati.

Inside the school I'm Eloise Malia, the student council Vice President. I'm one of the swimming team's ace, a model student, and a shadow. Despite what I have built for myself so far, I'm still Elise Marie's twin sister. The other option my mom chose, another version, another shadow.

And now I don't know myself anymore. Am I just Eloise Malia Madrigal?

And no matter how far I can go, I can still fill the chains that binds me with them. Chains I know I can never scape.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Over The WaterWhere stories live. Discover now