Health Story 2021

0 0 0
                                    

FEBRUARY 2021 - Annual Physical Check up sa work, ang findings: above sa normal range ang blood sugar at cholesterol ko and as per BMI, overweight. Nung nag aaral pa ko high school to college ni hindi ako umaabot ng 50 kilos, kaya kahit gusto ko magdonate ng dugo dati, di pwede. Nung nag start na ko mag work, lagi nang tumataas ang weight ko halos 1 kilo per month at ayun na nga sa check up, di na normal. Ang recommendation proper diet, meron din ako meds for cholesterol and follow-up testing for the blood sugar. Big deal na saken to that time, di kasi ako sakitin eh and past years ng check up laging class A.

MARCH 2021 - 3rd week ng March nagkaroon ng 1st case of COVID-19 sa office. Isa ako sa mga close contacts. Dito ko nagka idea kahit papano regarding COVID at sa contact tracing. Office quarantine kami for 14 days, halo halo na emosyon dito eh. Una, kasi ayaw ko na sa work ko eh. Pangalawa, praning kaming lahat. Luckily na survive naman.

APRIL 2021 - First week ng April na schedule kami for COVID-19 vaccination, takot ako nun di ko pa nga naiintindihan kung pano nagwowork ang vaccine, even yung COVID-19 mismo di ko pa naiintindihan ng husto pero nagpa vaccine pa rin ako ( first dose) dala na rin ng pressure sa work kasi nga benefit daw yun.
3rd week ng APRIL, second case ng COVID-19 sa office and again, close contact na naman ako. This time, home quarantine naman.

MAY 2021- delayed ang second dose ko ng vaccine dahil sa pagiging close contact pero natuloy pa rin naman. 2 weeks after 2 doses of vaccine, officially fully vaccinated citizen na me.

JUNE 2021- nagka diarrhea ako for 2 weeks, ang findings: Amoebiasis sabi ng doctor at research: once amoebiasis, always amoebiasis. Sensitive na raw ang tiyan kelangan maselan sa food. Niresetahan ako ng 2 klase ng antibiotics and pain reliever. Nagka side effects pa nag cause ng pagsusuka yung gamot.

JULY 2021- hindi dumating ang monthly period ko, ganun din pag dating ng AUGUST 2021, akala ko buntis ako.

SEPTEMBER 2021- diagnosed ako with PCOS. Both ovaries covered na with cyst kaya no period ako for more than 90 days. Niresetahan ako ng provera para mag bleed and pills to regulate hormones.
Days after being diagnosed with PCOS, nagka diarrhea ako ulit, same feeling nung last time so pakiramdam ko, na trigger ulit yung amoebiasis and marami pang ibang nararamdaman di ko alam kung side effects ng gamot pero di ako makabalik sa doctor kasi that time naka home quarantine na naman ako for 14 days. Umabot na rin ng 6 cases ang offices, nagpatest rin ako during nung quarantine and  buti na lang after 3 times ng pagiging close contact, negative pa rin ako. Sobrang hirap na that time kasi super stressed na ko sa work gustong gusto ko na magresign kahit walang bagong work, masama pakiramdam ko pero walang magawa kasi naka isolate. Inisip ko na lang siguro way na yung isolation para makapahinga sa work.
Sept. 23 - balik duty na ko okay naman triny ko ihabol mga work na naiwan before ma quarantine.
Sept.24, masama pakiramdam ko para akong tatrangkasuhin, and tumuloy na nga:  ubo, sipon, headache, and body pains yan ang mga naranasan ko. Aware ako sa symptoms ng COVID-19, and oo syempre naghinala ako pero naiisip ko rin since taglamig na dito sa baguio baka trangkaso lang.
Sept. 29 - nagpa rt pcr test na kami. This time coughing na lang naman, bumabalik na rin pang amoy so mas naniniwala akong simpleng trangkaso lang.
Sept. 30 - hirap ako huminga, prng puno ng plema yung lungs na ayaw  lumabas pero masikip sa paghinga. Dinaana ko na lang sa steam at inhalers, kumalma naman. Same day, nakareceive na ako ng call saying na positive nga ko for COVID-19. 

OCTOBER 2021- 18 days of bleeding na ko due to PCOS tapos nagising ako ng madaling araw kasi feeling ko nasusuka ako tapos di ko na makuha ulit yung tulog ko. Kaya nagsulat sulat na lang ako ng experiences ko sa health this year, feeling ko kasi andaming nangyari, feeling ko abusong abuso na yung katawan ko sa mga sakit na binigay ko, mga gamot na kinailangan niya i take. Sabi ko nga mas healthy pa sa healthy ang tingin ko sa sarili ko dati, pero sa isang iglap prng bibigay na yung katawan ko. Oo pagod na ko. Hirap na ko.
 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon